Ang problema natin sa pagkain

SHARE THE TRUTH

 171 total views

Mga Kapanalig, maraming mamimili ang umaaray sa nagtataasang presyo ng pagkain ngayon. Sa ilang pamilihan dito sa Metro Manila, halimbawa, ang kada kilo ng siling labuyo ay nagkakahalaga ng ₱600, mas mataas pa sa presyo ng karneng baboy na nasa ₱320 kada kilo. Maraming gulay din ang nagsipagmahalan din ang presyo: ang sibuyas ay nasa ₱270 bawat kilo mula sa dati nitong presyo na ₱160; ang kamatis na noon ay ₱100 kada kilo, ngayon ay nasa ₱160 na; ang mga madadahong gulay katulad ng kangkong at pechay na dati ay ₱10 lamang kada tali, doble na presyo ngayon.[1] Talaga namang sasakit ang ulo ng mga nanay (o tatay) sa pagbabadyet.

Gustuhin man nating kumain ng masusustansyang pagkain katulad ng gulay, lubhang mahirap itong gawin lalo na ng mga pamilyang umaasa sa arawang kinikita ng nagtatrabaho sa kanilang pamilya o kaya naman ay wala na talagang regular na sahod dahil na rin sa pagkawala ng trabaho dulot ng pandemya. Katwiran ng mga nagtitinda ng mga gulay, sadyang napakataas ng kanilang puhunan para kumuha ng mga paninda nila mula sa ibang lugar na pinalalalâ pa ng ipinapatong ng mga middlemen o ang mga pumapagitna sa pagbilil ng gulay mula sa mga magsasaka at mga manininda. Mayroong umiiral na price freeze lalo na sa mga lugar na nasalanta ng magkakasunod na bagyo, at kabilang dito ang Metro Manila. Ngunit ang price freeze na ito, na tatagal ng dalawang buwan, ay para lamang sa mga tinatawag na basic necessities na kinabibilangan ng mga processed food gaya ng instant noodles, powdered milk, at instant na kape.[2]



Kaya hindi natin masisisi ang ilan nating mga kababayang mas piliin ang mga pagkaing hindi nakatutulong sa kanilang nutrisyon. Ito rin ang dahilan kung bakit maraming Pilipino, lalo na ang mga bata, ang kulang sa timbang at tangkad. Ayon sa UNICEF, isa sa tatlong batang Pilipinong na wala pang limang taong gulang ang stunted o hindi akma ang kanilang tangkad para sa kanilang edad. Isa naman sa bawat sampung adolescents ang obese o lubhang malaki ang pangangatawan dahil sa maling pagkain.[3]

Sa mahal ng pagkain, may mga pamilya ring hindi na kumakain ng tatlong beses sa isang araw. Pinatindi pa ng kasalukuyang pandemya ang problemang ito. Sa datos na inilabas ng Social Weather Stations (o SWS) noong Setyembre, nasa 7.6 milyong pamilya ang minsang nakaranas ng gutom sa nakalipas na tatlong buwan mula nang isinagawa ang survey. Sa bilang na ito, 2.2 milyong pamilya ang nagsabing matinding gutom (o severe hunger) ang kanilang naranasan.[4]

Sa totoo lang, may sapat na pagkain para sa ating lahat. Lubhang napakarami nga lang ng mga balakid upang makarating ang pagkain sa hapag lalo na ng mga mahihirap at kapos sa buhay. Maliban sa hindi abot-kaya ang presyo ng pagkain, marami rin ang nag-aaksaya ng pagkain na, sabi nga ni Pope Francis sa Catholic social teaching na Laudato Si’, ay mistulang pagnanakaw na rin mula sa mesa ng mga dukha.[5] Ang problema natin sa pagkain ngayon ay nakaugat sa maraming bagay—ang kawalan ng maayos na trabaho, ang kasakiman ng ilang mapagsamantalang negosyante, at ang hindi pagbibigay-pansin sa pangangailangan ng mga magsasaka. Ang problema natin sa pagkain ay isang problemang pangkatarungan.

Mga Kapanalig, sinasabi sa Lucas 12:24 na hindi tayo dapat mabalisa kapag wala tayong makain dahil laging nariyan ang Diyos na nagbibigay sa atin ng biyaya, sa ating mas mahalaga pa kaysa sa mga ibong hindi nagtatanim o umaani ngunit nakakakain. Ngunit kung lubhang napakarami na ang walang makain nang maayos sa ating bansa, malakihang pagkilos na ang kailangang gawin ng mga institusyong inaasahan nating magtitiyak na wala tayong mga kababayang kumakalam ang tiyan.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Malayo sa kumakalam na sikmura

 21,969 total views

 21,969 total views Mga Kapanalig, tinatayang aabot sa humigit-kumulang 6% ang economic growth ng Pilipinas sa unang quarter o unang tatlong buwan ng 2024. Ayon iyan kay Department of Finance Secretary Ralph Recto. Sinusukat ang paglago ng ekonomiya gamit ang tinatawag na gross domestic product (o GDP) ng bansa. Ito ang halaga ng lahat ng produkto

Read More »

Cellphone ban?

 27,387 total views

 27,387 total views Mga Kapanalig, una nang pinlano ni Senador Sherwin Gatchalian na maghain ng isang panukalang batas na magbabawal sa mga estudyanteng gamitin ang kanilang cellphone habang nasa paaralan. Pero bago pa man ito maisabatas, hinimok niya ang Department of Education na magpalabas ng isang order para i-ban ang paggamit ng mga estudyante ng cellphone.

Read More »

Damay ang medical profession

 34,094 total views

 34,094 total views Mga Kapanalig, pamilyar sa atin ang kuwento ng Mabuting Samaritano o Good Samaritan sa Lucas 10:25-37. Isang Samaritano ang tumulong sa isang lalaking naglalakbay na “hinubaran, binugbog, at iniwang halos patay na” ng mga tulisan. Binigyan niya ang lalaki ng paunang lunas at saka inihatid sa isang bahay-panuluyan upang maalagaan siya roon. Hindi

Read More »

Manggagawang Pilipino

 48,891 total views

 48,891 total views Kapag buwan ng Mayo, ang unang bungad sa atin, kapanalig, ay ang labor day. Marapat lamang na ating tingnan ang maraming mga hamon na kinakaharap ng ating mga manggagawa. Sa kanilang mga balikat nakalagak ang ekonomiya ng ating bayan. Alam niyo kapanalig, ang isa sa mga perennial issues ng labor sector ay ang

Read More »

Malnutrisyon

 55,047 total views

 55,047 total views Kapanalig, kapag usapang malnutrisyon, ang ating unang naiisip ay kapayatan at gutom. Ang larawan na bumungad sa ating isip sa usaping ito ay ang sobrang kapayatan pero malaki ang tiyan, tuliro ang itsura, at kabagalan sa pagkilos. Pero kapanalig, ang malnutrition ay hindi lamang undernourishment, sakop din nito ang overnourishment. Ang malnutrition, ayon

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Malayo sa kumakalam na sikmura

 21,970 total views

 21,970 total views Mga Kapanalig, tinatayang aabot sa humigit-kumulang 6% ang economic growth ng Pilipinas sa unang quarter o unang tatlong buwan ng 2024. Ayon iyan kay Department of Finance Secretary Ralph Recto. Sinusukat ang paglago ng ekonomiya gamit ang tinatawag na gross domestic product (o GDP) ng bansa. Ito ang halaga ng lahat ng produkto

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Cellphone ban?

 27,388 total views

 27,388 total views Mga Kapanalig, una nang pinlano ni Senador Sherwin Gatchalian na maghain ng isang panukalang batas na magbabawal sa mga estudyanteng gamitin ang kanilang cellphone habang nasa paaralan. Pero bago pa man ito maisabatas, hinimok niya ang Department of Education na magpalabas ng isang order para i-ban ang paggamit ng mga estudyante ng cellphone.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Damay ang medical profession

 34,095 total views

 34,095 total views Mga Kapanalig, pamilyar sa atin ang kuwento ng Mabuting Samaritano o Good Samaritan sa Lucas 10:25-37. Isang Samaritano ang tumulong sa isang lalaking naglalakbay na “hinubaran, binugbog, at iniwang halos patay na” ng mga tulisan. Binigyan niya ang lalaki ng paunang lunas at saka inihatid sa isang bahay-panuluyan upang maalagaan siya roon. Hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Manggagawang Pilipino

 48,892 total views

 48,892 total views Kapag buwan ng Mayo, ang unang bungad sa atin, kapanalig, ay ang labor day. Marapat lamang na ating tingnan ang maraming mga hamon na kinakaharap ng ating mga manggagawa. Sa kanilang mga balikat nakalagak ang ekonomiya ng ating bayan. Alam niyo kapanalig, ang isa sa mga perennial issues ng labor sector ay ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Malnutrisyon

 55,048 total views

 55,048 total views Kapanalig, kapag usapang malnutrisyon, ang ating unang naiisip ay kapayatan at gutom. Ang larawan na bumungad sa ating isip sa usaping ito ay ang sobrang kapayatan pero malaki ang tiyan, tuliro ang itsura, at kabagalan sa pagkilos. Pero kapanalig, ang malnutrition ay hindi lamang undernourishment, sakop din nito ang overnourishment. Ang malnutrition, ayon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng Buhay sa Syudad

 39,427 total views

 39,427 total views Marahil isa sa mga dahilan kung bakit nauuso ngayon sa maraming pamilya ang pagbili ng mga farmlots o beach lots kahit ganito pa ito kaliit at kamahal ay dahil bumababa na ang kalidad ng buhay sa mga syudad habang tumataas naman ang lahat ng mga gastusin. Ngayong tag-init, mas ramdam din ng mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Trabaho sa kabila ng init

 50,011 total views

 50,011 total views Mga Kapanalig, kumusta kayo ngayong tag-init? Siguro, iba’t ibang paraan na ang nagawa ninyo upang ibsan ang napakataas na temperatura ngayon. Mayroon siguro sa inyong pumunta na sa beach para mag-swimming at sa mall para magpa-aircon. O kaya naman, panay ang kain ninyo ng halo-halo at ice cream para magpalamig. Samantala, may mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Patuloy ang pagyurak sa dignidad ng tao

 58,228 total views

 58,228 total views Mga Kapanalig, itigil ang patayan! Ito pa rin ang panawagan ng mga human rights groups at mga samahang naniniwala sa halaga ng buhay at diginidad ng tao. Dalawang taon kasi mula nang matapos ang administrasyong Duterte, na kilala sa madugong war on drugs, patuloy pa rin ang patayan sa mga komunidad sa ilalim

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Permanent interests

 42,461 total views

 42,461 total views Mga Kapanalig, may kasabihang sa pulitika raw, “There are no permanent enemies, and no permanent friends, only permanent interests.” Positibong pangungusap ito kung ang tinutukoy na interes ay ang interes ng taumbayan o ng mga taong pinaglilingkuran dapat ng mga namumuno sa pamahalaan. Ngunit dito sa Pilipinas, mas madalas na interes ng iilang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilient Education

 48,437 total views

 48,437 total views Kapanalig, kailangan maging resilient ng ating education sector. Ang resilient education kapanali, ay matibay at flexible. Sa ating bansa kung saan napakaraming mga sakuna ang dumadalaw taon-taon, napakahalaga na ang konseptong ito ay maging realidad. Kailangan ma-i-apply ito sa buong bansa sa lalong madaling panahon. Ang resilient education ay tumutukoy sa kakayahan ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Financial Inclusion

 51,530 total views

 51,530 total views Napakahalaga ng financial inclusion sa ating bayan. Kapag inclusive ang ating merkado at ekonomiya, mas maraming Pilipino ang maiaangat sa kahirapan. Kaya lamang, sa ating bayan, ang financial inclusion ay hindi nauunawaan ng marami nating kababayan. Ayon sa Bangko Sentral, ang financial inclusion ay isang estado o kalagayan kung saan ang tao ay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Benepisyo ng Digital Technology

 41,235 total views

 41,235 total views Kapanalig, kapag sinabing digital technology, top of the head ang naiisip natin ay kadalasang may kaugnayan sa komunikasyon gaya ng ng internet. Ang lawak ng sakop nito, at tama lamang na tayong mga Pilipino ay maging mas maalam dito dahil napakaraming oportunidad ang nagbukas at nagbubukas pa dahil sa digital technology. Maski si

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Alin ang mas matimbang?

 42,123 total views

 42,123 total views Mga Kapanalig, naghain noong isang linggo si Senadora Risa Hontiveros ng isang resolusyong inuudyukan ang Senado na imbestigahan ang pinsalang iniiwan ng mga mining at quarrying activities sa ating bansa.  Sa Senate Resolution No. 989, nais ng senadora na makita ang mga butas sa mga umiiral na batas na sanhi ng pagkamatay ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kultura ng pagpapanagot

 57,426 total views

 57,426 total views Mga Kapanalig, malaking balita ngayon sa kapitbahay nating bansa na Vietnam ang pagpapataw ng parusang kamatayan o death penalty sa isang real estate tycoon na napatunayang ginamit—o ninakaw pa nga—ang pera ng pinakamalaking bangko roon. Sa loob ng labing-isang taon, iligal na kinontrol ni Truong My Lan, chair ng isang real estate corporation,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Maging tapat sa taumbayan

 69,835 total views

 69,835 total views Mga Kapanalig, bakas kay Pangulong Bongbong Marcos ang kasiyahan matapos makipagpulong sa Amerika kina US President Joe Biden at Japan Prime Minister Fumio Kishida. Sa pakikipag-usap sa media, ibinida niya na ang pagtutulungan ng ating bansa sa Amerika at Japan ay magdudulot ng “brighter, more prosperous future” sa rehiyon. Aniya, matatag daw ang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top