Tunay na regalo ngayong Pasko

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 673 total reads

Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, Pasko na! Marahil marami sa inyo ang nakabili na o kaya ay bibili pa lamang ng panregalo para sa inyong mga mahal sa buhay. Kahit na maraming nawalan ng trabaho at gipit ngayong panahon ng pandemya, sadyang naging kultura na nating mga Pilipino ang magbigayan ng regalo. Sa mga malls at pamilihan ngayon, aakalain ngang wala tayo sa kalagitnaan ng pandemya dahil sa dagsa ng maraming tao.

Sa mga kababayan naman nating umiiwas pumunta sa matataong lugar tulad ng malls at Divisoria, online shopping ang kanilang takbuhan. Para sa marami, mas convenient o madali ang pamimili online. Sa pagpili ng mga produkto, hindi na kailangang lumabas ng bahay at makisalamuha sa maraming tao. Hindi na rin kailangang magtiis sa mabigat na daloy ng trapiko, dahil ilang pindot sa smartphone o laptop, libu-libo na ang maaaring pagpipilian. Maliban sa convenient ang pamimili, tinatangkilik din ng marami ang mga online shops dahil sa halos buwan-buwang sale ng mga ito. Sinabi ng isang online shop na sa huli nitong sale, humigit-kumulang 12 milyong items ang naibenta sa unang 24 na minuto lamang pagpatak ng ika-12 ng Disyembre.[1]



Habang maraming kababayan nating nagtitinda o mámimili ang nakikinabang sa ganitong online marketplace, hindi natin dapat isantabi ang mga hindi kanais-nais na epekto ng labis-labis na pagbili ng mga bagay-bagay lalo kung hindi naman talaga kailangan. Isa na rito ang lumalalang problema sa plastik mula sa packaging ng mga binibili online.

Ayon sa World Wildlife Fund (o WWF), halos 100 milyong tonelada taun-taon ang ipino-produce na plastik sa buong mundo. Dito sa Pilipinas, isa ang plastik sa mga dahilan ng pagbabara ng mga estero na nagdudulot ng baha. Banta rin ito sa ating mga karagatan at sa buhay ng mga lamang-dagat at mga coral reefs. Higit sa lahat, pinatitindi at pinabibilis nito ang pagbabago ng klima; ginawa ang plastic upang magtagal ng mahigit 400 taon at habang ito ay nasa ating mga basurahan o landfill, naglalabas ito ng greenhouse gas na sanhi ng pag-init ng mundo.[2]

Bilang mga indibidwal, kailangan nating ipaalala sa ating mga sariling ang labis na pagkonsumo ng mga bagay ay taliwas sa nais ni Hesus na mamuhay tayo nang payak. Gaya nga ng paalala Niya sa Lucas 12:15 at 21, “ang buhay ng tao ay hindi nasusukat sa dami ng kanyang pag-aari.” Huwag natin hayaang tayo ay “nag-iipon lamang ng kayamanan para sa sarili, ngunit dukha sa paningin ng Diyos.”

Sa Catholic social teaching na Laudato Si’, tinawag na throwaway culture ni Pope Francis ang labis na pag-aaksaya at pagtatapon dahil sa kagustuhang lumikha, bumili, gumastos, at gumamit ng higit sa kung ano lang ang kailangan. Mabilis din nitong ginagawang basura ang mga bagay-bagay.[3] Tulad na lang ng mga plastic packaging: ilang minuto lamang ito sa ating mga kamay, itatapon na natin agad. Paalala pa ni Pope Francis sa nangyaring Climate Ambition Summit noong nakaraang linggo: ”Let us not rob the new generations of hope in a better future.”[4] Kailangan nating isaalang-alang ang kapakanan hindi lamang natin kundi ng susunod na henerasyon. Maliban sa responsibilidad ng bawat indibidwal, dapat ding papanagutin ang mga kompanya at korporasyong kita lamang ang habol kahit pa nakasisira ang kanilang produkto, katulad ng plastic.

Mga Kapanalig, gawin natin ang ating parte upang magkaroon tayo ng isang mundo kung saan namumuhay nang ligtas ang lahat ng nilalang ng Panginoon; ito ang regalong kaya nating ibigay sa bawat isa. Huwag din nating kalimutang ang tunay na diwa ng Kapaskuhan ay ang pagpapahalaga at pagpapasalamat sa biyaya ng buhay ng ating pamilya at kapwa-nilikha.

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

GUILTY?

 14,161 total reads

 14,161 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 49,784 total reads

 49,784 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 106,190 total reads

 106,190 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 229,174 total reads

 229,174 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

GUILTY?

 14,162 total reads

 14,162 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 49,785 total reads

 49,785 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 106,191 total reads

 106,191 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »
Scroll to Top