Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

CBCP, nakikiisa sa panawagan ng katarungan sa mag-inang pinaslang sa Tarlac

SHARE THE TRUTH

 384 total views

Nakiisa ang Simbahang Katolika sa pagdadalamhati at panawagan ng katarungan sa mga naulila ng pamamaril sa Tarlac.

Sa pahayag ni Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, chairman ng NASSA/Caritas Philippines, binigyang diin nito na walang puwang sa lipunan ang anumang uri ng karahasan bagkus ay dapat pairalin ang pag-uunawaan upang makamit ang kapayapaan.

Mariin ding kinokundena ng pinuno ng Caritas Philippines ang marahas na krimen.

“This bloodshed in broad daylight, witnessed by family members, should not have happened in the first place had we let peaceful reconciliation, not hot-tempered emotion prevail. Hence our strong condemnation of such abhorrent act, which should have no place in our society!,” bahagi ng pahayag ni Bishop Bagaforo.

Ito ang tugon ng opisyal ng social arm ng Catholic Bishop Conference of the Philippines sa pagpaslang ni Police Senior Master Sergeant Jonel Nuezca sa mag-inang Sonya at Frank Anthony Gregorio sa Paniqui Tarlac nitong ika – 20 ng Disyembre dahil sa matagal nang alitan sa lupa.

Paalala ni Bishop Bagaforo sa mananampalataya na ang nalalapit na pasko ay tanda ng kapayapaan sapagkat isisilang si Hesus na sagsisag ng pag-ibig at pagpapatawad.

“May each one of us remember the lessons Christ taught us this season: love, forgiveness, and compassion,” dagdag pa ni Bishop Bagaforo.

Samantala binigyang diin naman ni Tarlac Bishop Enrique Macaraeg na ang pagpaslang ay isang krimen na dapat pananagutan sa batas at paglabag sa kautusan ng Diyos.

“Murder is wrong any way we look at it. Killing is a sin against God and against humanity. Murder is not only a sin against the killed and their families. It is both a sin and a crime that cries out to heaven. Our faith assures us that this cry will reach the ears of God. There is no escaping from the justice of God, even if sometimes justice on earth is hard to find,” pahayag ni Bishop Macaraeg.

Sinabi pa ni Bishop Macaraeg na mas marami pang katulad na krimen ang nagaganap sa lipunan ngunit hindi nakuhanan ng mga ebidensya kaya’t karamihan ay natatakasan ang batas at nanatiling hindi nabibigyang katarungan ang mga biktima.

“God sees all these killings. There is no escape from God’s punishment. Killing is wrong. Murder is evil,” giit ni Bishop Macaraeg.

Kasabay ng panawagan ng panalangin para sa kapayapaan ng kaluluwa ng mga nasawing biktima, inatasan din nito ang Caritas Tarlac na magpaabot ng mga kinakailangang tulong sa pamilya ng mga biktima.

“I am putting Caritas Tarlac, the social arm of the Diocese of Tarlac at the service of the family of the victims to provide any possible assistance.”

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 69,692 total views

 69,692 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 77,467 total views

 77,467 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 85,647 total views

 85,647 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 101,259 total views

 101,259 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 105,202 total views

 105,202 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blogs

Scroll to Top