Archdiocese of Manila, nakikiusap sa mga deboto na huwag magsiksikan sa Quiapo church

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 948 total reads

Muling nakiusap ang Archdiocese of Manila sa mga deboto ng Poong Hesus Nazareno na huwag dumagsa sa Minor Basilica of the Black Nazarene sa halip ay tangkilin ang mga handog na Novena Masses ng iba’t-ibang parokya para sa Kapistahan ng Poong Hesus Nazareno sa buong bansa.

Ito ang apela ni Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo sa paggunita ng kapistahan ng Poong Hesus Nazareno sa ika-9 ng Enero.

Ayon sa Obispo, iaalay rin ng mga Simbahan ang mga misa para sa kapistahan ng Poong Hesus Nazareno na maaring daluhan ng mga deboto upang hindi na kailanganin ng mga ito na sadyain pa ang Quiapo Church na mayroon lamang din limitadong bilang ng mananampalataya na maaring makapasok bilang pagsunod sa 30-porsyento ng kapasidad ng Simbahan na ipinatutupad ng pamahalaan.

“Mayroong mga misa sa iba’t ibang Simbahan at dito malapit po yung Simbahan ng San Sebastian, malapit ang Simbahan ng Santa Cruz nandyan din po yung San Lorenzo Ruiz sa Binondo at iba pang mga Simbahan na nagsasagawa rin ng pagmimisa para sa Poong Hesus Nazareno. Ang paki-usap ko sana sa mga deboto huwag lang tayong magdagsaan sa Basilica ng Quiapo kasi maraming mga Simbahan ang nagmimisa rin para sa Poong Nazareno…” panawagan ni Bishop Pabillo sa Radio Veritas.

Inihayag ni Bishop Pabillo na ang pagmamahal kay Hesus ay naipapakita rin sa pamamagitan ng pagmamahal sa kapwa at pagkawanggawa.

Sinabi ng Obispo na dapat mabatid ng mga deboto na bukod sa nakagawiang Traslacion na paraan ng pagpapahayag ng debosyon sa Mahal na Poong Hesus Nazareno ay maipapahayag rin ang pagmamahal sa kapwa sa pamamagitan ng pagtiyak ng kanilang kaligtasan mula sa COVID-19.

Tinukoy din ni Bishop Pabillo ang pagsunod ng mga magtutungo sa Quiapo Church sa minimum health protocols na ipinatutupad bilang pag-iingat mula sa pagkalat ng COVID-19 virus kabilang na ang pagsusuot ng facemask, face shield at pagtiyak ng physical distancing.

Inihayag rin ng Obispo na maituturing din na pagmamahal kay Hesus ang pagmamahal at pangangalaga sa kapaligiran at kalikasan.

“Ang pagmamahal natin kay Hesus ay naipapakita rin natin sa ating pagmamahal sa ating kapwa that we cause no harm sa kanila at yan po yung mga physical distancing, yung mga ating pagsusuot ng mga facemask. Pakiusap ko sa mga tao na magpapahayag ng kanilang debosyon sa Poong Hesus Nazareno ang pagmamahal natin sa Diyos ay napapakita sa pagmamahal natin sa ating kapwa at napapakita din sa pagmamahal natin sa ating kapaligiran sa kalikasan. Kaya po sana yung mga dala dala nating basura, yung mga bote, yung mga plastic huwag nating basta basta itapon so tanda din yan ng ating pagmamahal sa kalikasan na ginawa rin ng Diyos…” pakiusap ni Bishop Pabillo sa Radio Veritas.

Giit ng Obispo hindi dapat paghiwalayin ng mga deboto ang pagmamahal kay Hesus sa pagmamahal sa kapwa at sa pangangalaga sa kalikasan.

Ipinaalala ni Bishop Pabillo na dapat na maging dahilan ang pagdidebosyon ng pagkakasakit ng iba at pagkalat ng virus sa bansa.

Batay sa ipinatutupad ng I-A-T-F na 30-porsyento ng kapasidad ng Simbahan, tanging 400-deboto lamang kada misa ang papayagan sa loob ng Quiapo Church.

Sa kapistahan ng Poon, 15 Novena Masses ang inihanda ng Quiapo Church simula alas-kwatro y medya ng madaling araw hanggang alas-dyes kinse ng gabi.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Fashion show sa baha

 29,230 total reads

 29,230 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Perwisyo sa NLEx

 51,776 total reads

 51,776 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Pagod na pagod

 88,276 total reads

 88,276 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 308,901 total reads

 308,901 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 341,828 total reads

 341,828 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top