Ituwid ang mali, tungkulin ng bawat binyagang Kristiyano

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 594 total views

Tungkulin ng lahat ng binyagan na maging katuwang ng Simbahan sa pagpuna at pagtutuwid sa mga nalihis ng landas pabalik sa Panginoon.

Ito ang binigyang diin ni Archdiocese of Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo sa paksa ng paghahanda sa ika-500 ng Kristiyanismo sa Pilipinas at sa naging Kapistahan ng Pagbibinyag kay Hesus.

Ayon sa Obispo, ang pagkakatawang tao ni Hesus ay hindi lamang upang tupdin ang pangakong kaligtasan ng Panginoon kundi upang gabayan rin ang buhay ng sangkatauhan papalapit sa liwanag ni Kristo.

Iginiit ni Bishop Pabillo na mahalaga ang liwanag ng katotohanan, kapayapaan, katarungan at pag-ibig ni Hesus sa lahat ng aspekto ng buhay ng bawat isa.

“Jesus came not only to bring salvation to our souls, he has come to all our human condition now and in the life to come, kaya bilang mga binyagan dapat nating ilapit ang lahat sa liwanag ni Kristo, ano ba ang liwanag ni Kristo, ito ay liwanag ng Katotohanan, liwanag ng kapayapaan, liwanag ng katarungan, liwanag ng pag-ibig and all of this truth, peace, justice and love are needed in all our dealings be it in church, be it in our families, be it in business, be it in politics, be it in social media.”pagninilay ni Bishop Broderick Pabillo.

Paliwanag ng Obispo, bahagi ng tungkulin ng mga binyagan na maging katuwang ng Simbahan sa pagpuna at pagtutuwid sa mga nalilihis sa landas ng Panginoon tulad ng kawalan ng katarungan.

Inihayag ni Bishop Pabillo na higit na kailangan ng mga binyagan na makialam at makibahagi sa mga usaping panlipunan bilang katuwang ng Simbahan sa pagpapalaganap ng Mabuting Balita at pangako ng kaligtasan ng Panginoon.

“Kaya masasabi ng iba na okey lang magsalita ang Simbahan laban sa kasinungalingan sa bahay pero hindi sa kasinungalingan sa gobyerno, at ngayon ay may malaking issue tayo tungkol sa kasinungalingan sa paggamit ng vaccine exempted ba ang gobyerno o ang business sa kaligtasan na dala ni Kristo, ang lahat ng institusyon na lihis sa katotohan, sa kapayapaan, sa katarungan at sa pag-ibig ay kailangan punahin at ituwid, ito ay tungkulin ng lahat ng binyagan, ng bawat isa sa atin.” dagdag pa ni Bishop Pabillo.

Ipinaliwanag rin ng Obispo na bukod sa isang biyaya ay may kaakibat rin na tungkulin ang sakramento ng binyag na tinatawagan ang bawat isa upang maging misyunero at ibahagi sa kapwa ang biyaya ng pananampalataya.

Sinabi ni Bishop Pabillo na ito ay hamon at panawagan para sa paghahanda ng ika-500 taon ng Kristiyanismo sa Pilipinas na Year of Missio Ad Gentes na may temang Gifted to love.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Baluktot na katotohanan

 61,295 total views

 61,295 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 70,659 total views

 70,659 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 97,115 total views

 97,115 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

NUMBER’S GAME

 145,308 total views

 145,308 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 146,143 total views

 146,143 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top