Proteksyon ng mga Kabataan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 917 total reads

Online na ang mga krimen laban sa mga bata ngayon. Ang mga inosenteng kabataan ng ating bayan ay bulnerable sa mga online attacks na sumisira hindi lamang ng kanilang mental health, kundi ng kanilang pagkatao.

Kalat ngayon ang cyber bullying, kapanalig. Kung titingnan mo nga, kahit nga matanda, todo ang murahan at panlalait sa social media. Isipin mo na lang kapanalig, kung ang anak niyo ang araw araw exposed sa ganyang environment. Araw-araw na karahasan na o cyberbullying ang ganitong mga pangyayari. May mga pagkakataon pa na may mga bata o menor de edad ang nagiging sentro ng cyberbullying mula sa kanilang mga kakilala, at kahit pa di kakilala. Ayon sa National Baseline Survey on Violence Against Children noong 2016, halos isa sa dalawang bata may edad 13-17 ang nakakaranas na ng cyberviolence.

Binibiktima pa ng mga sexual predators ang marami sa ating mga kabataan. Mapalalake man o babae, marami sa ating mga menor de edad ang bulnerable sa online pornography. Ayon nga sa UNICEF, ang ating bansa ang isa sa mga pangunahing source ng child sex abuse materials.  Noong 2018, mga 600,000 sexualized photos ng mga batang Filipino ang napagbenta. Tinatayang dalawa sa sampung bata ang bulnerable maging biktima ng child online sexual exploitation and abuse.

Kapanalig, ang mga bata sa ating lipunan ay helpless kung wala ang ating proteksyon. Wari’y nakakalimutan natin, dahil sa quarantine kung saan lagi lamang nasa bahay ang mga bata, na ang kaligtasan ng mga bata ay hindi lamang sa labas ng bahay natin dapat tinitiyak. Iba na ang ating mundo ngayon. Online na ang marami nating nakagawian, kaya nga pati krimen at karahasan sa bata, naging online na rin. Laging online at nasa social media ang marami sa ating mga kabataan, kaya’t madali silang mabiktima.

Kailangan nating imonitor ang internet habits ng ating mga kabataan, kapanalig.  Hindi nararapat na hayaan na lamang natin silang nakababad dito buong araw hanggang gabi. Kay ganda ng mundo sa aktwal na buhay. Kailangan makita ito at malasap ng mga kabataan hindi lamang sa pamamagitan ng kanilang mga gadget.

Kailangan din may paraan ang lipunan upang matigil na ang cyber pornography sa ating bansa. Ang mga kabahayan at ang ating mga pamayananan ay dapat maging mapagmatyag sa kapakanan ng mga bata sa paligid, dahil kadalasan, ang mga kaanak mismo ang nagtutulak sa mga bata sa pornograpiya para lamang may pandagdag kita. Kailangan ma-irescue ang mga bata sa ganitong sitwasyon.

Kapanalig, ang paghihirap na nadadanasan ng mga bata dahil sa cyberbullying at cyberponography ay taliwas sa plano ng Panginoon para sa kanila. Kung ating titiyakin ang kanilang kaligtasan, ating mapapadama sa kanila na mahal sila ng Diyos. Ayon nga sa Justicia in Mundo, ang pakikinig sa panaghoy ng mga bikitima ng karahasan at ang pagtulong sa kanila ay pagbibigay buhay ng Mabuting Balita, at pagpapalaganap ng pagmamahal ng Panginoon.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 43,858 total reads

 43,858 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 93,832 total reads

 93,832 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 141,703 total reads

 141,703 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 245,652 total reads

 245,652 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 329,516 total reads

 329,516 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 43,860 total reads

 43,860 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 93,834 total reads

 93,834 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 141,706 total reads

 141,705 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »
Scroll to Top