Pallium mula sa Santo Papa, tinanggap ni Archbishop Baccay

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 736 total views

Muling nanumpa ng katapatan si Tuguegarao Archbishop Ricardo Baccay bilang katuwang ng Santo Papa Francisco sa pagiging lingkod ng Simbahang Katolika sa pagpapalaganap ng Mabuting balita ng Diyos gayundin ang pangako ng kaligtasan ng Panginoon para sa sangkatauhan.

Ito ang bahagi ng mensahe ng Arsobispo sa naganap na “Imposition of Pallium” sa kanya na isinagawa sa Metropolitan Cathedral of St. Peter na pinangunahan ni Nueva Segovia Archbishop Marlo Peralta at dinaluhan ng mga Obispo na kabilang sa Ecclesiastical Province of Tuguegarao.

“With most deligence I will carry out the Apostolic duties entrusted to Bishops namely keeps, sanctify and rule the people of God in hierarchical communion with the head and members of the College of Bishops… I will watch over the unity of the peole and thus make every effort to ensure that the deposit of faith handed down from the apostles is preserve pure and intact and that the truths to be held to be pass on…”mensahe ni Archbishop Baccay.

Ang pallium ay ‘vestment’ na gawa sa puting tela na isinusuot ng Santo Papa at mga Arsobispo na sumisimbolo ng suporta at pakikipag-isa sa Santo Papa bilang katuwang ng Simbahan sa pagpapalaganap ng Ebanghelyo at nagpapakita ng kanilang awtoridad sa kanilang nasasakupan.

Dati itong ginagawa sa Roma sa pangunguna ng Santo Papa ngunit hinikayat ni Pope Francis na gawin na lamang ito sa kani-kanilang mga bansa sa presensya ng iba pang mga Obispo at mga mananampalataya na kanilang pagsisilbihan bilang pinunong pastol ng Simbahang Katolika.

Ika-18 ng Oktubre taong 2019 ng itinalaga si Archbishop Baccay ni Pope Francis bilang Arsobispo ng Archdiocese of Tuguegarao.

Ang Ecclesiastical Province of Tuguegarao ay binubuo ng Archdiocese of Tuguegarao, Diocese of Ilagan, Dicoese of Bayombong, Apostolic Vicariate of Tabuk at Prelatura ng Batanes.

Nilimitahan lamang sa mga Obispo ng Ecclesiastical Province of Tuguegarao at ilang mga Pari ang nakadalo sa Imposition of Pallium sa Metropolitan Cathedral of St. Peter dahil na rin sa ipinatutupad panuntunan ng pamahalaan laban sa COVID-19 pandemic.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 58,370 total views

 58,370 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 54,239 total views

 54,239 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 90,441 total views

 90,441 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 98,768 total views

 98,768 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 123,248 total views

 123,248 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top