Nova Villa, ginawaran ng pinakamataas na pagkilala ng Vatican

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,052 total reads

Itinuring na malaking misyon ng aktres na si Nova Villa o Novelita Gallegos ang pagtanggap sa pinakamataas na parangal (Papal award) ng Vatican sa isang layko.

Ayon kay Gallegos, ang pagnanais nitong maging bahagi ng larangan ng sining ay isang misyon na ibigay ng Diyos.

“Yung ambisyon kong mag-artista became a mission, lahat ng ginagawa ko sa showbiz ay may kaakibat na misyon,” pahayag ni Gallegos sa panayam ng Radio Veritas.

Hindi inaasahan ng aktres na sa mahigit limang dekada sa showbiz ay makatatanggap ito ng pagkilala mula sa simbahan o ang Pro Ecclesia Et Pontifice sapagkat lahat ng ginawa nito ay buong pusong inialay sa Panginoon.

“Bukal sa puso ko yung anything na ginagawa ko for God; I’m happy to do it kahit mahirap,” ani ng aktres.

Binigyang diin naman ni Novaliches Bishop Roberto Gaa na dapat pairalin ng komunidad ang pagtutulungan sapagkat ang pagkilala na tinanggap ni Gallegos ay para sa lahat na kapwa naglilingkod sa parokya.

Sinabi pa nitong ang mga papal awardees ay inaasahang maging saksi ng mabuting balita at magandang halimbawa sa pagiging mabuting Kristiyano.

“Ang papal award ay tatak ng paglilingkod sa simbahan na may kaakibat na malaking responsibilidad; They are shining example sana paano mamuhay bilang kristiyano,” pahayag ni Bishop Gaa.

Panawagan naman ni Gallegos sa mamamayan lalo na sa mga naglilingkod sa simbahan na ipagpatuloy ang pagiging mabuting lingkod ng Panginoon sa kabila ng pagiging bahagi ng iba’t-ibang larangan sa lipunan.

“I think, I am just an instrument of God’s grace to people; by being nice to people, giving smile at them, you’re giving them hope,” dagdag pa ni Gallegos.

Hunyo 2019 nang i-nominate ni Novaliches Bishop Emeritus Antonio Tobias si Gallegos para sa papal award bukod sa anim na iba pang indibidwal mula sa diyosesis.

Ginanap ang paggawad sa Pro Ecclesia Et Pontifice sa aktres sa San Lorenzo Ruiz Parish, Tandang Sora Quezon City noong Enero 14, 2021 sa pangunguna ni Bishop Roberto Gaa kasama si Bishop Tobias, Fr. Niño Etulle, ang kura paroko ng Parokya at iba pang pari ng San Isidro Vicariate.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 12,642 total reads

 12,642 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 99,995 total reads

 99,995 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 146,735 total reads

 146,735 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 194,607 total reads

 194,607 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 298,126 total reads

 298,126 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top