AVOSA, nagpapasalamat sa mga nakiisa sa anti-COVID 19 vaccination program

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 836 total views

Hinimok ng mga opisyal ng Apostolic Vicariate of Southern Arabia (AVOSA) ang mamamayan ng United Arab Emirates kabilang na ang mga Overseas Filipino Workers na makiisa sa vaccination program ng bansa.

Sa panayam ng Radio Veritas kay Rommel Pangilinan, social media director ng Katolikong Pinoy sa Abu Dhabi, sinabi nitong hinikayat ni Filipino priest at AVOSA Vicar General Fr. Troy Delos Santos ang mananampalataya na magpabakuna kontra coronavirus.

“Si Fr. Troy [Delos Santos] ay very encouraging sa mga parishioners sa vaccination program para sa proteksyon ng bawat isa,” pahayag ni Pangilinan.

Nagtulungan ang Saint Joseph Cathedral ng Abu Dhabi at SEHA hospital para mabakunahan ang mananampalataya sa lugar kung saan humigit kumulang sa 7, 000 katao ang tumanggap ng Sinopharm vaccine sa dalawang araw na libreng pagbabakuha na ginawa sa simbahan.

Una nang hinikayat ni AVOSA Apostolic Vicar Bishop Paul Hinder ang mamamayan ng U-A-E na suportahan at makiisa sa vaccination program.

Pinasalamatan ng Obispo ang mga lider ng bansa sa inisyatibong maglunsad ng programang portektahan ang mamamayan laban sa nakahahawang virus.

Bagamat may agam-agam si Pangilinan at iba pang mamamayan sa lugar hinggil sa bakuna, ipinagkatiwala naman nito sa Diyos ang bisa ng gamot.

“Very hesitant talaga akong magpabakuna, since ipinagdasal ko naman itong vaccine somehow bigay din siguro ito ni Lord; para sa proteksyon sa sarili ko at sa mga katrabaho ko,” ani Pangilinan.

Sa tala ng health ministry ng UAE nasa 263, 729 ang kumpirmadong kaso ngunit sampung porsyento lamang nito ang aktibo o katumbas sa 27-libong kaso lamang. (with reports: Rommel Pangilinan)

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAG-ASA

 11,079 total views

 11,079 total views Kapanalig, tayong mga Pilipino ay patuloy na kumakapit sa Pag-asa (Hope). Nang ma-appoint si dating DOJ secretary Crispin Remulla na Ombudsman noong October

Read More »

VP Sara

 33,084 total views

 33,084 total views Kapanalig, mayroong kasabihan na walang lihim na hindi nabubunyag! Nabunyag sa pagdinig ng House Committee on Justice na dumidinig sa impeachment complaint na

Read More »

Itigil ang pagdanak ng dugo

 57,426 total views

 57,426 total views Mga Kapanalig, 19 na katao ang pinagpapatay sa bayan ng Taboso sa Negros Occidental noong ika-19 ng Abril.  Mahigit anim na raang residente

Read More »

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 81,484 total views

 81,483 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 116,517 total views

 116,516 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top