Manindigan at huwag matakot sa mga mapang-abuso!

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,017 total reads

Ito ang payo sa mga kabataan ni Sr. Mary John Mananzan, O.S.B. –Director ng St. Scholastica’s College Institute of Women’s Studies (IWS) sa nagaganap na red-tagging sa iba’t ibang unibersidad sa bansa.

Ayon sa Madre, nalalaman ng mga mag-aaral ang naaangkop na tugon laban sa mga bully o pangmamaliit, pananakot at pang-aapi sa mga inaakalang mahina at walang kakayahang ipagtanggol ang sarili. Ito ay tulad ng ginagawa ng ilang ahensya pamahalaan sa iba’t ibang institusyon at indibidwal na inaakusahang miyembro o panig sa makakaliwang grupo.

Paliwanag ni Sr. Mananzan, hindi dapat na matakot ang mga mag-aaral sa halip ay dapat na manindigan laban sa mga bully o mga mapang-abuso sa kanilang posisyon at katungkulan. “So, by now you should know what are the tactics of fighting a bully, you know bullies are cowards actually in reality they are not really brave. So, kung kayo ay uurong lalo kayong bu-bully-hin but if you stand your ground e, di sila ang aatras, that is my advice to the students. Use your tactics against bullies sa ginagawa ng administrasyon sa inyo,” ang bahagi ng pahayag ni Sr. Mananzansa panayam sa Radio Veritas.

Matapos ipawalang bisa ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang UP-DND accord na nagbabawal sa pagpasok ng mga pulis at militar sa unibersidad, may 18-paaralan at institusyon ang pinangalanan bilang pugad ng CPP-NPA recruitment.

Kinondena rin ng mga paaralan at ilang indibidwal ang walang basehan na pag-uugnay sa kanilang institusyon at pangalan ng AFP sa makakaliwang grupo. Nangangamba rin ang mga paaralan at unibersidad sa paratang ng militar lalu’t inilalantad din nila sa kapahamakan ang mga guro at mga mag-aaral. Una ng humingi ng paumahin at binawi ng AFP ang isinapublikong listahan ng mga pinangalanang UP alumni na sinasabing pawang mga miyembro ng NPA na nadakip at napatay na matapos na magsalita ang ilan sa kabilang sa nasabing listahan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

THE LOST LESSONS

 18,870 total reads

 18,870 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 69,236 total reads

 69,236 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Special treatment?

 202,750 total reads

 202,750 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Bayan bago banyaga

 288,132 total reads

 288,132 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Magparehistro na para makaboto sa 2028!

 350,767 total reads

 350,767 total reads Mga Kapanalig, pwede nang magparehistro ang mga botante para sa 2028 national at local elections hanggang sa ika-30 ng Hulyo, 2027. Maaaring magparehistro

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top