Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

CBCP, handang isapubliko ang pagpapabakuna

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 577 total views

Tiniyak ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang kahandaan na isapubliko ang pagpapabakuna laban sa Covid-19 upang makatulong na mahikayat ang publiko.

Ito ang ibinahagi nina CBCP President, Davao Archbishop Romulo Valles at CBCP Vice President, Kalookan Bishop Pablo Virgilio David sa isinagawang pulong balitan matapos ang dalawang araw na plenary assembly. Ayon kay Archbishop Valles ang hakbang ay para mapanatag ang publiko at mahikayat na magpabakuna para sa kaligtasan mula sa nakakahawang sakit. “If it helps when people see mee vaccinated in public, then I am ready,” pahayag ni Archbishop Valles.

Tiniyak naman ni Bishop David sa publiko na gagawin ng simbahan ang lahat ng hakbang na makatutulong sa isasagawang vaccination program lalo na sa mga lokal na pamahalaan. “Anything that can allay the fears of vaccination, we will offer and ready in the church,” ani Bishop David.

Isa sa mga tinalakay ng obispo sa 121st CBCP Plenary ang tungkol sa bakuna kontra COVID-19 kung saan ipinaliwanag ni Dominican priest at medical expert Fr. Nicanor Austriaco ang kahalagahan ng pagpapabakuna upang manatiling ligtas laban sa nakahahawang virus.

Una nang nagpalabas ng panuntunan ang Vatican hinggil sa pagpapabakuna laban sa virus kaugnay sa usapin ng moralidad kasunod ng pagbakuna sa Kanyang Kabanalan Francisco at Pope Emeritus Benedict XVI.

Sa pinakahuling pag-aaral ng isinagawa ng Veritas Truth Survey, 67 porsiyento sa 2,000 respondent ang nais na matiyak na ligtas ang bakuna bago magpaturok ng gamot laban sa Covid-19.

Napagkasunduan din ng mga obispo sa Pilipinas na buksan ang pasilidad ng mga simbahan para magamit sa gagawing mass vaccination program ng gobyerno lalo na sa mga kanayunan. “We offer our church facilities to help this massive and quite complicated and very challenging vaccination program,” saad ni Bishop Valles.

Una nang pinasalamatan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang Diyosesis ng Novaliches sa pangunguna ni Bishop Roberto Gaa sa kahandaang pagbukas sa 15 malalaking parokya upang magsilbing vaccination sites ng lunsod.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Maging instrumento ng katotohanan

 3,680 total views

 3,680 total views Mga Kapanalig, parami na nang parami ang mga nakatatanggap ng mga maleta na naglalaman ng limpak-limpak na perang kickback diumano mula sa mga

Read More »

A WAY TO LATE?

 43,174 total views

 43,174 total views Huli na ba ang lahat? O blessings in disguise? Kapanalig, sa paglaganap ng social media at pagkaroon ng access ng mayorya ng mga

Read More »

Sapat na kanin sa mesa

 59,691 total views

 59,691 total views Mga Kapanalig, hindi maaaring mawala ang kanin sa mesa ng bawat pamilyang Pilipino, kaya mahalagang tiyaking sapat ang suplay ng bigas sa mga

Read More »

Ang pinsala ng pagkalimot

 68,740 total views

 68,740 total views Mga Kapanalig, ibinasura ng Special Division ng Sandiganbayan ang natitirang asset claims sa isa sa mga forfeiture cases laban sa yumaong diktador na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top