Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Manindigan at huwag matakot sa mga mapang-abuso!

SHARE THE TRUTH

 645 total views

Ito ang payo sa mga kabataan ni Sr. Mary John Mananzan, O.S.B. –Director ng St. Scholastica’s College Institute of Women’s Studies (IWS) sa nagaganap na red-tagging sa iba’t ibang unibersidad sa bansa.

Ayon sa Madre, nalalaman ng mga mag-aaral ang naaangkop na tugon laban sa mga bully o pangmamaliit, pananakot at pang-aapi sa mga inaakalang mahina at walang kakayahang ipagtanggol ang sarili. Ito ay tulad ng ginagawa ng ilang ahensya pamahalaan sa iba’t ibang institusyon at indibidwal na inaakusahang miyembro o panig sa makakaliwang grupo.

Paliwanag ni Sr. Mananzan, hindi dapat na matakot ang mga mag-aaral sa halip ay dapat na manindigan laban sa mga bully o mga mapang-abuso sa kanilang posisyon at katungkulan. “So, by now you should know what are the tactics of fighting a bully, you know bullies are cowards actually in reality they are not really brave. So, kung kayo ay uurong lalo kayong bu-bully-hin but if you stand your ground e, di sila ang aatras, that is my advice to the students. Use your tactics against bullies sa ginagawa ng administrasyon sa inyo,” ang bahagi ng pahayag ni Sr. Mananzansa panayam sa Radio Veritas.

Matapos ipawalang bisa ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang UP-DND accord na nagbabawal sa pagpasok ng mga pulis at militar sa unibersidad, may 18-paaralan at institusyon ang pinangalanan bilang pugad ng CPP-NPA recruitment.

Kinondena rin ng mga paaralan at ilang indibidwal ang walang basehan na pag-uugnay sa kanilang institusyon at pangalan ng AFP sa makakaliwang grupo. Nangangamba rin ang mga paaralan at unibersidad sa paratang ng militar lalu’t inilalantad din nila sa kapahamakan ang mga guro at mga mag-aaral. Una ng humingi ng paumahin at binawi ng AFP ang isinapublikong listahan ng mga pinangalanang UP alumni na sinasabing pawang mga miyembro ng NPA na nadakip at napatay na matapos na magsalita ang ilan sa kabilang sa nasabing listahan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Prayer Power

 42,565 total views

 42,565 total views Kapanalig, ang panalangin ay direkta nating koneksyon sa Panginoon. Madalas nating iniisip na ang pagdarasal ay pakikipag-usap lamang sa Dios. Ngunit mas malalim

Read More »

Hindi sapat ang siyensya lamang

 80,046 total views

 80,046 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 112,041 total views

 112,041 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 156,781 total views

 156,781 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Moro-Moro Lamang

 179,727 total views

 179,727 total views Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

SAC network, naka red alert sa bagyong Uwan

 7,001 total views

 7,001 total views Tiniyak ng humanitarian, development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na Caritas Philippines ang pag-antabay at mahigpit na nakikipag-ugnayan

Read More »
Latest News
Jerry Maya Figarola

Laban kontra OSAEC, paiigtingin ng PIMAHT at IJM

 17,610 total views

 17,610 total views Paiigtingin ng Philippine Interfaith Movement Against Human Trafficking (PIMAHT) at International Justice Mission (IJM) ang paglaban sa Online Online Sexual Abuse o Exploitation

Read More »

RELATED ARTICLES

SAC network, naka red alert sa bagyong Uwan

 7,002 total views

 7,002 total views Tiniyak ng humanitarian, development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na Caritas Philippines ang pag-antabay at mahigpit na nakikipag-ugnayan

Read More »

SLP, nanawagan ng katarungan sa ICC

 61,307 total views

 61,307 total views Nanawagan ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas (LAIKO) ng katarungan sa gitna ng ulat ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) hinggil sa mga maanomalyaang

Read More »

Walang itinatakwil ang Panginoon

 38,895 total views

 38,895 total views Binigyang-diin ni Tandag Bishop Raul Dael na walang sinuman ang itinatakwil o itinuring na walang pag-asa ng Diyos, maging ang mga Persons Deprived

Read More »

PDL’s, mga anak ng Diyos-Bishop Florencio

 45,834 total views

 45,834 total views Binigyang-diin ni Military Ordinariate of the Philippines Bishop Oscar Jaime Florencio, chairman ng CBCP–Episcopal Commission on Prison Pastoral Care (ECPPC), na kailanman ay

Read More »
Scroll to Top