Pangalagaan ang Masungi Georeserve, panawagan ng environment group

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,265 total reads

Nanawagan sa pamahalaan ang Masungi Georeserve Foundation hinggil sa pangangalaga sa Masungi na bahagi ng Sierra Madre na matatagpuan sa bayan ng Baras, sa Rizal.

Nahaharap ngayon sa panganib ang Masungi Georeserve bunsod ng pag-angkin sa lupain at pagsasagawa ng quarrying na nakaaapekto naman sa Upper Marikina Watershed.

Ayon kay Billie Dumaliang, Advocacy Officer at Trustee ng grupo, nawa’y isaalang-alang ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang mga pagpapasya at pagkilos batay sa kapakanan ng kalikasan na siyang kapakanan din ng lahat ng sangnilikha.

Giit pa ni Dumaliang, kailangang suportahan ng pamahalaan at mga makakalikasang grupo ang pangangalaga at pagpapanatili ng Masungi sa halip na suportahan ang mga kumpanya na lalo lamang nag-aambag sa pagkasira ng kalikasan.

“Ang ating mga proyektong pangkalikasan ay nanganganib dahil sa mga interes na ito, at kailangan tayong maging vigilant hanggang hindi pa nawawala ang mga bantang ito,” bahagi ng pahayag ni Dumaliang sa panayam ng Radio Veritas.

Ibinahagi naman ni Dumaliang na may inaatasan silang mga park rangers o mga tagapagbantay upang mabantayan ang bawat protected areas sa Masungi.



Nakikipag-ugnayan din ang grupo sa iba’t ibang mga ahensya upang makatuwang sa pagpapanatili ng kagubatan.

Ayon kay Dumaliang, “Ito ang pangunahing dahilan kung bakit hindi pa natin maalagaan ang ibang lugar sa project site na kailangang-kailangan na ng rehabilitasyon. Kailangan nating maabot at maalagaan ang mga ito upang maiwasan ang pagbabaha, landslides, at pagkawala ng tubig.”

Hamon naman ng grupo sa bawat isa na walang dapat katakutan sa pagpapahayag ng tinig para mapangalagaan ang kalikasan.

Naniniwala si Dumaliang na kung magsasama-sama ang lahat upang itaguyod ang pangagalaga sa kalikasan, mababago ang hinaharap at maisasalba ang Masungi, at ang watershed na itinuturing nating iisa at natatanging tahanan.

Batay sa Laudato Si ni Pope Francis, mahalaga ang pagiging mapagmatyag ng komunidad upang matiyak na wasto at may moral na pamantayan ang pagpapatupad ng pamahalaan ng mga batas na nangangalaga sa kalikasan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

THE LOST LESSONS

 21,253 total reads

 21,253 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 71,619 total reads

 71,619 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Special treatment?

 205,042 total reads

 205,042 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Bayan bago banyaga

 290,424 total reads

 290,424 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Magparehistro na para makaboto sa 2028!

 352,861 total reads

 352,861 total reads Mga Kapanalig, pwede nang magparehistro ang mga botante para sa 2028 national at local elections hanggang sa ika-30 ng Hulyo, 2027. Maaaring magparehistro

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 226,965 total reads

 226,965 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top