Pagpapasara ng Didipio mining project, pinuri ng Obispo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 634 total reads

Suportado ni Bayombong Bishop Jose Elmer Mangalinao ang desisyon ng pamahalaang panlalawigan ng Nueva Vizcaya na ipatigil ang Didipio Gold-Copper Mining project.

Ayon kay Bishop Mangalinao, vice-chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Permanent Committee on Public Affairs, nararapat ang desisyon ni Nueva Vizcaya Governor Carlos Padilla na huwag nang pahintulutang magsagawa ng pagmimina ang OceanaGold Philippines Inc.

“Ako ay sinususugan ko ‘yung desisyon ng Gobernador [at] ng kanyang mga kasama sa Sangguniang Panlalawigan, sapagkat nakikita naman talaga na wala talaga silang permiso na para mag-operate,” ang bahagi ng pahayag ni Bishop Mangalinao sa panayam ng Radio Veritas.

Paliwanag ng Obispo na sa 25-taong pagmimina sa Didipio, Nueva Vizcaya ay nagdulot ito ng pagkasira ng kapaligiran lalu na sa mga bukid, watershed at kabundukan.

Hiling din ng mga katutubong naninirahan sa lugar na nawa’y ihinto na ang pagmimina dahil sa pinsala sa kalikasan at sa kanilang kabuhayan.

Ayon pa kay Bishop Mangalinao, pinangangambahan rin ni Governor Padilla ang pagkakaroon ng mga sink hole at makaapekto sa mga residente dahil umabot na sa pinakailalim ng lupa ang paghuhukay ng minahan.



“Sabi ng Governor, papaano kung magkaroon ng mga sink holes? Sabi rin ni Governor, hanggang saan na kaya ‘yung nabutas nila? Paano natin makikita kung sumusunod sila sa patakaran na hanggang doon lang?,” ayon sa Obispo.

Panawagan naman ng opisyal ng CBCP sa mga kinauukulang nangangalaga sa kalikasan na nawa’y pakinggan ang ipinaglalaban ng simbahan, lokal na pamahalaan at mamamayan hinggil sa buhay ng kalikasan at ng sambayanan, hindi ang pansariling interes lamang.

Ayon kay Bishop Mangalinao, “Wala po kaming interes na anuman na kukunin o tatanggapin kaninuman. Maliban sa mabuhay ng mapayapa, kinikilala ang kagandahan ng kalikasan at ang hangganan ng karapatan ng tao na magdesisyon para sa lahat at papaboran lamang ang iilan.”

Hiling pa nito na sana’y itaas at paigtingin ng mga makapangyarihan ang pangangalaga at pagmamahal at pagtingin sa kapwa Pilipino sa halip na interes ng mga dayuhan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ilawan ang katotohanan

 93,645 total reads

 93,645 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 154,140 total reads

 154,140 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 170,790 total reads

 170,790 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

PAANO GINASTOS ANG PERA

 251,447 total reads

 251,447 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 348,914 total reads

 348,914 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 66,300 total reads

 66,300 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top