Gutom sa Panahon ng Pandemya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 839 total reads

Ayon sa World Bank, winasak ng COVID 19 ang katiyakan ng mga mamamayan sa magandang ekonomiya, sa kalusugan, at sa pagkain. Tinulak nito ang mahigit pa sa 150 milyong katao sa extreme poverty o sukdulang kahirapan.

Sa ating bansa, kapanalig, mas dumami rin ang naghihirap. Negative ang ating growth rate nitong nakaraang 2020 – nasa -9.5%. Katambal din ito ng mataas na inflation rate nuong Disyembre 2020,  na umabot ng 3.5%.  Tumaas ang bilihin at marami ang nawalan ng trabaho. Katumbas nito, kapanalig, ay gutom para sa maraming mga Filipino. Base sa datos ng SWS, 7.6 milyong Filipino ang nakaranas ng gutom nitong nakarang taon, particular sa loob ng Hunyo hanggang Agosto.

Ang gutom at kahirapang ito ay kailangang nating harapin. Ang mga suliraning ito ay kailangan nating unahin.



Ayon sa World Bank, ang unang dapat tiyakin ng mga ekonomiya ay ang katiyakan sa pagkain. Naka-apekto ng lubha ang mga lockdown sa buong mundo sa food supply sa maraming lugar. Ang import at export, naapektuhan din, maski ang local transport ng pagkain. Sa ating bansa, ang African Swine Fever ay naka-dagdag pa sa problema ng daloy ng pagkain. Hindi lamang nagkulang ang supply dahil dito, nagtaasan pa ang presyo. Importante na maprayoridad ng mga bansa ang malayang daloy ng pagkain mula sa produksyon, merkado, hanggang sa tao.

Isa pang kailangan tingnan ng bansang gaya natin ay ang trabaho at social protection. Kapanalig, napakarami ang nawalan ng trabaho nitong nakaraang taon. Ang kawalan ng trabaho ay magtu-tuloy pa ngayong taon kung hindi natin maibabalik agad ang sigla ng ating ekonomiya. Sa gitna ng kawalan ng trabaho naging matingkad ang isang pagkukulang – ang kahinaan ng ating social protection.

Sa ibang bansa, may unemployment benefits ang mga nawalan ng trabaho. Kaya kahit papaano, may kaunti silang nadudukot sa panahon na nawalan sila ng kita. Sa ating bansa, dahil karamihan sa atin ay mga informal workers, nung nawalan na ng trabaho, wala na ibang mapuntahan, walang wala talagang kita.

Hindi na dapat mangyari ang malalim na pagbagsak ng ekonomiya at malawakang kawalan ng trabaho kapag may krisis na dumaan sa bayan. Kapanalig, hindi lamang tayo dapat maging resilient pagdating ng sakuna, kailangan nating maging resilient sa kahit anumang problema. Ang estado, ang ating pamahalaan, ang dapat manguna sa gawaing ito. Ayon nga sa Rerum Novarum, ang pangunahing tungkulin ng mga pinuno ng estado ay ang pagtitiyak ng kapakanan at kaunlaran ng mga mamamayan.

Ang nararanasan na gutom at kahirapan ng maraming mamamayan ngayong pandemya ay sana matapos na at hindi na maulit pa. At nawa’y maihanda natin ang ating bayan at maprotektahan ang mga mamamayan sa anumang sakunang darating pa sa hinaharap.

Sumainyo ang Katotohanan.

Baby Bishop course sa Vatican, nagsimula na

 4,267 total reads

 4,267 total reads Ibinahagi ni Radio Veritas Vatican Correspondent Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston, Rector ng Pontificio Collegio Filipino sa Roma ang pagsisimula ng formation course

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 145,797 total reads

 145,797 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 180,474 total reads

 180,474 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 198,273 total reads

 198,273 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 234,758 total reads

 234,758 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 244,484 total reads

 244,484 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kahirapan sa bansa

 145,798 total reads

 145,798 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 180,475 total reads

 180,475 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 198,274 total reads

 198,274 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 234,759 total reads

 234,759 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »
Scroll to Top