Opisyal ng CBCP, sang-ayon sa desisyon ng SC pabor kay VP Robredo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 610 total reads

Pinuri ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippine (CBCP) ang paninindigan ng Korte Suprema sa desisyon ng Presidential Electoral Tribunal (PET) na pagsasantabi ng electoral protest ni dating Senator Ferdinand Marcos Jr.

Ayon kay Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo ng CBCP–Episcopal Commission on the Laity, naaangkop ang desisyon ng electoral tribunal lalu’t makailang beses na ring napatunayan na walang basehan ang protesta ni Marcos laban sa pagkapanalo ni Vice President Leni Robredo.

“I congratulate the Supreme Court sa kanilang desisyon na binasura itong protesta ni Bongbong Marcos kasi napatunayan naman talaga na wala namang bisa, wala namang halaga yung kanyang protesta kahit na nga sinabi niya na nagkaroon ng manual count ay hindi naman lumabas sa manual count na may pandaraya na nangyari,” ang bahagi ng pahayag Bishop Pabillo sa panayam sa Radio Veritas.

Paliwanag pa ng Obispo, bigo rin ang ang kampo ni Marcos na patunayang nagkaroon ng dayaan sa 2016 Presidential at Vice Presidential Elections. Naniniwala rin ang Obispo na napapanahon nang tapusin ang usapin na limang taon nang nakabinbin at sa halip ay pagtuunan na ng pansin ng problema ng bayan lalu na ang Covid-19. Kinilala rin ni Bishop Pabillo ang paninindigan ng Korte Suprema na sa kabila ng political pressure ay patuloy na nanindigan para sa katotohanan.

“Ito po ay malaking tulong din sa ating Vice President na hindi na niya haharapin itong nakabantang problemang ito at patuloy siya sa paggawa ng trabaho kaya nakakatuwa rin po ang desisyon ng Supreme Court at dito ipinapakita rin ng Supreme Court yung kanyang pagiging independent na hindi siya nagpadala, alam ko may mga pressure ding nangyayari dyan sa Supreme Court pero nanindigan siya para sa katotohanan at para sa ano bang dapat gawin.”

Dagdag pa ni Bishop Pabillo. Ayon kay Supreme Court (SC) spokesman Brian Keith Hosaka, nagkakaisa ang mga hukom bilang electoral tribunal sa desisyong isantabi laban protesta ni Marcos kay Vice President Robredo na lumamang ng 263,000 boto.

COMELEC, Tatalima sa Batas

 17,575 total reads

 17,575 total reads Tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC na ipatutupad nito ang Republic Act No. 12326 na nagtakda ng limang taong termino ng mga

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BSKE POSTPONEMENT

 38,461 total reads

 38,461 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 140,331 total reads

 140,331 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 180,889 total reads

 180,889 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 201,343 total reads

 201,343 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 248,669 total reads

 248,669 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

COMELEC, Tatalima sa Batas

 17,576 total reads

 17,576 total reads Tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC na ipatutupad nito ang Republic Act No. 12326 na nagtakda ng limang taong termino ng mga

Read More »
Scroll to Top