Tahanan Para sa Bawat Pamilyang Filipino

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 620 total reads

Kay sarap isipin – sa pagtatapos ng bawat araw ng pagkayod, lahat ng pamilyang Filipino ay may uuwiang bahay. Ang sarap pangarapin – na sa bawat pighati at hamon na ating haharapin sa labas, may tahanang papawi ng pagod at luha. Ang sarap asahan – na may tahanang panangga ang bawat Filipino laban sa init ng araw, sa lakas ng ulan, at sa ginaw ng amihan. Lahat ng ito ay pawang mga pangarap na lamang ba?

Ang problema ng pabahay ay dama ng napakaraming pamilyang Filipino. Dekada na ang laban na ito, at hanggang ngayon, hirap pa rin itong mapag-tagumpayan. Tinatayang nasa 6.75 million housing units na ang backlog sa ating bayan. Kung di natin ito masolusyunan, lolobo ito ng 22 million housing units pagdating ng 2040.

Seryosong problema ang homelessness, kapanalig. Ayon nga sa Solicitudo Rei Socialis, “ang kakulangan ng pabahay ay dapat na makita bilang simbulo at pagbubuod ng isang buong serye ng mga pagkukulang ng ating lipunan. Ang laki ng ating pagkukulang. Kung titingnan natin ang pabahay sa bansa, ang layo natin mula sa tunay na kaunlaran ng tao.

Napakamahal kasi magkabahay sa Pilipinas. Ang mga ordinaryong mangagawa, lalo na ang mga nasa informal sector, hirap na hirap makakuha ng sariling tahanan. Kaya marami sa kanila, nagtatayo na lamang ng barong-barong sa mga loteng hindi rin nila pag-aari. Basta malapit sa kanilang trabaho, papatusin na nila. Bawas pa kasi sa kanilang maliit na kita ang pamasahe sa malayong tirahan pati na ang monthly amortization.

Ang iba naman, dahil sa mahal ng pabahay, ay napipilitang umupa. Ayon sa isang pagsusuri ng Philippine Statistical Research and Training Institute (PSRTI) noong 2015, mahigit 1.5 milyong pamilya ang umuupa sa bansa. Sa bilang na ito, mga 498,000 ang umuupa ng may halagang P1,000 hanggang P1,999 kada buwan. Mga barong-barong din ito kapanalig.



Nakakalungkot nga na naaubutan pa ng pandemya ang malawakang kawalan ng maayos na kabahayan ng maraming pamilyang Filipino. Alam naman natin kapanalig, ang barong-barong at magkakadikit na mga bahay ay walang kalaban-laban sa sakit gaya ng COVID-19. Ang hindi disenteng pabahay kapanalig ay imbitasyon sa sakit at sakuna.

Marami pang magagawa ang pamahalaan upang matulungan nito ang mga kababayan natin na makamit ang pangarap na pabahay. Ilan na rito ay ang pagpapalakas at pagpapalawig pa ng Community Mortgage Program ng pamahalaan, at ang pagbabago ng stratehiya mula sa pagtututok sa malalayong relocation sites tungo sa in-city o on-site housing. Kapag ganito ang ating ginawa, mababawasan ang mga pabahay na inabandona o hindi tinirhan, at hindi masasayang ang pondo ng bayan.

Kapanalig, ang tahanan ay karapatan ng bawat Filipino. Ang mga tahanang barong-barong, nakapwesto sa mga mapanganib na lugar, puno ng dumi at sakit, ay nakaka-demoralize at nakaka-dehumanize ng ating pagkatao. Sana, dumating na ang araw na wala ng ni-isang Filipino ang magtitiis at maghihirap pa sa ganitong sitwasyon.

Sumainyo ang Katotohanan.

RCAM, magsasanay ng emergency management

 22,266 total reads

 22,266 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 22,393 total reads

 22,393 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bunga ng araw-araw na karahasan

 39,777 total reads

 39,777 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 96,183 total reads

 96,183 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 219,684 total reads

 219,684 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 303,085 total reads

 303,085 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Bunga ng araw-araw na karahasan

 39,778 total reads

 39,778 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 96,184 total reads

 96,184 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 219,685 total reads

 219,685 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »
Scroll to Top