Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 468 total reads

Habang lumalayo sa kamalayan ng maraming Filipino ang diwa ng EDSA, nanlalambot din ang ating paglaban para sa tunay na kalayaan ng bawat Filipino.

Kapanalig, marami sa ating mga kababayan ngayon, pinaliliit ang diwa ng EDSA sa laban lamang ng dalawang pamilyang Filipino. Ang ideya na ito ay hindi lamang mali, binabalewala rin nito ang tapang at malasakit ng milyong Filipinong lumabas hindi lamang upang matigil na ang rehimen ng isang diktador, kundi upang maibalik na ang kapangyarihan sa kamay sa mga Filipino.

Nagiging masalimuot ang usapin pagdating sa EDSA People’s Power dahil pilit na pinapasok ang sandamak-mak ng usapin habang pinaliliit ang esensya na ito sa away pulitika lamang. Para sa ating panahon ngayon, kung saan marami na ang hindi tunay na naka-saksi sa pangyayaring ito, pumukaw sana sa ating puso at isipan ang mga larawan ng People’s Power noon  – hindi ito ukol sa laban ng pamilya lamang – Filipino ang nagtungo sa kalye noon upang matapos na ang rehimen ng korupsyon at karahasan. Lumaban ang mga Filipino hindi para sa isang pamilya o partida, lumaban sila upang magkaraoon tayo ng tunay na katarungan at kalayaan.



Ang alaala ng EDSA ay dapat mas maging inspirasyon ngayon dahil ang mga “values” na nilaban ng ating mga ninuno ay siya ring pinagbabantaan ngayon ng iba ibang pwersa. Ang korupsyon ay kalat na naman ngayon, at mas garapal dahil kahit pa pandemya, harap-harapang nangungulimbat mga tiwali. Base sa Corruption Index ng Transparency International, pababa ng pababa ang ating ranking – mula 2012, stagnant na ang laban natin sa corruption. Mula sa ranking na 98 sa 185 countries noong 2018, nasa 115 na tayong ngayong 2020.

Ang karahasan din ay mas maigting sa ating bayan ngayon – matapos ang libo-libong kamatayan ng drug war. Ayon mismo sa RealNumbersph, ang pinag-isang report ng gobyerno ukol sa drug-free campaign nito, 5,810 na na ang napatay sa mga anti-drug operations. Marami pang bilang ng kamatayan ang hindi pa rin nareresolba hanggang ngayon. Nitong February 19 lamang, may isang taga- Marikina ang natagpuang patay – nakatali ang mga kamay at paa, at nakasako sa Bulacan.

Kapanalig, ang karahasan at korupsyon ay patuloy pa ring nagpapahirap sa ating bayan. Tinatali tayo ng mga ito sa isang lipunan bulag, nabubulok at naghihirap. Kailangan nating laging maalala na hindi lamang tao o pamilya o partida ang ating pinaglalaban. Ang kapanakanan ng  bawat Filipino, ang karapatan nating mamuhay ng mapayapa, marangal at maunlad ay esensya ng EDSA People Power Revolution. Huwag natin sayangin ang diwa nito. Ayon nga sa Gaudium et Spes, “Lahat tayo ay dapat paglingkuran ang dignidad at kinabukasan ng mamamayan. Kailangan nating pagsumikapin na tanggalin ang anumang umaalipin sa ating lipunan upang mapangalagaan ang pangunahing karapatan ng lahat ng tao.

Sumainyo ang Katotohanan.

Baby Bishop course sa Vatican, nagsimula na

 41,742 total reads

 41,742 total reads Ibinahagi ni Radio Veritas Vatican Correspondent Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston, Rector ng Pontificio Collegio Filipino sa Roma ang pagsisimula ng formation course

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 195,576 total reads

 195,576 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 230,249 total reads

 230,249 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 246,149 total reads

 246,149 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 282,637 total reads

 282,637 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 289,583 total reads

 289,583 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kahirapan sa bansa

 195,577 total reads

 195,577 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 230,250 total reads

 230,250 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 246,150 total reads

 246,150 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 282,638 total reads

 282,638 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »
Scroll to Top