Ang kapalit ng kapalpakan at kapabayaan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 658 total reads

Mga Kapanalig, lubhang nakababahala ang nangyaring shootout sa pagitan ng mga pulis mula sa anti-illegal drug operatives ng Quezon City Police District at mga agents ng Philippine Drug Enforcement Agency (o PDEA) sa harap ng isang mall sa Quezon City noong isang linggo. Dalawang pulis ang namatay habang tatlong taga-PDEA ang nagtamo ng mga sugat. Habang isinusulat natin ang editoryal na ito, iginigiit ng dalawang ahensyang lehitimong drug operation ang kanilang ginawa. Ngunit ang nakapagtataka, paanong sila-sila rin ang nagkasagupa? Bakit ang mga dapat na humahabol sa mga sangkot sa droga ang nagpalitan ng putok ng baril?

Misencounter ang itinawag ng mga awtoridad sa nangyari—isang pagkakamaling sa kasamaang-palad ay nauwi sa isang madugong engkuwentro. Ngunit sa mata ng publiko, patunay ito ng malaking pagkukulang ng mga tagapagpatupad ng batas sa kung paano sila nagsasagawa ng kani-kanilang operasyon upang labanan ang sinasabing malaking problema natin sa droga. Malapit nang matapos ang administrasyong Duterte na nangako ng isang bayang malinis sa ipinagbabawal na gamot, ngunit heto at patuloy ang giyera nito kontra droga na may bahid ng kapalpakan, kakulangan sa maayos na intelligence, at kawalan ng koordinasyon. Ang nakalulungkot, buhay ng tao ang nagiging kapalit nito.



Ganito rin ang masasabi natin sa kaso ng libu-libong pinatay ng mga pulis habang ipinatutupad ang “war on drugs” ni Pangulong Duterte. Kung paniniwalaan natin ang datos ng pamahalaan, umabot na sa mahigit 6,000 ang mga namatay mula Hulyo 2016—ang unang buwan ng panunungkulan ng pangulo—hanggang sa Disyembre ng 2020. Karamihan sa mga ito, ayon sa pulisya, ay nanlabán, mga suspek na nagmatigas sa mga pulis, hindi sumuko, at nakipagpalitan ng putok. Ito ang palagi nating naririnig sa mga pulis sa tuwing may namamatay sa kanilang mga isinasagawang operasyong madalas nangyayari sa mga mahihirap na komunidad.

Hindi agad na tinatanggap ng mga pumupuna sa giyera kontra droga at lalo na ng mga kaanak ng mga pinatay ang katwirang ito ng mga pulis. At tumibay ang pagkukuwestyon sa paraan ng pagsasagawa ng mga pulis ng kanilang operasyon dahil mismong si DOJ Secretary Menandro Guevarra na ang nagsabing marami sa mga kaso ng mga nanlabán ay hindi nasusundan ng tinatawag na “full examination” sa mga narekober na armas na tangan ng mga napatay na suspek. Sinabi niya ito sa United Nations Human Rights Council noong nakaraang linggo. Lumabas sa imbestigayon ng binuong interagency panel ng kagawarang sa maraming pagkakataon, hindi nasusunod ng mga pulis ang mga nakatakdang protocol sa tuwing may namamatay sa mga isinasagawa nilang operasyon. Hindi na inaalam kung sino ang totoong may-ari ng baril na hawak ng mga umano’y nanlabán, at hindi na humihiling ang mga pulis ng ballistic examination o paraffin test upang patunayang nagpaputok ng baril ang mga namatay.



Hindi natin ito dapat palampasin, lalo na kung naniniwala tayo sa itinuturo ng ating pananampalatayang Kristiyano na walang sinuman ang may karapatang kumitil ng buhay ng kanyang kapwa at na hindi karahasan ang paraan upang itama ang mga itinuturing nating mali sa ating lipunan. At ang mga paniniwala nating ito ay laging nakabatay sa katotohanan, bagay na ipinagkait sa mga kababayan nating sinabi lamang na nanlabán upang bigyang-katwiran ang pagpatay sa kanila.

Mga Kapanalig, buhay ng tao ang nagiging kapalit ng kapalpakan at kapabayaan ng mga inaasahan nating magpatupad ng batas. Sa mga kasong ito, para ba nating naririnig ang winika ni Yahweh kay Cain sa Genesis 4:10: “Sumisigaw sa akin mula sa lupa ang dugo ng iyong kapatid, at humihingi ng katarungan.” Tayo kaya bilang isang bayan, kailan natin maririnig ang paghingi ng katarungan ng mga kababayan nating biktima ng karahasang para daw sa kapayapaan?

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 22,477 total reads

 22,477 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 109,199 total reads

 109,199 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 155,938 total reads

 155,938 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 203,810 total reads

 203,810 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 306,658 total reads

 306,658 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

MADALDAL KULANG SA GAWA

 22,478 total reads

 22,478 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 109,200 total reads

 109,200 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 155,940 total reads

 155,939 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 203,812 total reads

 203,811 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »
Scroll to Top