Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Total life, isulong. Lahat ng uri ng kusang pagpatay, kondenahin.

SHARE THE TRUTH

 330 total views

Nanawagan ang Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa isang conference tungkol sa Sacred Heart at interview ng Radyo Veritas sa sambayanang Filipino na maging consistent sa pagtatanggol sa sagradong buhay ng tao.

Inihayag ni Cardinal Tagle na ang buhay ng tao ay galing sa Diyos kaya mahalaga at sagrado.

Sinabi ng Kardinal na ang lahat ng klase ng tahasan, kusa at pinagplanuhang paglapastangan at pagpatay sa buhay ng tao ay dapat kondenahin.

Nanawagan din ang Cardinal na mabahala tayo sa lahat ng uri ng ganitong pagkitil sa buhay at hindi sa iilan lamang.

“Buhay ng kahit sino hindi lamang buhay na gusto nating protektahan. Basta taong may buhay kahit sino pa siya, ang buhay na yun ay sagrado. Alam ko na ngayon na ang malaking usapin ay ang nagiging mga pagpatay, sabi pati raw sa mga hindi guilty sa mga inosente, pero kahit nga guilty man o hindi guilty, ang buhay ay dapat alagaan at igalang. At kung guilty bigyan ng bagong buhay. Pagkakataong makabangon mula sa lumang buhay,” mensahe ni Cardinal Tagle

Kumbinsido ang Kardinal na marami ang nababahala sa mga nangyayaring extra-judicial killing subalit dapat ding mabahala ang lahat sa mga nangyayaring abortion o pagpatay sa mga sanggol na walang kalaban-laban.

Tinukoy din Cardinal Tagle ang unfair labor practices, ang human trafficiking na isa ring uri ng pagpatay sa dangal ng tao maging ang pag-aksaya ng tao sa pagkain na kailangan pang maging basura bago ito makain ng mga mahihirap.

Iginiit ng Kardinal na bilang sambayanan dapat nating ipadiwang ang kagandahan ng buhay. Milagro nag Dios ang buhay. Maganda ang buhay. Ito ang mabuting balita. Kaya hindi marapat ang lahat ng uri ng kusa at tahasang pagpatay at paglapastangan sa buhay ng tao na sagrado at banal.

“Ang Diyos ay Diyos ng buhay kaya dapat alagaan ang buhay. Pero marami worried sa extra-judicial killings. At dapat lang. Sana naman worried din tayo sa abortion, bakit kaunti ang nagsasalita against abortion? Pagpatay din yan. Unfair labor practices isang uri rin yan ng pagpatay ng dangal ng manggagawa. Yung tapon tayo ng tapon ng pagkain, kailangan munang nasa basura bago pupulutin ng iba at ipapakain sa pamilya nila, pagpatay din yan sa mga batang walang makain,” pahayag ni Cardinal Tagle sa Radio Veritas

Hiniling ng Kardinal sa sambayang Filipino na maging consistent sa pagsusulong ng whole o integral life at hindi maging selective.

“Be consistent to promote whole or integral life, let us not be selective. Bantayan natin ang abortion ang mga batang hindi pa naisisilang ay walang kalaban- laban. Ang pagtitinda ng bawal na gamot, ang pagtulak sa mga kabataan sa bisyo. Yan ay isang uri din ng pagpatay ng kanilang pangarap, kaisipan, pagpatay ng kanilang magagandang pakikisama sa pamilya,” paglilinaw ni Cardinal Tagle

Ipinaalala ng Kardinal sa lahat na sa oras na madiskubre nating muli ang kahalagahan ng buhay ng tao maging sinuman ito ay tungkulin nating ipagtanggol ang dangal ng buhay ng bawat nilalang.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

SONA

 9,316 total views

 9,316 total views STATE OF THE NATION ADDRESS (SONA)… Ito ay pag-uulat sa bayan ng pangulo ng Pilipinas taon-taon. Sa SONA, dapat inilalatag o ipinapaalam ng

Read More »

Para saan ang confidential funds?

 34,916 total views

 34,916 total views Mga Kapanalig, inanunsyo kamakailan ng mayor ng Capas, Tarlac na hindi na isasama ng kanyang opisina ang confidential funds sa annual budget ng

Read More »

Atin ang West Philippine Sea!

 46,047 total views

 46,047 total views Mga Kapanalig, noong Hulyo 12, ginunita natin ang ikasiyam na anibersaryo ng pagkapanalo ng Pilipinas sa UN Arbitral Ruling ukol sa ating soberanya

Read More »

GEN Z PROBLEM

 82,129 total views

 82,129 total views Bawasan o alisan ng access ang mga menor de edad sa social media? Sa isang pag-aaral, 95-porsiyento ng mga kabataang Pilipino na may

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Michael Añonuevo

Sana ay mali kami

 3,481 total views

 3,481 total views Ito ang mariing pahayag ni Diocese of Lucena Ministry on Ecology director, Fr. Warren Puno, habang pinagninilayan ang sunod-sunod na sakuna at kalamidad

Read More »
12345

RELATED ARTICLES

DON’T LEAVE GOD WHEN YOU VOTE

 27,302 total views

 27,302 total views Pastoral Message in the Archdiocese of Lingayen Dagupan for the 2019 Mid Term Elections Brothers and sisters in Christ in Lingayen Dagupan: All

Read More »

IS DEATH A THREAT?

 4,876 total views

 4,876 total views Homily delivered by Archbishop Socrates B. Villegas at the Mass of Holy Chrism on Holy Thursday, April 18, 2019 at Saint John the

Read More »

STAND UP FOR THE NEWBORN JESUS!

 43,299 total views

 43,299 total views Message of Archbishop Socrates B Villegas to the People of God in the Archdiocese of Lingayen Dagupan on the occasion of Christmas December

Read More »

GOD IS LOVE

 27,222 total views

 27,222 total views Fatherly Message to the Youth and Children of the Archdiocese of Lingayen Dagupan My dear children of God in the Archdiocese of Lingayen

Read More »

HE IS INSANE. HE IS POSSESSED.

 27,202 total views

 27,202 total views Gospel Meditation for Sunday June 10, 2018 based on Mark 3:20 Jesus was thought to be insane by his relatives. They wanted to

Read More »

TURNING TO MARY IN OUR NEED

 27,202 total views

 27,202 total views Today is the feast of Mary Help of Christians. Mary the Helper is as old as the title Mary the Mother. This devotion

Read More »
1234567