Sana ay mali kami

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 25,098 total reads

Ito ang mariing pahayag ni Diocese of Lucena Ministry on Ecology director, Fr. Warren Puno, habang pinagninilayan ang sunod-sunod na sakuna at kalamidad sa iba’t ibang bahagi ng Luzon, lalo na sa kalakhang Maynila.
Ayon kay Fr. Puno, matindi ang pangamba ng mga tagapangalaga ng kalikasan sa patuloy na paggamit ng fossil fuels tulad ng karbon, langis, at fossil gas na unti-unting pumipinsala sa mundo.
Binigyang-diin din ng pari ang epekto ng pagtatayo ng mga coal-fired power plants na bagamat layuning mapunan ang pangangailangan sa enerhiya, ay nagdudulot naman ng polusyon, pagkasira ng kalikasan, at banta sa kalusugan ng mamamayan.
“Sana ay hindi totoo na sa bawat megawatt ng kuryente ay kapalit ang pagkasira ng kabundukan, kontaminasyon ng tubig, at karamdaman ng mamamayan. Sana ay tama sila—na hindi ito makakasama sa kalusugan, sa kalikasan, sa kinabukasan ng ating mga anak,” pahayag ni Fr. Puno.
Ngunit iginiit ng pari, hindi na maikakaila ang krisis sa klima na pinalalala ng patuloy na pagsira sa likas na yaman at kakulangan sa pagtutok sa malinis at makataong alternatibo sa enerhiya.
Para kay Fr. Puno, ang usaping ito ay hindi lamang teknikal, kundi pangkatarungan, dahil habang patuloy na kumikita ang malalaking industriya, ang mga nasa laylayan tulad ng mga magsasaka, mangingisda, at maralita ang higit na naaapektuhan ng krisis sa klima.
“Kung sakali mang kami’y nagkamali, wala namang mawawala sa panawagan naming pangalagaan ang kalikasan. Ngunit kung sila ang nagkamali… lahat tayo ang magdurusa. Walang ligtas sa bumabagsak na klima,” giit ng pari.
Pagbabahagi ng pari, na sa bawat pagkilos bilang tagapangalaga ng kalikasan, dala nito ang pangambang hindi pakinggan ang bawat hinaing, ngunit may pag-asang may magising, may kumilos, at may makialam.
“Ang pagiging environmental advocate ay hindi pagiging kontra sa pag-unlad, kundi paninindigan para sa makatarungan at makakalikasang kaunlaran,” dagdag niya.
Sa huli, nananawagan si Fr. Puno sa sambayanan na makinig, hindi lamang sa agham, kundi sa hinaing ng Inang Kalikasan, sa sigaw ng mga apektado, at sa tinig ng Diyos na patuloy na nagmamahal sa sangnilikha.
Magugunitang ibinahagi ng yumaong Papa Francisco sa Laudato Si’ ang panawagang pagpapalawak sa paggamit ng renewable energy upang tugunan ang kakulangan sa kuryente, at ihinto ang paggamit ng mapaminsalang fossil fuels.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 119,512 total reads

 119,512 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 195,315 total reads

 195,315 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 228,763 total reads

 228,763 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 264,062 total reads

 264,062 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 485,886 total reads

 485,886 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 159,023 total reads

 159,023 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top