Labanan ang Climate accountability disinformation

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 28,301 total reads

Nanawagan sa publiko si Billie Dumaliang, Director for Advocacy ng Masungi Georeserve Foundation Inc. na tukuyin at labanan ang mas malalim na anyo ng panlilinlang kaugnay sa krisis sa klima.

Binigyang-diin ni Dumaliang ang ‘climate accountability disinformation’ na, sa gitna ng umiiral na matinding epekto ng climate change, ay hindi tahasang itinatanggi ang krisis kundi inililihis ang pananagutan ng mga totoong may sala.

“In the Philippines, where the impacts of climate change are already severe, disinformation doesn’t deny climate change… Instead of denying the crisis, it distorts who’s responsible,” ayon kay Dumaliang.

Paliwanag pa ni Dumaliang, mahalagang tukuyin nang malinaw ang ganitong uri ng panlilinlang sa mamamayan, at panagutin ang mga totoong may pagkakasala sa tumitinding suliranin sa klima.

“We need to name it, call it out, and hold the right people accountable,” dagdag niya.

Sa kabila ng tumitinding pangamba mula sa mga sakuna at kalamidad na pinalalala pa ng hindi maayos na pag-unlad, umaapela ang Masungi Georeserve sa mas mahigpit na pagbabantay at mas pinaigting na paninindigan para sa katarungang pangklima.

Batay sa imbestigasyon ng Commission on Human Rights (CHR), may 47 malalaking kumpanya sa sektor ng karbon, langis, semento, at pagmimina ang sinadyang binago ang mga datos ukol sa klima upang mailihis ang pananagutan sa lumalalang krisis pangkalikasan.

Itinuturing ng CHR na ang kapabayaan sa pagtugon sa climate change ay paglabag sa karapatang pantao, dahil direktang naaapektuhan nito ang karapatan ng buhay at dignidad ng mamamayan.

Sa Laudato Si’ ng Kanyang Kabanalan Francisco, tungkulin ng pamahalaan na paigtingin ang pagpapatupad ng mga batas at programa na mangangalaga hindi lamang sa mamamayan kundi maging sa kalikasan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 119,558 total reads

 119,558 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 195,358 total reads

 195,358 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 228,806 total reads

 228,806 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 264,105 total reads

 264,105 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 485,927 total reads

 485,927 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 159,025 total reads

 159,025 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top