Pantay na dangal ng bawat isa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 535 total reads

Mga Kapanalig, sa kanyang nakasulat na mensahe ngayong Buwan ng Kababaihan, sinabi ni Pangulong Duterte na hindi pa tapos ang pagkilos upang matuldukan ang diskriminasyon sa mga babae at upang makamit nila ang mga oportunidad na tinatamasa ng mga lalaki. “The work is far from over,” aniya. Ngayong araw, ipinagdiriwang natin ang International Women’s Day na may temang “Choose to Challenge”, isang paghikayat sa lahat–babae man o lalaki—na patuloy hamunin ang mga paniniwala, kaisipan, at gawíng nagdudulot ng diskriminasyon at pang-aabuso sa kababaihan.



Isang larangan kung saan mga lalaki pa rin ang nakararami ay ang pulitika. Sa buong mundo, 14 na bansa lamang ang may pamahalaan kung saan kalahati o higit pa ng kanilang gabinete ay mga babae. Mula 1992 hanggang 2018, 13% lamang ng mga negotiators, 3% ng mediators, at 4% ng signatories ng mga pangunahing kasunduang pangkapayaan ay mga babae. Sa mga posisyong gumagawa ng mga desisyong may kaugnayan sa pangangalaga sa kalikasan, 67% ay hawak ng mga lalaki. Dito sa Pilipinas, bagamat nangunguna tayo sa Asya at pang-16 tayo sa buong mundo pagdating sa pagsasara ng tinatawag na gender gap (o ang hindi pagkakapantay ng mga oportunidad at pagkilala sa mga karapatan ng mga babae at lalaki), maraming babae pa rin ang biktima ng pang-aabuso at diskriminasyon. Noong kasagsagan ng pandemya, nakapagtala ang Philippine Commission on Women ng halos 14,000 kaso ng karahasan laban sa mga babae at mga bata.

Isang malaking kabalintunaan ding sa kabila ng mensahe ni Pangulong Duterte ngayong Women’s Month, kung saan hinihikayat niya ang pagpapalakas sa karapatan at mga oportunidad ng kababaihan, siya rin naman ang pangunahing sumasalungat dito. Minsan niyang sinabing hindi para sa babae ang pagiging pangulo ng bansa. Bago nito, ilang beses ginawang biro ng pangulo sa kanyang mga talumpati ang rape o panggagahasa. Minsan ding pinuna ng pangulo ang palda ni VP Leni Robredo sa isang pormal na pagtitipon. Nariyan pa ang panghihikayat niya sa mga sundalong barilin sa maselang bahagi ang mga babaeng rebelde na kanilang makakalaban. Kung mananatili ang ganitong klase ng mga lider sa pamahalaan, tunay ngang malayo pa ang tatahakin natin upang makamit ng kababaihan ang respeto at pagkakapantay.



Tulad ng nasasaad sa aklat ng Mga Gawa 10:34, “walang itinatangi ang Diyos.” Malinaw din ang panlipunang turo ng Simbahan na ang babae at lalaki ay magkaibang indibidwal ngunit may pantay na dignidad. Walang mas nakahihigit ng dangal o kakayahan. Ang kanilang mga pagkakaiba ay mahalagang bahagi ng pagbubuo ng isang mayabong na lipunan. Sila ay may kani-kaniyang talentong maaaring iambag sa ating pag-unlad. Ang babae ay katuwang ng lalaki, at ang lalaki ay katuwang din ng babae. Ang kanilang pagtutulungan ay nakabatay sa pagkakaisa at pag-ibig.



Kahit pa taun-taon nating ginugunita ang Women’s Month at International Women’s Day, hindi ganap na matatapos ang diskriminasyon sa kababaihan hangga’t hindi ito nag-uumpisa sa pag-unawang pantay-pantay tayong nilikha ng Diyos. Kung patuloy na malilimitahan ang kababaihang makilahok sa panunungkulan sa pamahalaan, usaping pang-kapayapaan at pang-kalikasan, at iba pang larangan, patuloy ding mapagkakaitan ang ating lipunan ng mga talento at kakayahang maaari nilang iambag. Hangga’t may mga lider tayong ginagawang biro ang panggagahasa at humihikayat sa karahasan laban sa kababaihan, mananatiling malaking hamon ang panawagang irespeto ang mga babae at ituring silang kabalikat sa kaunlaran.



Mga Kapanalig, malayo pa nga ang laban upang makamit natin ang pagkakapantay ng mga kasarian. Tandaan nating mag-uumpisa ito sa ating mga indibidwal na paniniwala sa dangal ng bawat isa. Nawa’y mula rito ay magawa nating manawagan, magsalita, at kumilos para sa isang lipunang may paggalang kaninuman, anuman ang kanilang kasarian.

Sumainyo ang katotohanan.

RCAM, magsasanay ng emergency management

 22,214 total reads

 22,214 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 22,341 total reads

 22,341 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bunga ng araw-araw na karahasan

 39,701 total reads

 39,701 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 96,107 total reads

 96,107 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 219,608 total reads

 219,608 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 303,013 total reads

 303,013 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Bunga ng araw-araw na karahasan

 39,702 total reads

 39,702 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 96,108 total reads

 96,108 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 219,609 total reads

 219,609 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »
Scroll to Top