PNP CHIEF, dumalo sa isinagawang blue mass as Manila cathedral

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 674 total views

Dumalo ang ilang opisyal ng Philippine National Police sa pagdiriwang ng Banal na Misa sa Minor Basilica and Metropolitan Cathedral of the Immaculate Conception o Manila Cathedral para sa Ikatlong Linggo sa Panahon ng Kuwaresma na tinaguriang “Blue Mass”.

Pinangunahan ni PNP Chief PGen. Debold Sinas ang mga kawani ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas na nagtungo sa Manila Cathedral bilang mga pilgrims na isang paraan rin ng pakikibahagi ng PNP para sa paggunita ng ika-500 taon ng pagdating ng pananampalatayang Kristiyano sa Pilipinas.

Pinamunuan naman ni Rev. Fr. Kali Pietre M. Llamado, Vice Rector ng Manila Cathedral ang banal na misa na ikinagalak ang pagdalo sa banal na liturhiya ngayong Linggo ng mga kawani ng PNP hindi lamang sa Manila Cathedral na unang katedral sa Pilipinas kundi maging sa iba’t ibang panig ng bansa.

"we are very happy to welcome you here for joining us in the 500 years of Christianity celebrations, this Sunday not only them [who are here in Manila Cathedral] but all the police officers all around the country are joining in the celebration, commemoration of the 500 Years of Christianity. We welcome you not as police officers today but we welcome you as pilgrims in this Church, in this Cathedral the first Cathedral in the country, the Mother Church of our country." Ang bahagi ng pagninilay ni Rev. Fr. Kali Pietre M. Llamado.

Sa pagtututok ngayong Linggo sa simbolismo ng tubig na naglilinis sa bawat isa mula sa kasalanan sa pamamagitan ng sakramento ng binyag ay nagsagawa ng pagwiwisik ng banal na tubig sa lahat sa pagsisimula ng banal na misa bilang pagpapaalala sa tubig ng binyag na mayroong kapangyarihan na linisin at baguhin ang bawat isa maging mula sa kasalanan.

Paliwanag ni Fr. Llamado, hindi lamang pagbabagong pampisikal ang ninanais ng Panginoon kundi ganap na pagbabago ng kalooban at pagbabago ng isip at puso.

Umaasa rin ang Pari na sa gitna ng patuloy na paghahanda para sa pagpapakasakit, pagkamatay at muling pagkabuhay ni Hesus ay mapagtanto ng bawat isa na napakahalaga ang paggawa ng mabuti sa kapwa na para na ring paggawa ng mabuti para sa Panginoon.



Nawa ayon kay Fr. Llamado sa gitna ng tukso ng gumawa ng anumang masama sa kapwa ay makita ng bawat isa ang mukha at ang presensya ng Diyos na siyang lumikha at nagbigay buhay sa sanlibutan.

“let us be reminded that the waters of baptism should change our mindset, change our heart lead to conversion of our conscience especially this season of lent, sana po mga kapatid sa Linggong ito ay mapaalala sa atin na ang binyag ay nililinis tayo, binabago tayo at ang nais ni Hesus ay hindi lamang pagbabago sa labas kundi pagbabago ng kalooban, pagbabago ng isip at puso at ang nais ni Hesus na pagbabago ngayong Linggo na ito ay makita natin ang mukha ng Diyos sa bawat isa. Kapag kayo ay natutukso na gumawa ng masama sa kapwa, tingnan ang mukha ng kapwa makikita mo mayroon siyang presensya, mayroon siyang mukha na nilikha ng Diyos siya ay mukha ng Diyos…” Pagninilay pa ni Fr. Llamado.

Una ng tiniyak ng Philippine National Police ang pakikibahagi at pakikipagtulungan sa Simbahan para sa paggunita ng 500 Years of Christianity sa Pilipinas lalo na sa gitna ng patuloy na banta ng pandemya sa buong bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lights! Camera! Action?

 72,151 total views

 72,151 total views Mga Kapanalig, napunô ng comedy, drama, action, at suspense ang Senado noong isang linggo. Tila eksena sa game show ang pagtakbo ni Senador

Read More »

Ang fourth estate

 196,562 total views

 196,562 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 238,279 total views

 238,279 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 314,501 total views

 314,501 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Community pantry, pinalawak ng CMSP

 5,126 total views

 5,126 total views Patuloy ang pagsusumikap ng Conference of Major Superiors in the Philippines (CMSP) para sa programa nitong “CMSP CARES,” na isang community pantry na

Read More »
Scroll to Top