Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pantay na dangal ng bawat isa

SHARE THE TRUTH

 185 total views

Mga Kapanalig, sa kanyang nakasulat na mensahe ngayong Buwan ng Kababaihan, sinabi ni Pangulong Duterte na hindi pa tapos ang pagkilos upang matuldukan ang diskriminasyon sa mga babae at upang makamit nila ang mga oportunidad na tinatamasa ng mga lalaki. “The work is far from over,” aniya. Ngayong araw, ipinagdiriwang natin ang International Women’s Day na may temang “Choose to Challenge”, isang paghikayat sa lahat–babae man o lalaki—na patuloy hamunin ang mga paniniwala, kaisipan, at gawíng nagdudulot ng diskriminasyon at pang-aabuso sa kababaihan.



Isang larangan kung saan mga lalaki pa rin ang nakararami ay ang pulitika. Sa buong mundo, 14 na bansa lamang ang may pamahalaan kung saan kalahati o higit pa ng kanilang gabinete ay mga babae. Mula 1992 hanggang 2018, 13% lamang ng mga negotiators, 3% ng mediators, at 4% ng signatories ng mga pangunahing kasunduang pangkapayaan ay mga babae. Sa mga posisyong gumagawa ng mga desisyong may kaugnayan sa pangangalaga sa kalikasan, 67% ay hawak ng mga lalaki. Dito sa Pilipinas, bagamat nangunguna tayo sa Asya at pang-16 tayo sa buong mundo pagdating sa pagsasara ng tinatawag na gender gap (o ang hindi pagkakapantay ng mga oportunidad at pagkilala sa mga karapatan ng mga babae at lalaki), maraming babae pa rin ang biktima ng pang-aabuso at diskriminasyon. Noong kasagsagan ng pandemya, nakapagtala ang Philippine Commission on Women ng halos 14,000 kaso ng karahasan laban sa mga babae at mga bata.

Isang malaking kabalintunaan ding sa kabila ng mensahe ni Pangulong Duterte ngayong Women’s Month, kung saan hinihikayat niya ang pagpapalakas sa karapatan at mga oportunidad ng kababaihan, siya rin naman ang pangunahing sumasalungat dito. Minsan niyang sinabing hindi para sa babae ang pagiging pangulo ng bansa. Bago nito, ilang beses ginawang biro ng pangulo sa kanyang mga talumpati ang rape o panggagahasa. Minsan ding pinuna ng pangulo ang palda ni VP Leni Robredo sa isang pormal na pagtitipon. Nariyan pa ang panghihikayat niya sa mga sundalong barilin sa maselang bahagi ang mga babaeng rebelde na kanilang makakalaban. Kung mananatili ang ganitong klase ng mga lider sa pamahalaan, tunay ngang malayo pa ang tatahakin natin upang makamit ng kababaihan ang respeto at pagkakapantay.



Tulad ng nasasaad sa aklat ng Mga Gawa 10:34, “walang itinatangi ang Diyos.” Malinaw din ang panlipunang turo ng Simbahan na ang babae at lalaki ay magkaibang indibidwal ngunit may pantay na dignidad. Walang mas nakahihigit ng dangal o kakayahan. Ang kanilang mga pagkakaiba ay mahalagang bahagi ng pagbubuo ng isang mayabong na lipunan. Sila ay may kani-kaniyang talentong maaaring iambag sa ating pag-unlad. Ang babae ay katuwang ng lalaki, at ang lalaki ay katuwang din ng babae. Ang kanilang pagtutulungan ay nakabatay sa pagkakaisa at pag-ibig.



Kahit pa taun-taon nating ginugunita ang Women’s Month at International Women’s Day, hindi ganap na matatapos ang diskriminasyon sa kababaihan hangga’t hindi ito nag-uumpisa sa pag-unawang pantay-pantay tayong nilikha ng Diyos. Kung patuloy na malilimitahan ang kababaihang makilahok sa panunungkulan sa pamahalaan, usaping pang-kapayapaan at pang-kalikasan, at iba pang larangan, patuloy ding mapagkakaitan ang ating lipunan ng mga talento at kakayahang maaari nilang iambag. Hangga’t may mga lider tayong ginagawang biro ang panggagahasa at humihikayat sa karahasan laban sa kababaihan, mananatiling malaking hamon ang panawagang irespeto ang mga babae at ituring silang kabalikat sa kaunlaran.



Mga Kapanalig, malayo pa nga ang laban upang makamit natin ang pagkakapantay ng mga kasarian. Tandaan nating mag-uumpisa ito sa ating mga indibidwal na paniniwala sa dangal ng bawat isa. Nawa’y mula rito ay magawa nating manawagan, magsalita, at kumilos para sa isang lipunang may paggalang kaninuman, anuman ang kanilang kasarian.

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Dugo sa kamay ng mga pulis

 574 total views

 574 total views Mga Kapanalig, may pagkakataon pa raw si PNP Lieutenant Coronel Jovie Espenido na bigyang-katarungan ang mga biktima ng madugong giyera kontra droga ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Iyan ang paniniwala ni Fr Flavie Villanueva, SVD, kung isisiwalat ng kontrobersyal na pulis ang lahat ng maling ginawa niya bilang pagsunod sa kagustuhan

Read More »

“Same pattern” kapag may kalamidad

 9,267 total views

 9,267 total views Mga Kapanalig, ulan at baha ang sumalubong sa atin sa pagpasok ng buwan ng Setyembre. Habang isinusulat natin ang editoryal na ito, labinlimang kababayan natin ang iniwang patay ng Bagyong Enteng. Marami sa kanila ay namatay sa landslide o nalunod sa rumaragasang baha. Hindi bababà sa 20 ang patuloy pa ring hinahanap. Tinahak

Read More »

Moral conscience

 24,035 total views

 24,035 total views Kapanalig, sa nararanasan at nasasaksihan nating pangyayari sa ating kapwa, sa komunidad, satrabaho, sa pamamalakad ng gobyerno…umiiral pa ba ang “moral conscience”? Sa ginagawang “budget watch” o corruption free Philippines advocacy ng Radio Veritas ay napatunayan na ang salitang “moral conscience” sa mga kawani, opisyal ng pamahalaan at mga halal na representante nating

Read More »

Pagpa-parking/budget insertions

 31,158 total views

 31,158 total views Kapanalig, sa “laymans term” ang pagpa-parking ay pag-iiwan ng sasakyan pansamantala sa isang parking space o tinatawag sa mga mall at business establishments na pay parking area. Ang pagpa-parking ay natutunan na rin ng mga mambabatas mula sa Mababang Kapulungan ng Kongreso at Mataas na Kapulungan ng Kongreso (Senado). Sa ating mga ordinaryong

Read More »

Season of Creation

 38,361 total views

 38,361 total views Nakakalungkot, ginugunita ng buong Santa Iglesia ang “Season of Creation” o panahon ng paglikha mula a-uno ng Setyembre, kasabay ng “World Day of Prayer of Creation” na magtatapos sa ika-13 ng Oktubre 2024, araw ng National Indigenous Peoples’ Sunday. Kamakailan lang, nasaksihan at naranasan ng milyong Pilipino ang matinding epekto ng pagsasawalang bahala

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Dugo sa kamay ng mga pulis

 575 total views

 575 total views Mga Kapanalig, may pagkakataon pa raw si PNP Lieutenant Coronel Jovie Espenido na bigyang-katarungan ang mga biktima ng madugong giyera kontra droga ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Iyan ang paniniwala ni Fr Flavie Villanueva, SVD, kung isisiwalat ng kontrobersyal na pulis ang lahat ng maling ginawa niya bilang pagsunod sa kagustuhan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

“Same pattern” kapag may kalamidad

 9,268 total views

 9,268 total views Mga Kapanalig, ulan at baha ang sumalubong sa atin sa pagpasok ng buwan ng Setyembre. Habang isinusulat natin ang editoryal na ito, labinlimang kababayan natin ang iniwang patay ng Bagyong Enteng. Marami sa kanila ay namatay sa landslide o nalunod sa rumaragasang baha. Hindi bababà sa 20 ang patuloy pa ring hinahanap. Tinahak

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Moral conscience

 24,036 total views

 24,036 total views Kapanalig, sa nararanasan at nasasaksihan nating pangyayari sa ating kapwa, sa komunidad, satrabaho, sa pamamalakad ng gobyerno…umiiral pa ba ang “moral conscience”? Sa ginagawang “budget watch” o corruption free Philippines advocacy ng Radio Veritas ay napatunayan na ang salitang “moral conscience” sa mga kawani, opisyal ng pamahalaan at mga halal na representante nating

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagpa-parking/budget insertions

 31,159 total views

 31,159 total views Kapanalig, sa “laymans term” ang pagpa-parking ay pag-iiwan ng sasakyan pansamantala sa isang parking space o tinatawag sa mga mall at business establishments na pay parking area. Ang pagpa-parking ay natutunan na rin ng mga mambabatas mula sa Mababang Kapulungan ng Kongreso at Mataas na Kapulungan ng Kongreso (Senado). Sa ating mga ordinaryong

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Season of Creation

 38,362 total views

 38,362 total views Nakakalungkot, ginugunita ng buong Santa Iglesia ang “Season of Creation” o panahon ng paglikha mula a-uno ng Setyembre, kasabay ng “World Day of Prayer of Creation” na magtatapos sa ika-13 ng Oktubre 2024, araw ng National Indigenous Peoples’ Sunday. Kamakailan lang, nasaksihan at naranasan ng milyong Pilipino ang matinding epekto ng pagsasawalang bahala

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bulag na tagasunod

 43,650 total views

 43,650 total views Mga Kapanalig, gaya sa larong tagu-taguan, ilang buwan nang “tayâ” ang ating kapulisang hindi mahanap-hanap si Pastor Apollo Quiboloy ng grupong Kingdom of Jesus Christ (o KOJC). Hinihinalang nagtatago siya sa compound ng grupo sa Davao. Mahigit isang linggo na ang nakalipas mula noong ibinalita ng Philippine National Police (o PNP) na, gamit

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Huwag kalimutan ang mga desaparecidos

 43,351 total views

 43,351 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Setyembre ay Philippine Film Industry Month. Sinimulan ito noong 2021 upang pangalagaan at pagyamanin ang kultura ng pelikulang Pilipino batay sa prinsipyo ng pagkakaisa sa pagkakaiba-iba o “unity in diversity”. Pinahahalagahan din ang pagkakaroon ng malayang artistic and intellectual expression. Ngunit taliwas sa pagdiriwang na ito ang tila

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipaliwanag ang OVP budget

 35,685 total views

 35,685 total views Mga Kapanalig, nag-trending noong isang linggo sa social media ang panawagang bigyan ng zero budget ang Office of the Vice President. Ito ay matapos ang mainit na pagdinig ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa budget ng OVP para sa susunod na taon.  Sa pagdinig, panay ang pag-iwas ni Vice President Sara Duterte sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nang binawi ang palakpakan

 75,265 total views

 75,265 total views Mga Kapanalig, humupa na ang palakpakan ng mga pulitiko sa war on drugs ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Dahil dito, nalulungkot si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa, isa sa numero unong tagasuporta ng dating pangulo. Sa ilalim ng kanyang pamumuno bilang hepe ng Philippine National Police (o PNP), ipinatupad ng nakaraang administrasyon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalala sa mga mister

 82,819 total views

 82,819 total views Mga Kapanalig, madalas gamitin ang Efeso 5:22-24 para pangatwiranan ang pagpapasailalim ng mga babae sa kanilang asawa. Ganito ang mababasa natin: “Mga babae, pasakop kayo sa sarili ninyong asawa tulad ng pagpapasakop ninyo sa Panginoon. Sapagkat ang lalaki ang ulo ng kanyang asawa, tulad ni Kristo na siyang ulo ng iglesya… Kung paanong

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Makatotohanang datos

 78,702 total views

 78,702 total views Mga Kapanalig, tumaas siguro ang kilay ninyo nang marinig ang sinabi ng National Economic and Development Authority (o NEDA) na ang isang Pilipinong may ₱64 para ipambili ng pagkain sa isang araw ay hindi maituturing na food poor. Take note, pang-isang araw na ang ₱64. Ibig sabihin, kung tatlong beses kumakain ang isang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hamon ng mga Baybaying Komunidad

 90,249 total views

 90,249 total views Bilang arkipelago, tayo ay napapaligiran ng mga katubigan. Ang ating mga dalampasigan ay hindi lamang nagtataglay ng likas na kagandahan, nagsisilbi ring silang pangunahing kabuhayan ng maraming komunidad. Ang mga baybaying komunidad ay umaasa sa karagatan para sa kanilang ikinabubuhay, mula sa pangingisda, pag-aalaga ng mga yamang-dagat, hanggang sa turismo. Subalit, ang kanilang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga Seniors

 94,356 total views

 94,356 total views Ang mga nakakatanda o senior citizens ay isang mahalagang bahagi ng ating lipunan. Sila ay ating mga haligi ng pamilya na nagtaguyod ng mga henerasyon. Hindi matatawaran ang kanilang naging ambag sa sa kasaysayan at pag-unlad ng bansa. Sa kabila ng kanilang kahalagahan, ang mga senior citizens sa Pilipinas ay nahaharap sa iba’t

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sanitasyon

 71,253 total views

 71,253 total views Ang sanitasyon ay isang mahalagang aspeto ng kalusugan ng tao na may direktang epekto sa kalidad ng buhay ng mamamayan at public health. Dito sa ating bayan, ang sanitasyon ay malaking hamon lalo pa’t marami sa ating mga komunidad ay may limitadong access na malinis na tubig at maayos na palikuran. Alam mo

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Leptospirosis: problema sa pag-uugali o pagbabaha?

 71,221 total views

 71,221 total views Mga Kapanalig, matapos ang malalakas na ulan at malalang pagbaha dala ng bagyo at habagat noong Hulyo, dumami muli ang kaso ng leptospirosis sa bansa. Sabi ng Department of Health (o DOH) noong nakaraang linggo, mahigit 2,100 na kaso na ang naitala mula sa simula ng taon hanggang noong Agosto 3. Bagamat mas

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top