Guilty until proven innocent?

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 759 total reads

Mga Kapanalig, mula nang maupo bilang presidente ng Pilipinas si Pangulong Duterte, nag-umpisa na ang marahas at madugong giyera kontra-droga kung saan literal na dumanak ang dugo sa mga lansangan at maralitang pamayanan ng libu-libong pinaghihinalaang sangkot sa iligal na droga. Ngayon naman, may isang nakaaalarmang panukalang batas na dapat nating bantayan at suriing mabuti.

Isang linggo matapos ang “misencounter” sa pagitan ng mga ahente ng Philippine National Police (o PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (o PDEA), inaprubahan sa Kamara sa ikatlo at huling pagbasa ang isang batas na magbibigay ng legal presumption sa kung sino mang itinuturing na importer, financier ng ilegal na droga, at mga nagpopondo, pumoprotekta, o kumukupkop sa mga drug suspects. Ibig sabihin, ang aarestuhing indibidwal na sinasabing maaaring nakagawa o gumagawa ng mga aktibidad na may kinalaman sa ilegal na droga ay ipapalagay nang nagkasala. Layon ng panukalang ito na amyendahan at bigyan ng ngipin ang Republic Act No. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Umabot sa 188 ang bilang ng mambabatas—na karamihan ay kaalyado ni Pangulong Duterte—ang bumotong pabor sa House Bill No. 7814, habang 11 ang tumutol at 9 ang nag-abstain o hindi bumoto. Karamihan ng mga sumalungat ay nababahala sa probisyon ng House Bill No. 7814 na para bang “guilty until proven innocent” ang sinumang nais papanagutin ng batas.



Delikadong maging batas ang panukalang ito lalo na’t lantaran nitong isinasantabi ang nakasaad sa Bill of Rights ng ating Konstitusyon na nagsasabing “sa lahat ng mga pag-uusig na kriminal, ang nasasakdal ay dapat ituring na walang sala hangga’t hindi napatutunayang nagkasala nang higit pa sa makatuwirang pagdududa.” Malinaw na karapatan ng bawat isa sa ating magkaroon ng mabilis, patas, at hayagang paglilitis at dumaan sa tamang proseso ng batas.

Kung magiging batas ang House Bill No. 7814, hindi malayong arestuhin ang kahit sino nang wala man lang matibay na ebidensya laban sa kaniya. Mas magkakaroon ng dahilan ang mga tagapagpatupad ng batas na maging marahas sa pag-aresto ng mga drug suspects. Maaaring itulak nito ang awtoridad na makagawa ng mga paglabag sa karapatang pantao at abusuhin ang kanilang kapangyarihan habang patuloy lamang silang dumudulas sa kamay ng batas.

Sa harap ng patuloy na paghahanap ng hustisya para sa libu-libong namatay dahil sa giyera kontra-droga ng administrasyong Duterte, hindi makatarungan isang patakarang lantarang isasantabi ang due process at ang karapatan ng bawat akusadong maipagtanggol ang sarili sa harap ng hukuman. Nakababahala ito sa ating bansa kung saan usad-pagong ang sistemang pangkatarungan. Malinaw sa mga panlipunang turo ng Simbahan katulad ng Pacem in Terris na tungkulin ng pamahalaanng tiyaking ang mga karapatang pantao ay kinikilala at iginagalang nang sa gayon ay makamit natin ang kabutihang panlahat. Kung hahayaan ng mga mamamayang balewalain ng Estado ang batas, walang mananagot sa mga pagkakataong nalalabag ang ating mga karapatan.

Mga Kapanalig, paano tayo magiging panatag sa ating bansa kung ang mismong Estadong may tungkulin na protektahan ang karapatan ng mamamayan ay pumapalya sa pagsunod sa batas? Paano magkakaroon ng kaayusan sa ating lipunan kung ang mismong mga tagapagpatupad ng batas ang siyang nagkakagulo sa kani-kanilang mga operasyon. Sa paggulong ng panukalang ito, hindi natin maaaring sabihing walang dapat ikatakot kung walang masamang ginagawa. Hindi natin ito maaaring sabihin sa mga nadamay na inosenteng biktima ng war on drugs at sa mga inakusahan at pinatay na pinagkaitan ng due process. Gaya nga ng sabi sa Kawikaan 31:8, “ipagtanggol ang karapatan ng mga taong hindi maipagtanggol ang kanilang mga sarili.” Kaya naman, kailangan nating makialam sa paggawa ng mga batas dahil nakasalalay dito ang kalayaan at karapatan nating lahat.

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 3,835 total reads

 3,835 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 42,003 total reads

 42,003 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 268,274 total reads

 268,274 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 161,739 total reads

 161,739 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 255,562 total reads

 255,562 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Bagong mukha ng Boracay

 3,836 total reads

 3,836 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 42,004 total reads

 42,004 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 268,275 total reads

 268,275 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 161,740 total reads

 161,740 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »
Scroll to Top