Obispo, nababahala sa laganap na “vote buying” sa Palawan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 601 total views

Umaapela ang Apostolic Vicariate of Puerto Princesa sa mga kuwalipikadong botante na makikibahagi sa nakatakdang plebisito at huwag ipagbili ang boto.

Ito ang panawagan ni Apostolic Vicariate of Puerto Princesa Bishop Socrates Mesiona kaugnay sa isasagawang plebisito sa ika-13 ng Marso upang ratipikahan ang Batas Republika 11259 na maglilikha sa tatlong magkakahiwalay na lalawigan sa Palawan.

Dismayado at ikinababahala ng Obispo ang kumakalat na balita sa nagaganap na bilihan ng boto sa Palawan ilang araw bago ang nakatakdang plebisito.

Ipinaalala ni Bishop Mesiona sa mga botante na itinuring na banal at sagrado ang pakikibahagi sa halalan at maging sa plebisito kung saan nakasalalay sa boto ng bawat isa ang kapakanan at kinabukasan ng buong probinsya.

“Nakikiusap po ako sa mamamayan, ang pagboto, ang pagpili sa ganitong uri ng exercise ay isang sagrado, isang banal na gawain kaya huwag po nating ipagbili ang ating mga karapatan na bumoto, hari nawang pangalagaan natin ang karapatang ito, ito ay para sa ating ikabubuti, para sa ating bayan, para sa ating minamahal na probinsya ng Palawan.”Panawagan ni Bishop Mesiona sa mamamayan.

Hinihikayat naman ng Obispo ang lahat na makikibahagi sa nakatakdang plebisito at masusing suriin ang naaangkop na desisyon para sa kabutihan ng mas nakararami.

Sinabi ni Bishop Mesiona na makatutulong ang sama-samang pagninilay at pananalangin upang magkaroon ng isang ma-prinsipyong desisyon na nakabatay sa tama at ikabubuti ng lahat.

“Hinihiling ko po na sa pagpunta natin sa plebisito sa darating na Sabado ay nakagawa na po tayo ng isang maprinsipyong desisyon na galing talaga sa ating sariling paniniwala na ito ay makakabuti sa nakakarami at hindi lamang sa iilan. Hari nawang kayo po ay tumugon sa aking panawagan na mag-discern, gumawa ng grupo grupong pagdi-discern para pagdasalan kung ano ang tama, ano ang ikabubuti sa lahat, sa nakakarami.”pakiusap ni Bishop Mesiona.

Samantala, ibinahagi rin ng Obispo ang pagsisikap ng Apostolic Vicariate of Puerto Princesa na makapangangalap ng mga volunteers na magsisilbi bilang bahagi ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) sa lalawigan.

Ayon kay Bishop Mesiona, mahalaga na magkaroon din ng tagapag-bantay ang Simbahan upang matiyak na maging maayos, malinis at mapayapa ang nakatakdang plebisito sa Palawan.

“Dahil nga sa nalalapit na plebisito, yan ang pinagtuunan ng pansin ngayon. Kami naman dito sa bikaryato ng Puerto Prinsesa ay sinikap naming magtatag ng PPCRV volunteers.” Pagbabahagi ni Bishop Mesiona.

Nakatakda ang plebisito sa ika-13 ng Marso kung saan manu-mano ang magiging sistema ng pagboto sa pamamagitan ng pagsusulat ng salitang “No” o “Hindi” kung nais na hindi mahati probinsya ng Palawan at “Yes” o “Oo” naman kung pabor sa paglilikha ng tatlong probinsya sa Palawan at pagtatatag ng Palawan del Norte, Palawan Oriental at Palawan del Sur.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Itigil ang pagdanak ng dugo

 25,866 total views

 25,866 total views Mga Kapanalig, 19 na katao ang pinagpapatay sa bayan ng Taboso sa Negros Occidental noong ika-19 ng Abril.  Mahigit anim na raang residente

Read More »

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 50,182 total views

 50,182 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 85,972 total views

 85,972 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Mga tambakang punô ng panganib

 127,379 total views

 127,379 total views Mga Kapanalig, mahigit isang linggo na ang nakaraan ng simulang mabalot ng usok o haze ang ilang bahagi ng Metro Manila at Bulacan.

Read More »

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 178,958 total views

 178,958 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top