324 total views
Hinihikayat ni Bishop Pabillo ang lahat na pahalagahan ang mundo na kaisa-isang tahanang ibinigay ng Diyos sa sangnilikha.
“Ito po’y celebration natin upang bigyang halaga ang ating inang kalikasan, ang ating mundo, ang kaisa-isang tahanan na ibinigay sa atin ng Diyos,” mensahe ni Bishop Pabillo sa Radio Veritas.
Ipagdiriwang sa ika-27 ng Marso ang ika-14 na taon ng Earth Hour sa iba’t-ibang bahagi ng bansa at mundo.
Tampok sa Earth Hour ang pagpatay ng mga ilaw at de-kuryenteng gamit sa loob ng isang oras upang bigyang pagkakataong makapagpahinga ang kalikasan.
Hinikayat din ni Bishop Pabillo ang lahat na antabayanan ang Special Programming ng Radio Veritas na “Ang Banal na Oras para sa Kalikasan” mula alas-8 hanggang alas-10 ng gabi, bilang pakikiisa ng himpilan sa paggunita sa Earth Hour.
“Let us also join in the programs of Radio Veritas to become more aware of the gift of the earth that has been given to us. At the same time, to become more committed to take care of this beautiful home that God has graced us with,” paanyaya ni Bishop Pabillo.
Ang Earth Hour ay inisyatibo ng grupong World Wide Fund for Nature-isang international non-government organization na nagsusulong ng pangangalaga sa kalikasan.
Taong 2007 nang unang isagawa ang programa sa Sydney, Australia, at 2008 nang ilunsad ito sa Pilipinas.