Ibalik ang dangal ng manggagawang Pinoy

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 736 total reads

Mga Kapanalig, hindi na nakagugulat ang iniulat ng Philippine Statictics Authority (o PSA) noong nakaraang linggo na umabot sa 10.3% ang unemployment rate sa bansa. Katumbas ito ng halos 4.5 milyong Pilipino na walang trabaho noong 2020. Ito na ang pinakamataas na unemployment rate sa bansa sa loob ng mahigit isang dekada.

Eksaktong isang taon ngayong araw nang nagsimulang isailalim ang buong Luzon sa lockdown o kung tawagin ng pamahalaan ay community quarantine upang pigilan ang pagkalat ng COVID-19. Sinundan ito ng lockdown sa mas marami pang lugar sa bansa. Sa kabila nito, tumataas pa rin ang bilang ng kaso ng COVID-19 dito sa ating bansa habang ang ekonomiya natin at ang kabuhayan ng ating mga kababayan ay walang katiyakan. Kahit na isa sa bawat limang Pilipino edad 15 taóng gulang pataas ay mayroong trabaho o kaya ay aktibong naghahanap ng trabaho, umakyat pa rin ang underemployment rate, o ang bilang ng mga taong naghahanap pa ng karagdagang trabaho. Mula sa 13.8% noong 2019, umakyat ito sa 16.2%. Ang mga manggagawa sa services sector, katulad ng mga drivers, security guards, cashiers, at construction workers, ang bumubuo sa pinakamalaking porsyento ng mga manggagawa, at sila rin ang pinakamatinding tinamaan noong panahon ng ECQ o enhanced community quarantine nang nagsara ang maraming negosyo.



Alam nating ang lakas-paggawa ng mga manggagawang Pinoy ang haligi ng ating ekonomiya, lalo na’t 56.2% ng ating gross domestic product o kabuuang lokal na produksyon ay nagmumula sa services sector. Kaya’t nakalulungkot ang pahayag ng Malacañang para sa ating mga manggagawa na hindi kasama sa mga opsyon ang pagbibigay ng ayuda sa kanila. Sa halip na ayuda, tuluyang bubuksan na raw ang ekonomiya, papahintulutan nang makalabas ang mas marami, at daragdagan ang bilang ng pampublikong transportasyon. Dagdag pa ni Secretary Harry Roque, sa pagsisimula ng rollout ng bakuna laban sa COVID-19, tuluyan nang maipatutupad ang recovery package na plano ng pamahalaan. Nasaan kaya sa planong iyon ang ating mga manggagawa?

Para sa karamihan ng mga manggagawa, ang sahod na kanilang natatanggap ay hindi lamang para sa kanilang mga sarili ngunit para sa kanilang mga pamilyang binubuhay, mga anak na pinag-aaral, at maaaring gamot o bitamina sa mga maysakit at nakatatanda. Hindi mahihintay ng mga pangangailangang ito ang pagbangon ang ekonomiya upang matugunan. Hindi kayâ dapat bigyang-proteksyon muna ang mga manggagawa upang hindi sila tuluyang mawalan ng trabaho at mamuhunan sa mga naghahanap ng trabaho upang tuluyang makabangon ang ating ekonomiya? Kung tunay ngang whole of society approach ang balangkas ng mga hakbang ng pamahalaan, dapat pag-isipan ang karampatang programa para ibalik ang dangal ng ating mga manggagawang Pinoy, hindi lamang sa pamamagitan ng ayuda, ngunit maging sa social protection katulad ng unemployment insurance para sa mga nasa services sector.

Kinikilala ng Catholic social teaching na ang dangal ng paggawa o dignity of human work ay higit sa pagkakaroon ng hanapbuhay. Sabi nga ni Pope St. John Paul II sa Laborem Exercens, ang pangunahin at orihinal na layunin ng Diyos sa paglalang Niya sa tao sa kaniyang imahe ay ang paggawa. Sinabi sa Genesis 3:19, “sa pagod at pawis pagkain mo’y manggagaling”. Dito nagmumula ang ating tungkuling pangalagaan at pagyamanin ang mundong ipinagbilin sa atin. Kaya kinakailangang itaguyod ang karapatan ng mga manggagawa, bilang mga taong may dignidad, sa patas na pasahod at wastong benepisyo, gaya ng ayuda sa panahon ng krisis.

Mga Kapanalig, sa gitna ng pandemya, ang paggawa ay hindi lamang magtataguyod sa ating pamilya, komunidad, at bansa. Ito rin ay patuloy na pakikilahok sa gawain ng Diyos upang pagyamanin ang kanyang mga biyaya. Ito ang dangal ng ating paggawa.

Sumainyo ang katotohanan.

RCAM, magsasanay ng emergency management

 20,574 total reads

 20,574 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 20,701 total reads

 20,701 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bunga ng araw-araw na karahasan

 37,128 total reads

 37,128 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 93,534 total reads

 93,534 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 217,035 total reads

 217,035 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 300,598 total reads

 300,598 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Bunga ng araw-araw na karahasan

 37,129 total reads

 37,129 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 93,535 total reads

 93,535 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 217,036 total reads

 217,036 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »
Scroll to Top