Pandemya at Climate Change

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 644 total reads

Kagyat ang pangangailangan para sa maayos at saktong tugon sa krisis ng pandemya na bumabalot sa bansa ngayon. Sumirit na naman ang dami ng COVID 19 infections sa bayan, at dahil kaunti pa lamang ang bakuna, malabong bumaba ang bilang nito kung status quo lamang ang gagawin din.

Pero kapanalig, may mga iba pang problema ang bayan na kailangan din ng kagyat o urgent na solusyon. Ang pinakamatingkad dito ay ang climate change. Kapanalig, ang mga epekto ng climate change sa buong mundo ay hindi natin maaring ipag-walang bahala. Ang mga impact nito ay maaring magdulot ng extinction event – isang pangyayaring maaring lumipol sa sangkatauhan.

Nitong nakaraang taon, naranasan natin sandali ang malinis na simoy ng hangin at maaliwalas na kalawakan. Dahil sa mga lockdowns na dulot ng pandemya, nabawasan ang mga emisyon ng tao sa kalawakan. Ayon sa World Meteorological Organization (WMO), bumaba ng halos 17% kada araw ang emisyon sa buong mundo noong April 2020.



Kaya lamang kapanalig, kahit pa nabawasan ang emisyon, nakipagtunggali pa rin ang 2020 sa ibang taon para sa 1st place ng pinaka-mainit na taon na natala sa daigdig. Ayon sa WMO, ang 2016 ang pinaka-mainit on record, at sumunod dito ang 2020. At ang mga taon mula 2016 hanggang 2019 ang may pinakamalaking konsentrasyon ng carbon dioxide sa ating kasaysayan.

Ang pandemya at ang climate change ay parang nagsanib ng pwersa noong 2020 sa ating bayan. Hindi ba’t sinabayan ng bagyong Ulysses ang COVID 19 noong nakaraang taon? Kung hindi natin bibigyan ng sabay na atensyon ang mga isyung ito, mas magiging mahirap sa kalaunan para sa ating lahat.

Kapanalig, kahit tayo ay maliit at mahirap na bansa, marami pa rin tayong  magagawa upang masugpo hindi lamang ang paglaganap ng sakit kundi ang paglaganap din ng climate change. May akmang pahayag mula sa Global Climate Change: A Plea for Dialogue, Prudence, and the Common Good ng US Catholic Bishops. Ayon sa kanila: True stewardship requires changes in human actions.

Kapanalig, mahirap man, sa atin magmumula ang pagbabago. Para sa pandemya, ibayong pag-iingat ang kailangan at ang tuloy-tuloy na pagpapa-alala sa pamahalaan ng kanilang responsibilidad. Para sa climate change, ang internasyonal na kooperasyon at ang tuloy-tuloy na pagyakag sa mga bansa, lalo na sa mga highly-industrialized countries, na kumilos na. Lahat tayo dito ay may taya. At kung hindi tayo sabayang kikilos para sa ikakabuti ng lahat, mag-uunahan lamang ang mga natural na sakuna at mga sakit upang pahirapan, at sa kalaunan, lipulin, ang sangkatauhan.

Sumainyo ang Katotohanan.

Baby Bishop course sa Vatican, nagsimula na

 37,471 total reads

 37,471 total reads Ibinahagi ni Radio Veritas Vatican Correspondent Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston, Rector ng Pontificio Collegio Filipino sa Roma ang pagsisimula ng formation course

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 189,552 total reads

 189,552 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 224,226 total reads

 224,226 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 240,126 total reads

 240,126 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 276,613 total reads

 276,613 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 283,845 total reads

 283,845 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kahirapan sa bansa

 189,553 total reads

 189,553 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 224,227 total reads

 224,227 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 240,127 total reads

 240,127 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 276,614 total reads

 276,614 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »
Scroll to Top