Mamamayan, pinag-iingat ng Simbahan ngayong Semana Santa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 924 total reads

Hinimok ni Tuguegarao Archbishop Ricardo Baccay ang mananampalataya na maging maingat at responsable ngayong Semana Santa sa banta ng coronavirus disease.

Sa inilabas na liham sirkular, sinabi ng Arsobispo na patuloy lamang sundin ang mga health protocol at igalang ang mga iniuutos ng mga otoridad para sa kaligtasan laban sa virus.

“Let us be prudent and responsible in our celebrations of the Holy Week by safeguarding our health and respecting prescriptions from the authorities,” bahagi ng liham sirkular ni Archbishop Baccay para sa paggunita ng Semana Santa sa Arkidiyosesis ng Tuguegarao.

Bahagi ng sirkular ang iba’t-ibang panuntunan ng Arkidiyosesis para sa paggunita sa Semana Santa na gagawing simple at maringal dahil sa patuloy na epekto ng krisis pangkalusugan.

Umaasa naman ang Arsobispo na ang iba’t-ibang pagninilay ngayong Kuwaresma ay matiyak ang makabuluhang paggunita sa mga banal na misteryo habang isinasaalang-alang ang kalusugan at ikabubuti ng buong mamamayan.

“I am optimistic that our sincere reflections on this Lenten journey will ensure a celebration of the sacred mysteries in the most effective and meaningful way possible for our communities, while respecting the common good and public health,” ayon kay Archbishop Baccay.

Bahagi ng mensahe ng Kanyang Kabanalan Francisco ngayong Kuwaresma ang higit na pagpapasigla sa pananampalataya at pagkakawanggawa sa mga nangangailangan na mahalagang tugon sa patuloy na pagharap ng daigdig sa krisis na dulot ng COVID-19 pandemic.

RCAM, magsasanay ng emergency management

 22,273 total reads

 22,273 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 22,400 total reads

 22,400 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bunga ng araw-araw na karahasan

 39,790 total reads

 39,790 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 96,196 total reads

 96,196 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 219,697 total reads

 219,697 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 303,097 total reads

 303,097 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 176,075 total reads

 176,075 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top