Pandemya at Climate Change

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 699 total reads

Kagyat ang pangangailangan para sa maayos at saktong tugon sa krisis ng pandemya na bumabalot sa bansa ngayon. Sumirit na naman ang dami ng COVID 19 infections sa bayan, at dahil kaunti pa lamang ang bakuna, malabong bumaba ang bilang nito kung status quo lamang ang gagawin din.

Pero kapanalig, may mga iba pang problema ang bayan na kailangan din ng kagyat o urgent na solusyon. Ang pinakamatingkad dito ay ang climate change. Kapanalig, ang mga epekto ng climate change sa buong mundo ay hindi natin maaring ipag-walang bahala. Ang mga impact nito ay maaring magdulot ng extinction event – isang pangyayaring maaring lumipol sa sangkatauhan.

Nitong nakaraang taon, naranasan natin sandali ang malinis na simoy ng hangin at maaliwalas na kalawakan. Dahil sa mga lockdowns na dulot ng pandemya, nabawasan ang mga emisyon ng tao sa kalawakan. Ayon sa World Meteorological Organization (WMO), bumaba ng halos 17% kada araw ang emisyon sa buong mundo noong April 2020.



Kaya lamang kapanalig, kahit pa nabawasan ang emisyon, nakipagtunggali pa rin ang 2020 sa ibang taon para sa 1st place ng pinaka-mainit na taon na natala sa daigdig. Ayon sa WMO, ang 2016 ang pinaka-mainit on record, at sumunod dito ang 2020. At ang mga taon mula 2016 hanggang 2019 ang may pinakamalaking konsentrasyon ng carbon dioxide sa ating kasaysayan.

Ang pandemya at ang climate change ay parang nagsanib ng pwersa noong 2020 sa ating bayan. Hindi ba’t sinabayan ng bagyong Ulysses ang COVID 19 noong nakaraang taon? Kung hindi natin bibigyan ng sabay na atensyon ang mga isyung ito, mas magiging mahirap sa kalaunan para sa ating lahat.

Kapanalig, kahit tayo ay maliit at mahirap na bansa, marami pa rin tayong  magagawa upang masugpo hindi lamang ang paglaganap ng sakit kundi ang paglaganap din ng climate change. May akmang pahayag mula sa Global Climate Change: A Plea for Dialogue, Prudence, and the Common Good ng US Catholic Bishops. Ayon sa kanila: True stewardship requires changes in human actions.

Kapanalig, mahirap man, sa atin magmumula ang pagbabago. Para sa pandemya, ibayong pag-iingat ang kailangan at ang tuloy-tuloy na pagpapa-alala sa pamahalaan ng kanilang responsibilidad. Para sa climate change, ang internasyonal na kooperasyon at ang tuloy-tuloy na pagyakag sa mga bansa, lalo na sa mga highly-industrialized countries, na kumilos na. Lahat tayo dito ay may taya. At kung hindi tayo sabayang kikilos para sa ikakabuti ng lahat, mag-uunahan lamang ang mga natural na sakuna at mga sakit upang pahirapan, at sa kalaunan, lipulin, ang sangkatauhan.

Sumainyo ang Katotohanan.

RCAM, magsasanay ng emergency management

 21,386 total reads

 21,386 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 21,513 total reads

 21,513 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bunga ng araw-araw na karahasan

 38,453 total reads

 38,453 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 94,859 total reads

 94,859 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 218,360 total reads

 218,360 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 301,837 total reads

 301,837 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Bunga ng araw-araw na karahasan

 38,454 total reads

 38,454 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 94,860 total reads

 94,860 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 218,361 total reads

 218,361 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »
Scroll to Top