Lugaw sa Biyernes Santo | Lawiswis ng Salita ni P. Nicanor F. Lalog II

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 368 total views

Kung mayroon mang higit na malungkot
ngayong Biyernes Santo
habang tayo ay muling binalot
saka pinalaot sa gitna ng bulok
at kawalang sistema sa pandemya
noon pa, iyan ay tiyak walang dili iba
kungdi si Hesus na ating Panginoon
at Manunubos; marahil hindi Niya maubos
isipin sa gitna ng masasamang nangyayari sa atin
mas binibigyang pansin ng maraming hangal
sa ating pamahalaan mga bagay-bagay
kay daling isipin habang mga paksa 
nagiging usapin dahil sa pagsisinungaling!
Ngayong Biyernes Santo
araw ng pag-aayuno 
upang ating mapagtanto
Panginoong Hesus ay naririto
sa ating pagtitiis ng kagutuman
nalilinis ang puso at kalooban 
nawawalan ng laman
upang tayo ay mapunan 
ng Diyos ng kanyang kabanalan;
kay laking kahibangan
lalo ng mga nasa kapangyarihan
kalimutan at talikuran tuluyan
mga payak at aba, lugaw ang kumakatawan!
Pinakamalungkot pa rin 
ngayong Biyernes Santo
ang Panginoong Hesu-Kristo
dahil katulad niya noon
patuloy pangungutya sa kapwa
lahat hinahamak at minamaliit
gayong kanilang mga isipan 
ang walang laman, sadyang
mapupurol at makikitid
na hindi nababatid 
ang tao na higit na dakila
hindi masalita, nakikilala sa
busilak ng kanilang puso at diwa.
Huwag nating kalimutan
bago sumapit ang Biyernes Santo
noong gabing ipagkanulo si Kristo
pinili niyang walang hanggang tanda
ng kanyang kapanatilihan sa atin
tinapay na walang lebadura
na alalaong-baga sa atin dito sa Asya
kapantay ay lugaw na siyang inihahain
sa mga panahong alanganin
ito ang kinakain upang maging sapin
sa tiyan na dumaraing sa maraming hinaing
di lamang sa gutom kungdi pati
kawalan ng mga pumapansin.
Alalahanin tuwing ikaw ay kumakain
nitong paborito nating pagkain
lugaw marahil ang hihilingin
ni Hesus na Panginoong natin;
napakadaling pakisamahan
lasap kanyang linamnam
hindi maselang lutuin
walang ulam na aalalahanin
ano man maaring isahog at i-pares
sarap at ginhawang walang kaparis
kaya nakakainis mga nagmamalinis
sana'y umalis na
dahil sila ang mga panis!
Salamat sa mga taong simple at payak, maasahan kailanman tulad ng lugaw: mahalaga at mainam sa katawan!

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lights! Camera! Action?

 58,965 total views

 58,965 total views Mga Kapanalig, napunô ng comedy, drama, action, at suspense ang Senado noong isang linggo. Tila eksena sa game show ang pagtakbo ni Senador

Read More »

Ang fourth estate

 183,376 total views

 183,376 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 225,357 total views

 225,357 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 302,423 total views

 302,423 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

RECONNECTED

 6,326 total views

 6,326 total views Gospel Reading for May 16, 2026 – John 16: 23b-28 RECONNECTED Jesus said to his disciples: “Amen, amen, I say to you, whatever

Read More »

What must I do?

 11,214 total views

 11,214 total views Lord My Chef Daily Recipe for the Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II Tuesday in the Sixth Week of Easter, 12 May

Read More »
Scroll to Top