Kalupitan sa gitna ng pandemya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 580 total reads

Mga Kapanalig, sa gitna ng nagpapatuloy pa ring pandemya na banta sa kalusugan at sa harap ng kalbaryong pinapasan ng mahihirap dahil sa kakulangan o kawalan ng hanapbuhay at kabuhayan, nagagawa pa rin ng pamahalaang itaboy ang mga maralitang tagalungsod mula sa kanilang mga tirahan.

Malakas na ang loob ng mga lokal na pamahalaang palayasin sa kanilang tirahan ang mga tinatawag nating informal settler families matapos tapusin ng Department of the Interior and Local Government (o DILG) ang moratorium o pansamantalang pagpapahinto sa demolisyon ng mga tirahan at ebiksyon ng mga maralitang tagalungsod. Noong Abril 2020, naglabas ang DILG ng isang memorandum circular na ipinagbabawal ang demolition at eviction habang umiiral ang enhanced community quarantine (o ECQ) at nasa ilalim ang buong bansa ng state of national emergency.



Ngunit dahil daw niluwagan na nitong nakaraang buwan ang mga restrictions, binawi na nga DILG ang memorandum circular. Layunin daw nitong iligtas ang mga pamilyang naninirahan sa mga delikadong lugar katulad ng mga tabing-ilog at estero. Nakatanggap din daw ang ahensya ng mga report na maraming nagpatayo ng kanilang barong-barong sa mga itinuturing na “danger areas” habang may pandemya.

Gayunman, kahit pa epektibo pa ang memorandum circular ng DILG, nagkaroon pa rin ng pagpapalayas sa mga informal settler families. Gaya na lamang noong Enero sa lungsod ng Parañaque kung saan mahigit 50 pamilya sa isang komunidad sa baybayin ng Manila Bay ang nawalan ng tirahan dahil ang lupang kinatitirikan ng kanilang mga bahay ay gagamitin na para sa expansion ng Light Rail Transit (o LRT). Ayon sa ibang sources, ang pagpapaalis sa mga pamilya ay para bigyang-daan ang C5 Southlink Expressway Project, at sila ay planong ilipat ng National Housing Authority (o NHA) sa isang relokasyon sa Naic, Cavite na lubhang napakalayo para sa mga manggagawang arawan ang kinita sa Metro Manila. Noong una ay namalagi ang mga pinalayas na pamilya sa isang gymnasium ngunit kalaunan ay pinaalis din. Hanggang ngayon, may ilan sa kanilang pansamantalang naninirahan sa gilid ng kalsada.

Kung tunay na may malasakit ang ating pamahalaan sa mahihirap nating kababayan, bakit pumayag itong ituloy ang pagpapalayas sa mga pamilyang naghihikahos pa rin dahil sa pandemya? Laging isinisisi ng pamahalaan sa mga tao ang muling pagtaas ng mga kaso ng nagpopositibo sa COVID-19 dahil hindi sila nananatili sa loob ng kanilang mga bahay, ngunit ang pamahalaan din mismo ang gumigiba sa mga tirahan ng mga maralitang tagalungsod. Hindi na nga binibigyan ng ayuda ang mga pamilyang walang kakayanang pakainin nang maayos ang kanilang mga anak, walang kakayanang bayaran ang kanilang mga pang-araw-araw na gastusin, at walang kakayanang iraos ang isang araw, tinatanggalan pa sila ng masisilungan. At asahan nating sa pag-aalis ng moratorium at sa kagustuhan ng pamahalaang masimulan ang mga proyektong pang-imprastraktura nito, dadami ang magiging biktima ng kawalang-katarungang sinasalamin ng ebiksyon at demolisyon.



Salungat ang ginagawang ito ng ating pamahalaan sa kalooban ng Diyos. Sa Catholic social teaching na Fratelli Tutti, itinuturing ni Pope Francis ang kalupitan sa mahihirap bilang bahagi ng isang “throwaway world”, isang mundong hindi na kumikilala sa angking dangal at halaga ng mga tao. Sa mundong ito, hindi nakikita ang mga tao—lalo na ang mahihirap—bilang karapat-dapat na kalingain at igalang. At ang hinihingi ng ganitong lipunan ang mga patakarang kasama at para sa mahihirap. Paano natin masasabing kasama at para sa mahihirap ang isang kautusang nagpapalayas sa kanila sa gitna ng pandemya?

Mga Kapanalig, wika nga sa Mga Awit 82:3-4, “Bigyan ninyong katarungan ang mahina…, at huwag ninyong aapihin ang mahirap at may dusa. Ang marapat na tulunga’y ang mahina at mahirap, sa kamay ng masasama sila’y dapat na iligtas!”

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 93,236 total reads

 93,236 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 170,402 total reads

 170,402 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 203,850 total reads

 203,850 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 239,149 total reads

 239,149 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 462,047 total reads

 462,047 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

WALANG KAHIHIYAN

 93,237 total reads

 93,237 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 170,403 total reads

 170,403 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 203,851 total reads

 203,851 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 239,150 total reads

 239,150 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »
Scroll to Top