Quiapo church, ini-alay ang pagkilalang iginawad ng Catholic Social Media Awards sa mga deboto ng Poong Hesus Nazareno

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 779 total views

Isang hamon sa pamunuan ng Minor Basilica of the Black Nazarene o Quiapo Church ang pagkilalang iginawad ng Catholic Social Media Awards 2020 na Best Parish Facebook Page upang higit pang pag-ibayuhin ang pagiging daluyan ng ebanghelyo ng Simbahan lalo na ngayong panahon ng pandemya.

Ayon kay Msgr. Hernando “Ding” Coronel – Rector at Parish Priest ng Quiapo Church, kaisa ang lahat ng mga deboto at mga mananamapalataya ng Mahal na Poong Hesus Nazareno sa karangalan at responsibilidad na kaakibat ng pagkilala sa pagbabahagi ng Salita ng Diyos lalo na sa pamamagitan ng social media.

“Nakatanggap po tayo ng award mula sa Catholic Social Media Awards 2020 at ang napanalunan po natin tagumpay po natin lahat ito ay Best Parish Facebook Page, Best Parish Facebook Page karangalan ito at responsibilidad at tayong lahat kasama dito kasi napakalaki po ng ating komunidad na sumusubaybay sa pamamagitan ng Social Media.” pahayag ni Msgr. Hernando “Ding” Coronel.

Ibinahagi ni Msgr. Coronel na bago lumaganap ang COVID-19 pandemic sa bansa ay mayroon lamang halos isang milyong Facebook followers ang Facebook page ng Quiapo Church na umabot sa mahigit tatlong followers ngayong panahon ng pandemya.

Ipinaliwanag ng Pari na ang pagkilala ng Catholic Social Media Awards 2020 sa Quiapo Church bilang Best Parish Facebook Page ay isa ring patunay sa kapangyarihan ng sama-samang taimtim na pananalangin ng bawat mananamapalataya maging sa gitna ng mga limitasyon at sa pamamagitan ng makabagong pamamaraan.

“Ang ating followers sa Facebook bago ang pandemya kulang kulang isang milyon ngayon tatlong milyon at mga nagmamahal, naglilingkod sa Senior [Mahal na Poong Hesus Nazareno] kaya yung mga dasal natin sa isa’t isa napapakinggan kung tayo ay nagtutulong tulong, iba ang positibong lakas ng dasal kung pinagbigkis bigkis sa harap niya, iba na talaga ang Facebook, iba na ang Social Media.” Dagdag pa ni Msgr. Coronel.

Unang nanawagan at hinimok ng Kanyang Kabanalan Francisco ang bawat isa na gamitin sa mas makabuluyang pamamaraan at pagpapalaganap ng ebanghelyo ang mga modernong gadget partikular na ang internet at social media na dapat ituring na isang pambihirang biyaya ng Panginoon para sa pakikipagkumunikasyon.

Sa isang dokumento ng Vatican na may titulong Church and the Internet, sinasabing mahalagang magamit din ng Simbahan ang makabagong teknolohiya tulad ng internet para ipahayag ang misyon at Mabuting Balita ng Panginoon.

Sa tala mula sa mahigit 100-milyong populasyon ng Pilipinas may tinatayang 47-milyon ang active Facebook users sa buong bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 110,320 total views

 110,320 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 140,542 total views

 140,542 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 167,190 total views

 167,190 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 262,163 total views

 262,163 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 276,034 total views

 276,034 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top