Mundo Ay Paunlarin at Alagaan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 411 total reads

Inaanyayahan ang sambayanang Filipino na maging mabuting tagapangalaga at tagapamahala ng kalikasan sa pagsisimula ng panahon ng paglikha o Season of Creation kahapon a-uno ng Setyembre 2016.

Ang selebrasyon ay pormal na binuksan sa pamamagitan ng isang banal na misa sa pangunguna ni Diocese of Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani Jr. Sa Immaculate Concepcion Cathedral sa Diocese of Cubao.

Ang pagdiriwang ng “season of creation” ay pinangunahan ng Radio Veritas, Global Catholic Climate Movement kaisa ang Ecological Justice Interfaith Movement, Franciscan Missionaries, CBCP NASSA/Caritas Philippines at Archdiocese of Manila Ecology Ministry and Disaster Response.

Sa banal na misa binigyang diin ni Bishop Bacani ang malaking pagmamahal ng Panginoon sa tao sapagkat hindi lamang mga rosas at maliit na hardin ang ipinagkaloob nito kundi ang buong sanlibutan upang maging ating tahanan na nagbibigay ng bawat pangangailangan ng tao.

“Magsaya tayo sapagkat alam nating minamahal tayo ng Diyos, hindi lang isang bungkos ng rosas ang ibinigay nya sa atin, binigyan nya tayo ng Fire, Water, Wind, Earth, binigyan nya tayo ng buong mundo. Hindi lang isang hardin, kundi mga bukirin, mga lupain, mga bundok, mga dagat. Alam ba ninyo kung bakit ibinigay sa atin? Sapagkat mahal tayo ng Diyos,” ang bahagi ng homilya ni Bp. Bacani, sa misa ng Season of Creation.

Sa huli, hinimok ng Obispo ang bawat isa na huwag lamang puro pananalangin, bagkus ay maging instrumento ang bawat tao sa pagpapaunlad at pangangalaga ng mundo.

Ibinahagi pa ni Bp. Bacani na palaging tandaan ang kahulugan ng MAPA.

“Pagdating sa mundo tandaan ninyo, MAPA… Mundo Ay Paunlarin, Alagaan… Manalangin tayo, at sabi nasa [nga], Diyos ang awa nasa tao ang gawa, Mundo Ay Paunlarin [at] Alagaan sa tulong ng Panginoon.”

Ang Season of Creation ay taunang ipinagdiriwang simula September 1 hanggang October 4.

Sa panahong ito tinatawagan ang 2.2 bilyong mga Kristiyano na manalangin at magbalik loob sa Panginoon sa pamamagitan ng pag-gawa ng mga kongkretong paraan na mangangalaga sa kalikasan.

Ngayong taon ang ika apat na pagdiriwang sa Season of Creation kasabay nito ang ikalawang taon ng World day of Prayer for Care of Creation o pandaigdigang araw ng Pananalangin para sa Pangangalaga sa sanilikha.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 93,632 total reads

 93,632 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 128,309 total reads

 128,309 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 152,217 total reads

 152,217 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 188,702 total reads

 188,702 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 200,978 total reads

 200,978 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 381,805 total reads

 381,805 total reads “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top