Military Ordinariate, tutugon sa month long rosary marathon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 618 total reads

Tiniyak ng Military Ordinariate of the Philippines ang pakikibahagi at pagtugon sa panawagan ng Kanyang Kabanalan Francisco na month-long Rosary Marathon o pagdarasal ng Santo Rosaryo ngayong buwan ng Mayo upang mawakasan na ang COVID-19 pandemic.

Ayon kay Military Ordinariate of the Philippines Bishop Oscar Jaime Florencio, mahalaga ang aktibong pagtugon ng lahat sa panawagang espiritwal na pagkakaisa ng Santo Papa sa pamamagitan ng pananalangin ng Santo Rosaryo.

Ibinahagi ng Obispo ang tagubilin sa mga chaplains ng iba’t-ibang puwersa ng pamahalaan upang tiyakin ang pagkikibahagi sa nasabing gawain.

“Hinihikayat din natin ang ating mga chaplains to unang-una makipag-ugnayan in terms of itong tinatawag nilang cross posting dito, kami dito I have already give an instruction because this is now the Holy Father asking for help, spiritual help through praying of the rosary”. pahayag ni Bishop Florencio sa panayam sa Radio Veritas.

Bukod sa aktibong pakikibahagi ng mga kawani ng pwersa ng pamahalaan sa nasabing Rosary Marathon laban sa COVID-19 pandemic ay hinihikayat rin ni Bishop Florencio ang mga dependents o mga kapamilya ng militar, pulis at iba pang mga ahensya na makibahagi sa pananalangin ng Santo Rosaryo.

 

[smartslider3 slider=21]

 

Sinabi ng Obispo na napapanahon lamang ang panawagan ng Santo Papa lalo na’t itinuturing din ang buwan ng Mayo bilang buwan ng Santo Rosaryo at ng Mahal na Birheng Maria.

“The prayer of the Holy Rosary is parang marathon I think kasama din ito sa ating dasal na ang ating mga chaplains at saka lahat ng mga dependents ng mga military natin and police at saka yung ibang agencies sumunod din doon, anyway it’s normal naman ito na during the month of May, the month of the Holy Rosary, the month of Mary…” Dagdag pa ni Bishop Florencio.

Pinangunahan ni Pope Francis ang pagsisimula ng month-long Rosary Marathon ngayong buwan ng Mayo kung saan inaanyayahan rin ng Santo Papa ang lahat ng mga dambana partikular na ang mga nasa pangangalaga ng Mahal na Birheng Maria o mga Marian Shrine sa buong mundo upang palaganapin ang pagdarasal ng Santo Rosaryo.

Mayroon namang 30 Marian Shrine mula sa iba’t ibang bansa ang pinili upang pangunahan kada araw ang pagdarasal ng rosaryo na kinabibilangan ng National Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage o mas kilala bilang Antipolo Cathedral sa Pilipinas.

Maaaring masubaybayan ang month-long Rosary Marathon sa pamamagitan ng livestreaming sa mga official channel ng Vatican ganap na alas-6 ng gabi oras sa Roma o alas-dose ng madaling araw sa Pilipinas.

 

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 19,655 total reads

 19,655 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 80,489 total reads

 80,489 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 165,856 total reads

 165,856 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 212,592 total reads

 212,592 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 260,463 total reads

 260,463 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 360,428 total reads

 360,428 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top