Conditional Cash Transfer, gamitin sa mga walang trabaho

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 362 total views

Iminungkahi ng Catholic Church Anti– gambling crusader sa pamahalaan na gamitin ang pondo ng Conditional Cash Transfer Program o CCT sa pagbibigay ng livelihood assistance sa mga empleyadong maaapektuhan ng pagpapasara sa mga pasugalan sa bansa.

Ayon kay dating CBCP – President at Lingayen Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz, dahil sa kawalan ng opurtunidad sa bansa ay napipilitan ang mga Pilipino na pasukin pati ang mga ilegal na trabaho sa bansa tulad ng dumaraming bilang ng E–Bingo stations maging ang ilegal na droga.

Iginiit rin ni Archbishop Cruz na talamak ang korapsyon sa mga lider ng barangay na nagpapatupad ng CCT kaya’t mainam na ilaan na lamang ito sa pagbibigay ng alternatibong trabaho sa mga apektadong manggagawa.

“Mula’t sa mula dito sa Pilipinas hindi naging sapat ang trabaho kaya naman meron tayong OFWs. Kaya sana itong administrasyon na ito konting isip, konting paraan para lumikha ng livelihood program. Yung CCT yung Conditional Cash Transfer yun ay limos at andaming korapsyon nangyayari diyan… Itong CCT gawing livelihood program at kooperatiba para trabaho hindi limos,” bahagi ng pahayag ni Archbishop Cruz sa panayam ng Veritas Patrol.

Nabatid na halos 200 ang e-bingo stations na walang license to operate mula sa Philippine Amusement and Gaming Corporation o PAGCOR ang ipasasara ngayong buwan.

Apat na e-bingo stations naman sa Quezon City ang isinasailalim sa surveillance sa hinalang ginagawa itong mga transaction site ng mga small-time drug trafficker at pugad ng prostitusyon.

Ipinabatid rin ni Archbishop Cruz na umiiral ang litanya ng bisyo sa mga nalulong sa pasugalan na tinatangkilik na rin ang iba pang uri ng bisyo tulad ng droga at pambababae.

“Talagang ang bisyo dugtong – dugtong yan, ‘litany of vices’ yan. Kapag ikaw ay nakapaloob sa isang bisyo imposibleng yung bisyo lang na iyon ang iyong isasabuhay dugtong – dugtong sila katulad ng mabuting gawa. Kapag mabuti ang gawa mo mas marami ka pang mabuting gagawin. Ang bisyo ganun rin kapag masama ang iyong gawain may masama ka pang gagawin,” paliwanag pa ni Archbishop Cruz sa Radyo Veritas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi lang ‘for the content’

 9,126 total views

 9,126 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

DUMARAMI ANG NAGUGUTOM NA PILIPINO

 183,060 total views

 183,060 total views Puro politika…puro grandstanding….political manuevering… political interest…political survival! Kapanalig, ito ang nangingibabaw ngayon na usapin sa bansa. Puro para sa kanila, lahat para sa

Read More »

FAILURE OF LEADERSHIP

 160,693 total views

 160,693 total views political dynasty ay maituturing na “shameful event” sa kasaysayan ng tinatawag na “AUGUST CHAMBER”. Kapag bahagi ka ng AUGUST CHAMBER, maituturing ka dapat

Read More »

Trabaho lang, walang personalan

 224,523 total views

 224,523 total views Mga Kapanalig, naging mainit kamakailan ang mga eksena sa Senado matapos ang tensyon sa pagitan nina Senador Robin Padilla at Senador Francis “Kiko“

Read More »

Serbisyo para kanino?

 243,667 total views

 243,667 total views Mga Kapanalig, si Senador Alan Peter Cayetano na ngayon ang bagong Senate President, kapalit ni Senador Vicente “Tito” Sotto III.  Marami sa mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 60,366 total views

 60,366 total views AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 260,076 total views

 260,076 total views CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top