Kapatawaran at pagbabagong loob, dasal ni Cardinal Tagle sa mga gumagawa ng masama

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 340 total views

Hiniling ni Manila Archbishop Luis Antonio sa Panginoon na dinggin ang mga pagtangis sa gitna ng karahasan lalo na sa naganap na pagsabog sa isang night market sa Davao City na ikinasawi ng 14 na sibilyan at ikinasugat ng 68-katao.

“Mahabaging Diyos, masdan mo po ang aming luha; dinggin mo po ang aming pagtangis sa gitna na karahasan, lalo na sa Davao. Dumating nawa po ang iyong paghahari sa amin. Sapagkat kung saan ka naghahari, namamayani ang katotohanan, katarungan, pagibig, paggalang at ganap na buhay,” panalangin ni Cardinal Tagle.

Ipinagdarasal din ni Cardinal Tagle sa Diyos ang kapatawaran ng mga nasa likod ng madugong pagpapasabog at iwaksi nila ang mga balak na masama.

“Patawarin mo po ang gumawa ng karahasan. Iwaksi nawa nila ang mga balak na masama. Ibaling mo ang kanilang puso sa mabubuting damdamin at gawain. Patawarin mo po ang naghihiganti at naghahasik ng pananakot.Patawarin mo po ang walang pakiramdam at walang ginagawa,” bahagi ng dasal ni Cardinal Tagle.

Hiniling din ng Kardinal sa Diyos na yakapin ang mga nangungulila, sugatan at mga nasawi sa pagsabog.

“Yakapin mo po ang mga nangungulila at sugatan. Yakapin mo po ang mga nasawi. Yakapin mo rin po ang nakapatay ng kapwa upang sila ay magsisi,”dasal ng Kardinal.

Lubos na nagsusumamo si Cardinal Tagle sa panginoon na iligtas ang lahat ng tao sa kasamaan at hangaring masama sa kapwa.

“Iligtas mo po kami sa lahat ng kasamaan at paghahangad ng masama. Bigyan mo kami ng kapayapaang bunga ng mabuting kalooban. Amen Inang Maria, ipanalangin mo kami,”pagtatapos ng dasal ni Cardinal Tagle.

Kaugnay nito, hiniling ni San Jose Nueva Ecija Bishop Roberto Mallari sa panginoon na pawiin ang nararamdamang pangamba at takot ng sambayanang Filipino matapos ideklara ng Pangulong Rodrigo Duterte ang “state of lawless violence” sa bansa kasunod ng pagpapasabog sa Davao.
“Panginoon,aming Ama, ikaw po ang may lalang ng lahat. Ikaw din ang nagbigay ng mga batas upang ang tamang kaayusan at kapayapaan at maranasan ng lahat.Lubos po kaming nalulungkot dahil sa pagdideklara ng state of lawless violence sa aming bansa. Marami po ang natatakot, marami ang nakakadama ng kawalan ng kapayapaan.Nilalagay po namin ang aming buhay sa iyong mapagpalang kamay sapagkat kung kami ay nasa iyong mga kamay ang lahat ng aming mga takot ay nawawala. Ikaw po ang aming Diyos kaisa ni Hesus at banal na espiritu, magpasawalang hanggan.Amen,” dasal ni Bishop Mallari.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 131,501 total views

 131,501 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 161,724 total views

 161,724 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 188,371 total views

 188,371 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 283,344 total views

 283,344 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 295,871 total views

 295,871 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 133,368 total views

 133,368 total views AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 302,363 total views

 302,363 total views CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top