Maging bahagi ng solusyon sa mga suliranin ng Pilipinas, panawagan ng IDEALS sa mga botante

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,245 total reads

Magparehistro at maging kabahagi sa pagbibigay ng solusyon sa mga problema ng Pilipinas.

Ito ang panawagan ng grupo ng mga abogado na IDEALS INC. kasabay ng patuloy na pagbubukas ng registration para sa mga Pilipino na edad 18 pataas upang makilahok sa eleksyon 2022.

Sa panayam kay Atty. Dondi Justiani sa segment na All Rights sa Caritas in Action, napakahalaga ng ating karapatan na bumoto upang maging bahagi ng solusyon sa mga suliranin ng bansa.

Ipinaliwanag ni Atty. Justiani na ang pagpaparehistro at pagboto ay isang magandang pagkakataon upang makapaghalal ng magsisilbing kinatawan ng iyong pananaw at boses sa pamahalaan.

“ito ay isang obligasyon na magparehistro at bumoto pero higit sa karapatan natin na pumili ng mamumuno isa ito sa mga paraan na makapag sabi kung ano ang solusyon sa nakikita nating problema sa lipunan kapag ikaw ay bumoto pinipili mo ang kinatawan mo sa gobyerno at sa pamamagitan nila doon ka nakikilahok sa public affairs ng iyong bansa kaya highly encourage na magpa rehistro.” Pahayag ni Atty. Justiani.

Inihayag ni Atty. Justiani na hindi dapat maging hadlang ang nararanasang pandemya upang makilahok sa 2022 national elections.

“actually very controversial kung itutuloy pa ang eleksyon pero ito po ay nakasaad sa constitution kaya masusunod pa din yung 2022 Election para siya mabago kailangan palitan yun batas considering yung time alanganin na kaya practically speaking tuloy talaga ang eleksyon.”

Sa ngayon ay sinisikap ng COMELEC na ipatupad ang online registration bagamat kinakailangan pa rin ang physical apperance sa kanilang mga tanggapan para lumagda at magbigay ng katunayan sa pagpaparehistro.

“Yun COMELEC nag effort naman sila, meron silang “I-Rehistro” doon mo i-reregister ang sarili mo ma-fill up mo yun form pero doon mo pa din siya dadalhin sa physical office ng COMELEC para doon mo pirmahan sa harap ni election officer . paliwanag ni Atty. Justiani.

Pinaalala ni Atty. Justiani na ang lahat na nasa edad 18 pataas ay maaring bumoto basta’t ito ay mamamayan ng Pilipinas sa loob ng isang taon.

Hinikayat din niya maging ang mga Overseas Filipino Workers o OFW’s na bumoto sa pamamagitan ng mga consular at Comelec Office na itinalaga sa mga bansa kung saan sila nagtatrabaho.

“meron po tayong overseas voting system kailangan lang makipag coordinate sa designated voting precinct sa abroad o sa foreign affairs office sa ibang bansa.” Dagdag pa ng abogado mula sa IDEALS Inc.

Batay sa datos ng COMELEC nasa 58 Milyong Pilipino ang nakarehistro ngayon para bumoto sa Eleksyon 2022.

Target ng Komisyon na magkaroon ng karagdagang 4 na milyong botante bago matapos ang pagpaparehistro sa Setyembre ng taong kasalukuyan.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 3,202 total reads

 3,202 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 5,108 total reads

 5,108 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 13,720 total reads

 13,720 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 51,098 total reads

 51,098 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 82,369 total reads

 82,369 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 159,032 total reads

 159,032 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 252,616 total reads

 252,616 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 100,209 total reads

 100,209 total reads Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top