Diocese of Maasin, umaapela ng tulong

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 552 total reads

Umapela ng tulong ang Diocese of Maasin sa Southern Leyte para sa kanilang mga mamamayan na naapektuhan ng Tropical Strom Dante.

Ayon kay Rev.Fr. Harlem Gozo, Social Action Director ng Diocese of Maasin, nasa halos 100 kabahayan ang nasira ng bagyong Dante sa kanilang lalawigan dahilan para mawalan ng maayos na tirahan ang mga residente.

Inihayag ni Fr.Gozo na ilan sa mga biktima ay binigyan na ng paunang tulong ng kanilang mga Parokya na mga relief goods o pagkain ngunit ang higit na suliranin ngayon ay ang pagpapatayo muli ng kanilang mga bahay.

“may mga nasira sa bahay-bahay, kailangan nila ng mga building materials, madami din sila mga nasa around a hundred, magbigay na lang muna kami dito kahit kahoy kahoy lang pero sana makapabigay din tayo para kahit para sa pako o pambubong din nila.” Pahayag ni Fr. Gozo

Sa isinagawang assessment ng Diocesan Social Action Center ng Maasin, 4 na parokya sa Maasin City ang may pinakamaraming naapektuhan ng pagbaha at pagbitak ng lupa.

Ilan sa mga nasabing parokya ang tumanggap din ng evacuees sa kasagsagan ng pananalasa ng nasabing bagyo.

Ang Parokya ng Our Lady of the Assumption sa tunga-tunga, Maasin City ang may pinakamaraming naapektuhan na residente kung saan tatlo sa kanilang Basic Ecclesial Community ang may mga nagslikas at binaha ang mga bahay.

Sa ngayon ay patuloy na nagiging abala ang mga apektadong residente upang maglinis ng kanilang mga nasirang kabahayan at makahanap ng mga patuloy pang mapapakinabanggan.

Magugunitang aktibo na nagsasagawa ng rapid assessment ang mga Social Action Center o Caritas offices ng bawat Diyosesis tuwing may mararanasan kalamidad sa kanilang mga lalawigan.

Ito ay upang agad na makapagbigay ng tulong ang Simbahan kung saan nagpapa-abot din ng pagtulong ang ibat-ibang organisasyon nito.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 2,602 total reads

 2,602 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 4,546 total reads

 4,546 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 12,852 total reads

 12,852 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 50,230 total reads

 50,230 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 81,501 total reads

 81,501 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 158,216 total reads

 158,216 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 251,840 total reads

 251,840 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 100,201 total reads

 100,201 total reads Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top