3-year death anniversary ni Fr. Richmond Nilo, inalala ng Diocese of Cabanatuan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 705 total reads

Pinangunahan ni Diocese of Cabanatuan Bishop Sufronio Bancud ang paggunita sa ikatlong anibersaryo ng maharas na pagkamatay ni Rev. Fr. Richmond Nilo.

Ayon kay Bishop Bancud, bagamat naghahatid ng kalungkutan ang kamatayan ni Fr. Nilo ay nagsisilbi naman itong isang magandang halimbawa at inspirasyon sa pagkakaroon ng matatag na buhay pananampalataya ng mga Pari at lahat ng Katoliko.

“Sa araw na ito ay ipinagdiriwang ang ikatlong taong anibersaryo ng pagkakapaslang ni Rev. Fr. Richmond Nilo at ito’y isang malungkot na alaala pero nagsilbing halimbawa at inspirasyon na tulad ng kanyang sigasig at sigla sa pananampalataya na kanyang pinanindigan at naging sanhi ng kamatayan.” pahayag ni Bishop Bancud sa panayam sa Radio Veritas.

Ayon kay Bishop Bancud, ang pag-alala sa buhay at kamatayan ni Fr. Nilo ay napapanahong paanyaya sa lahat ngayong ginugunita ang ika-500 anibersaryo ng pagdating ng pananampalatayang Kristiyano sa bansa para sa pagkakaroon ng malalim at matatag na paninindigan bilang isang binyagan.

Paliwanag ng Obispo, mahalagang pangatawanan ng bawat Kristiyano ang paninindigan sa Mabuting Balita ng Panginooon sapagkat nakaugat dito ang lakas, sigla at alab ng puso na higit na kinakailangan sa pagharap sa iba’t ibang uri ng hamon sa buhay.

Umaasa rin ang Obispo patuloy na makapagbukas ng kamalayan ang matatag at matapat na pananampalataya ni Fr. Nilo para sa mahigpit na paghawak at paninindigan ng bawat binyagang Katoliko sa Mabuting Salita ng Diyos.

Si Fr. Richmond Nilo ay binaril at napatay sa mismong tabi ng altar habang naghahanda para sa pagsasagawa ng banal na misa sa kapilya ng Nuestra Señora de la Nieve sa Zaragoza, Nueva Ecija noong ika-10 ng Hunyo taong 2018.

eMAIFIP, pinalawak ng DOH

 3,995 total reads

 3,995 total reads Pinalalawak ng Department of Health o DOH ang Electronic Medical Assistance for Indigent and Financially Incapacitated Patients o eMAIFIP upang mas maraming Pilipinong

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 27,858 total reads

 27,858 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 68,418 total reads

 68,418 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 95,014 total reads

 95,014 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 143,280 total reads

 143,280 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 164,101 total reads

 164,101 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

eMAIFIP, pinalawak ng DOH

 3,997 total reads

 3,997 total reads Pinalalawak ng Department of Health o DOH ang Electronic Medical Assistance for Indigent and Financially Incapacitated Patients o eMAIFIP upang mas maraming Pilipinong

Read More »

Mga Pari, mensahero ni kristo

 8,882 total reads

 8,882 total reads Binigyang-diin ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas na ang mga pari ay tinatawag na maging mga tagapagdala ng mensahe ni Kristo, sa kabila ng

Read More »
Scroll to Top