Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pangangailangan ng libu-libong evacuees ng Taal volcano, tinututukan ng LASAC

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 771 total views

Tinututukan ng Lipa Archdiocesan Social Action Commission ang pangangailangan ng libu-libong evacuees sa Batangas na nagsilikas dahil sa bantang pagsabog ng Taal volcano.

Inihayag ni LASAC Advocacy Officer Renbrandt Tangonan na nasa mahigit 3000 pamilya ang kasalukuyang nasa mga evacuation centers. Sinabi ni Tangonan na ito ang mga pamilya na inilikas at hindi na muling makakabalik sa Taal Volcano Island makaraang ideklara bilang Permanent Danger Zone.

“Mayroon pa rin pong higit na 3000 pamilya ang nananatili sa mga evacuation center… kada evacuation center mayroong higit 500 mga pamilyang naninirahan, close to over 1000 individuals… so ito po ay talagang minomonitor ng ating lokal na simbahan sa pamamagitan ng Social Acton Commission at gayundin po ng mga volunteers,” pagbabahagi ni Tangonan

Nakataas pa rin sa Alert level 2 ang sitwasyon ng Bulkang Taal kaya puspusan pa rin ang ginagawang paghahanda at pag-iingat ng mga residenteng nakapaligid dito.

Kaugnay nito, isang mobile application na tinatawag na TaALERT app ang nilikha upang magbigay ng impormasyon at babala sa mga residente ng Batangas sakaling muling magligalig ang Bulkang Taal.

Ayon kay TaALERT Chief Executve Officer at Founder, Drizela Sicat, ang application na ito ay nagbibigay ng mga real-time updates tungkol sa aktibidad ng bulkang Taal, kabilang na ang mga impormasyon hinggil sa paghahanda sa sakuna at mga mapanganib na lugar na dapat iwasan.

“It’s an information bank na lahat ng importanteng bulletin and events related to Taal [Volcano] ay nandito po sa TaALERT natin,” pahayag ni Sicat sa panayam sa Barangay Simbayanan.

Ipinaliwanag ni Sicat na ang TaALERT ay makakatulong din na makipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan hinggil sa mga balita at lokasyon ng evacuation centers na maaaring mapuntahan sa panahon ng sakuna, gayundin ay mayroon din itong kakayahan na malaman ang safety status at lokasyon ng mga registered users. Sinabi ni Sicat na madali lamang itong i-download at mayroong babayaran ngunit sa murang halaga lamang.

“There’s a one-time payment of 59 pesos. As of today it’s available in Google Play, hopefully in the coming days, magiging available na rin po siya sa Apple Play Store po,” saad ni Sicat.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Andaming sumasawsaw

 43,058 total views

 43,058 total views Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga naiwang pamilya ng dalawang student-athletes ng Ateneo na nalunod at namatay habang nasa isang team-building activity (na

Read More »

SINGIL SA KURYENTE

 88,781 total views

 88,781 total views Kapanalig, kahit humupa na ang sigalot sa pagitan ng Amerika at Iran, hindi pa rin tayo nakakahulagpos sa matinding pasakit na dulot ng

Read More »

SENATE GRIDLOCK

 90,991 total views

 90,991 total views Kapanalig, ang “impasse” ngayon sa Senate of the Philippines, ang labanan sa poder., sa liderato., committee chairmanships, ang talamak na grandstanding, pakikipagsabwatan ng

Read More »

Malaya pero bihag pa rin

 162,818 total views

 162,818 total views Mga Kapanalig, sa dalawang araw, ipagdiriwang natin ang Araw ng Kalayaan. Ngunit taun-taon nating tinatanong: tunay nga ba tayong malaya? Para masagot ito,

Read More »

Mga bisyong tayo rin ang may gawa

 172,184 total views

 172,184 total views Mga Kapanalig, nanawagan kamakailan ang grupong TobaccoOFF Now! na tuluyan nang ipagbawal ang mga vapes at e-cigarettes. Ang TobaccoOFF Now! ay binubuo ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top