Piliin ang mga tama at nararapat na lider

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 500 total reads

Mga Kapanalig, ipapasá-Diyos na raw ni Pangulong Duterte ang pagtakbo niya bilang bise presidente sa halalan sa taóng 2022. Ito ang naging tugon niya sa inihaing resolusyon ng kanyang partidong PDP-Laban na nagtutulak sa kanyang tumakbo bilang ikalawang pangulo ng bansa sa nasabing eleksyon.

Maraming espekulasyon ngayong tatakbong bise presidente si Pangulong Duterte upang bigyang-pagkakataong tumakbo naman bilang presidente ang kanyang dating assistant na si Senador Bong Go. Nanggaling ang haka-hakang ito sa mismong sinabi ni Senador Go na maaari siyang tumakbo kung magiging bise presidente niya si Pangulong Duterte. Hindi ipinagbabawal ng Saligang Batas ng 1987 na tumakbo bilang bise presidente sa susunod na eleksyon ang isang pangulo pagkatapos ng kanyang termino. Ngunit para sa ilang eksperto sa larangan ng politika, hindi raw mabuti para sa pagsusulong ng demokrasya ng bansa kung mangyayaring tatakbo nga bilang bise presidente si Pangulong Duterte. Kahit walang kasiguraduhang tandem nila ni Senador Go ang mananalo, ikinababahala ng mga eksperto ang tinatawag na “shadow government” kung saan si Pangulong Duterte pa rin malamang na magpapatakbo ng pamahalaan sa likod ng kanyang katambal. Isa raw dagok at paglabag sa diwa ng Konstitusyon at demokrasya ang pagtakbo sa halalan ng nasabing tandem.

Kung gagawing pamantayan ang sinasabi sa 1 Timoteo 3:1-3, ang mga namumuno, kasama na ang mga lider ng bansa, ay dapat marunong magpasya kung ano ang nararapat. Sila ay kagalang-galang, hindi marahas kundi mahinahon, hindi palaaway. Maliban sa mga nabanggit na katangian, mahalagang ang pinuno ng ating bansa ay nagtataguyod ng dignidad ng kanyang mga nasasakupan; hindi tinitingnan ang mga kababaihan bilang kasangkapan lamang, at hindi ginagawang biro ang rape. Kailangan natin ng pinunong marunong makibahagi sa isang matalino at makahulugang pag-uusap, hindi sa pag-atake sa personal na kahinaan o panlalait sa mga pumupuna sa kanya. Dapat niyang tinitiyak na napapanagot ang mga tiwali, mandarambong, at mga lumalabag sa karapatang pantao. Mahalaga ring ang lider natin ay may paggalang sa pananampalataya, at hindi ginagamit ang pangalan ng Diyos nang walang kabuluhan.

Ilang buwan na lamang at lilitaw na ang mga kakandidato sa eleksyon sa susunod na taon. Kailangan nating maging matalino at wais sa pagpili ng mga taong mamamahala ng ating bansa. Dahil demokrasya pa rin ang umiiral sa ating bayan, nasa kamay nating mga mamamayan ang pagpili ng karapat-dapat na lider ng ating bansa. Gaya ng sabi sa ensiklikal na Centesimus Annus, ginagarantiya sa isang demokrasya ang kapangyarihan ng mga mamamayang palitan ang mga pinunong hindi naging mabuti o epektibo sa kanilang pamamahala. Ibig sabihin, ang mamamayan ang may kapangyarihan at kalayaang magpasya para sa kapakanan ng nakararami, lalo na kung kitang-kitang bigô ang mga naturingang lider sa paglutas ng mga problema ng lipunan. At sa ating pagpapasya, pilitin nating pakinggan ang tinig ng Diyos na inaanyayahan tayong umayon sa Kanyang kalooban. At ang tunay na kaloob ng Diyos ay ang magkaroon ng patas at masaganang buhay ang lahat ng tao—hindi ang patayan, paglabag sa karapatang pantao, pambabastos, at pagiging abusado.

Mga Kapanalig, mahalagang may mataas tayong standards sa pagpili ng mga lider ng ating bansa dahil ang pagtakbo sa isang pampublikong posisyon, lalo na sa pagka-presidente o bise presidente, ay isang malaking responsibilidad. Malaki at mahalaga ang kanilang pananagutan sa taumbayan. Kaya naman, kailangan natin ng mga lider na may tunay na malasakit sa mahihirap, mga lider na pinahahalagahan ang dignidad at karapatan ng tao, at hindi nakakalimot sa kanilang ipinapangako.

Tandaan nating tayo ang humihirang sa mga pulitikong nasa pwesto. Mahalagang gamitin natin ang ating kalayaang piliin ang mga tama at nararapat na lider ng ating bayan.

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 61,763 total reads

 61,763 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 157,790 total reads

 157,790 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 202,058 total reads

 202,058 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 225,167 total reads

 225,167 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 297,602 total reads

 297,602 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

TRUTH AWARDS

 61,764 total reads

 61,764 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 157,791 total reads

 157,791 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 202,059 total reads

 202,059 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 225,168 total reads

 225,168 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »
Scroll to Top