Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Sambayanang Filipino, hinimok ng opisyal ng CBCP na magpabakuna na laban sa COVID 19

SHARE THE TRUTH

 240 total views

Hinihikayat ni Bayombong, Nueva Vizcaya Bishop Jose Elmer Mangalinao ang mamamayan na magpabakuna laban sa coronavirus disease.

Si Bishop Mangalinao, na siya ring Vice-Chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Permanent Committee on Public Affairs ay nakumpleto na ang ikalawang dose ng Pfizer BioNTech COVID-19 vaccine nitong Hunyo 9, 2021.

Ayon sa Obispo, bukod sa wala itong naramdamang side effects matapos na mabakunahan, nagdulot ito ng tuwa at kapanatagan sa kanyang sarili dahil mayroon na itong proteksyon laban sa COVID-19.

“Sa awa ng Diyos ay wala namang after side effects maliban sa parang mabigat ang balikat kung saan in-injection’an. Pero pagkatapos nun ay wala akong naramdamang katulad nang sa iba,” pahayag ni Bishop Mangalinao sa panayam ng Radio Veritas.

Samantala, nagpapasalamat naman sa Diyos si Bishop Mangalinao dahil mababa ang bilang ng mga positibo sa COVID-19 sa lalawigan ng Nueva Vizcaya at Quirino.

Inihayag ng Obispo na marahil ito’y dahil sa malinis at maaliwalas na kapaligiran na nagdudulot ng sariwang hangin para sa mga residente na nakatutulong upang mapigilan ang paglaganap ng virus sa dalawang lalawigan.

“Napaka-pinagpala ng probinsiya ng Quirino at Nueva Vizcaya dahil napakaganda ng kapaligiran, ng kalikasan. Dahil dito ang hangin talaga ay sariwa, ang mga puno ay nagbibigay-lilim at linis sa hangin… Ito ang nagiging daan upang mapigilan ang pagdami ng infection sa coronavirus,” saad ng Obispo.

Unang inihayag ni CBCP-President Davao Archbishop Romulo Valles ang kahandaan ng mga Obispo sa bansa na magpabakuna upang magkaroon ng tiwala ang mamamayan sa vaccine campaign ng pamahalaan.

Sa tala ng Department of Health, kasalukuyang umabot na sa 1.28-milyon ang kaso ng COVID-19 sa bansa kung saan umabot na rin sa mahigit 22-libo ang mga nasawi.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 34,968 total views

 34,968 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 46,098 total views

 46,098 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

50-PESOS WAGE HIKE

 71,459 total views

 71,459 total views 50-pisong dagdag sa arawang sahod ng mga minimum wage earners. Dapat bang matuwa ang mga manggagawang Pilipino lalu sa National Capital Region? Sa

Read More »

PRIVATIZATION

 81,830 total views

 81,830 total views Kapag palpak ang pagpapatakbo ng gobyerno at ahensiya nito sa isang public services., dahil sa kakulangan ng kakayahan., korapsyon… ang solusyon, (privatization)… isapribado

Read More »

BICAM OPEN TO PUBLIC

 102,681 total views

 102,681 total views Napakagandang hangarin at mithiin., maisakatuparan naman kaya ito? Kapanalig, ang bicameral conference committee ay binubuo ng mga mambabatas mula sa mataas at mababang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

SLP, pinaghahandaan ang ika-75 anibersaryo

 6,407 total views

 6,407 total views Pinaghahandaan na ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas ang pagdiriwang sa ika-75 anibersaryo nito sa darating na Oktubre, 2025. Ayon kay LAIKO National President

Read More »

RELATED ARTICLES

Scroll to Top