Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Paggawad ng “insignia” kay Cardinal Advincula, muling itinakda sa ika-18 ng Hunyo 2021

SHARE THE TRUTH

 260 total views

Ibinahagi ni Archdiocese of Manila Archbishop-elect Cardinal Jose Advincula na itinakda sa Hunyo 18, 2021 ang paggawad ng ‘insignia’ ng Cardinal.

Sa panayam ng Radio Veritas kay Cardinal Advincula, sinabi nitong ito ang napagkasunduang araw batay na rin sa konsultasyon ng mga eksperto at bago magtungo sa Manila ang arsobispo.

Matatandaang unang itinakda noong Mayo 28 ang ‘bestowal of red hat’ ng Cardinal ngunit ipinagpaliban dahil sumailalim sa 14-day mandatory quarantine si Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Charles John Brown makaraang dumating sa bansa mula New York City.

Itinakda ito noong Hunyo 8 subalit muling ipinagpaliban batay na rin sa rekomendasyon ng mga eksperto sa kalusugan at kaligtasang pangkalusugan ng mga dadalo dahil sa tumataas na kaso ng COVID-19 sa Capiz.

“Sana matuloy na ang bestowal ng insignia; increasing pa rin kasi ang number ng new COVID-19 cases sa Capiz,” pahayag ni Cardinal Advincula sa Radio Veritas.

Alas 3:30 ng hapon nakatakdang isasagawa ang seremonya ng paggawad ng ‘insignia’ ni Cardinal Advincula sa Immaculate Conception Metropolitan Cathedral sa Roxas City.

Nakatakda naman sa Hunyo 24, 2021 ang pagtatalaga kay Cardinal Advincula bilang ika – 33 arsobispo ng Archdiocese of Manila sa Manila Cathedral na dadaluhan ng piling panauhin bilang pagsunod sa safety health protocol.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Labanan ang structures of sin

 7,721 total views

 7,721 total views Mga Kapanalig, “bakit ako susuko?”  Ito ang pinakahuling pahayag ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa kaugnay ng posibleng pag-aresto sa kanya ng International

Read More »

Huwag palawakin ang agwat

 18,699 total views

 18,699 total views Mga Kapanalig, gaya ng inaasahan, maraming tagasuporta ni dating Pangulong Duterte ang nagtipun-tipon sa kani-kanilang lugar para kundenahin ang pag-aresto at pagdadala sa

Read More »

Sementeryo ng mga buháy

 52,150 total views

 52,150 total views Mga Kapanalig, nasa kustodiya na ngayon ng International Criminal Court (o ICC) si dating Pangulong Duterte. Ilang araw lang pagkatapos siyang ilipad patungo

Read More »

Walang education crisis?

 72,606 total views

 72,606 total views Mga Kapanalig, itinanggi ng Palasyo ng Malacañang na may education crisis sa ating bansa. May isang contestant kasi sa isang noontime show na

Read More »

Hindi sagot ang pag-unfriend

 84,025 total views

 84,025 total views Mga Kapanalig, kumusta ang inyong mga social media feed nitong nakaraang linggo? Punô ba ito ng mga balita, opinyon, o kaya naman ay

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blogs

Scroll to Top