Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Piliin ang mga tama at nararapat na lider

SHARE THE TRUTH

 182 total views

Mga Kapanalig, ipapasá-Diyos na raw ni Pangulong Duterte ang pagtakbo niya bilang bise presidente sa halalan sa taóng 2022. Ito ang naging tugon niya sa inihaing resolusyon ng kanyang partidong PDP-Laban na nagtutulak sa kanyang tumakbo bilang ikalawang pangulo ng bansa sa nasabing eleksyon.

Maraming espekulasyon ngayong tatakbong bise presidente si Pangulong Duterte upang bigyang-pagkakataong tumakbo naman bilang presidente ang kanyang dating assistant na si Senador Bong Go. Nanggaling ang haka-hakang ito sa mismong sinabi ni Senador Go na maaari siyang tumakbo kung magiging bise presidente niya si Pangulong Duterte. Hindi ipinagbabawal ng Saligang Batas ng 1987 na tumakbo bilang bise presidente sa susunod na eleksyon ang isang pangulo pagkatapos ng kanyang termino. Ngunit para sa ilang eksperto sa larangan ng politika, hindi raw mabuti para sa pagsusulong ng demokrasya ng bansa kung mangyayaring tatakbo nga bilang bise presidente si Pangulong Duterte. Kahit walang kasiguraduhang tandem nila ni Senador Go ang mananalo, ikinababahala ng mga eksperto ang tinatawag na “shadow government” kung saan si Pangulong Duterte pa rin malamang na magpapatakbo ng pamahalaan sa likod ng kanyang katambal. Isa raw dagok at paglabag sa diwa ng Konstitusyon at demokrasya ang pagtakbo sa halalan ng nasabing tandem.

Kung gagawing pamantayan ang sinasabi sa 1 Timoteo 3:1-3, ang mga namumuno, kasama na ang mga lider ng bansa, ay dapat marunong magpasya kung ano ang nararapat. Sila ay kagalang-galang, hindi marahas kundi mahinahon, hindi palaaway. Maliban sa mga nabanggit na katangian, mahalagang ang pinuno ng ating bansa ay nagtataguyod ng dignidad ng kanyang mga nasasakupan; hindi tinitingnan ang mga kababaihan bilang kasangkapan lamang, at hindi ginagawang biro ang rape. Kailangan natin ng pinunong marunong makibahagi sa isang matalino at makahulugang pag-uusap, hindi sa pag-atake sa personal na kahinaan o panlalait sa mga pumupuna sa kanya. Dapat niyang tinitiyak na napapanagot ang mga tiwali, mandarambong, at mga lumalabag sa karapatang pantao. Mahalaga ring ang lider natin ay may paggalang sa pananampalataya, at hindi ginagamit ang pangalan ng Diyos nang walang kabuluhan.

Ilang buwan na lamang at lilitaw na ang mga kakandidato sa eleksyon sa susunod na taon. Kailangan nating maging matalino at wais sa pagpili ng mga taong mamamahala ng ating bansa. Dahil demokrasya pa rin ang umiiral sa ating bayan, nasa kamay nating mga mamamayan ang pagpili ng karapat-dapat na lider ng ating bansa. Gaya ng sabi sa ensiklikal na Centesimus Annus, ginagarantiya sa isang demokrasya ang kapangyarihan ng mga mamamayang palitan ang mga pinunong hindi naging mabuti o epektibo sa kanilang pamamahala. Ibig sabihin, ang mamamayan ang may kapangyarihan at kalayaang magpasya para sa kapakanan ng nakararami, lalo na kung kitang-kitang bigô ang mga naturingang lider sa paglutas ng mga problema ng lipunan. At sa ating pagpapasya, pilitin nating pakinggan ang tinig ng Diyos na inaanyayahan tayong umayon sa Kanyang kalooban. At ang tunay na kaloob ng Diyos ay ang magkaroon ng patas at masaganang buhay ang lahat ng tao—hindi ang patayan, paglabag sa karapatang pantao, pambabastos, at pagiging abusado.

Mga Kapanalig, mahalagang may mataas tayong standards sa pagpili ng mga lider ng ating bansa dahil ang pagtakbo sa isang pampublikong posisyon, lalo na sa pagka-presidente o bise presidente, ay isang malaking responsibilidad. Malaki at mahalaga ang kanilang pananagutan sa taumbayan. Kaya naman, kailangan natin ng mga lider na may tunay na malasakit sa mahihirap, mga lider na pinahahalagahan ang dignidad at karapatan ng tao, at hindi nakakalimot sa kanilang ipinapangako.

Tandaan nating tayo ang humihirang sa mga pulitikong nasa pwesto. Mahalagang gamitin natin ang ating kalayaang piliin ang mga tama at nararapat na lider ng ating bayan.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

‘Buwis-buhay’ para sa mga PWD

 24,297 total views

 24,297 total views Mga Kapanalig, nag-viral ang PWD ramp sa isang istasyon ng EDSA Busway sa Quezon City. Sa inauguration na ginawa ng Department of Transportation at Metropolitan Manila Development Authority (o MMDA), maraming nakapansing tila masyadong matarik at madulas ang bagong rampa  para mga persons with disability (o PWD). Batay sa Batas Pambansa (o BP)

Read More »

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 31,778 total views

 31,778 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »

Green Transport

 44,918 total views

 44,918 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 50,891 total views

 50,891 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 56,644 total views

 56,644 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

‘Buwis-buhay’ para sa mga PWD

 24,298 total views

 24,298 total views Mga Kapanalig, nag-viral ang PWD ramp sa isang istasyon ng EDSA Busway sa Quezon City. Sa inauguration na ginawa ng Department of Transportation at Metropolitan Manila Development Authority (o MMDA), maraming nakapansing tila masyadong matarik at madulas ang bagong rampa  para mga persons with disability (o PWD). Batay sa Batas Pambansa (o BP)

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 31,779 total views

 31,779 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Green Transport

 44,919 total views

 44,919 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inclusive Education

 50,892 total views

 50,892 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sports at Kabataan

 56,645 total views

 56,645 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 41,846 total views

 41,846 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 42,930 total views

 42,930 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 38,311 total views

 38,311 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 50,315 total views

 50,315 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 58,357 total views

 58,357 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 49,914 total views

 49,914 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 48,339 total views

 48,339 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 50,125 total views

 50,125 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 47,050 total views

 47,050 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 61,364 total views

 61,364 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top