Simbahang Katolika sa Pilipinas, pinagpapala sa pagkakatalaga kay Cardinal Advincula bilang Arsobispo ng Archdiocese of Manila

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 630 total reads

Buong galak na binabati ng Diyosesis ng San Pablo, Laguna ang pagkakatalaga kay Kanyang Kabunyian Jose Cardinal Advincula bilang ika-33 Arsobispo ng Arkidiyosesis ng Maynila.

Ayon kay San Pablo Bishop Buenaventura Famadico, dapat na ipagpasalamat sa Diyos ang magandang biyayang ito sa sambayanang Pilipino dahil sa pagkakaloob ng bagong pastol sa Arkidiyosesis ng Maynila na gagabay sa mga mananampalataya, hindi lamang ng Arkidiyosesis kundi maging ng buong Pilipinas.

Idinadalangin ni Bishop Famadico na nawa si Cardinal Advincula ay patnubayan ng Espiritu Santo upang lubos na magampanan ang tungkuling nakasaad sa kanyang Episcopal motto na “Audiam” na nangangahulugang ito’y handang makinig sa sambayanan ng Diyos upang magabayan patungo sa Kaharian ng Poong Maykapal.

“Tayo ay magpasalamat sa Diyos sa pagpapadala ng bagong pastol sa Archdiocese of Manila at sa suffragan dioceses nito kabilang na ang Diocese of San Pablo. Nawa’y gabayan siya ng Espiritu Santo upang sa kanyang pakikinig sa tinig ng bayan ng Diyos, mapamunuan niya sila patungo sa Kaharian ng Diyos,” mensahe ni Bishop Famadico sa panayam ng Radio Veritas.

Noong Hunyo 24, 2021, pinangunahan ni Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Charles John Brown ang makasaysayang pagtatalaga kay Cardinal Advincula bilang ika-33 Arsobispo ng Arkidiyosesis ng Maynila, kasabay ng Dakilang Kapistahan ng Pagsilang ni San Juan Bautista at ika-450 anibersaryo ng pagkakatatag sa Lungsod ng Maynila at unang simbahan ng Maynila na ngayon ay ang Manila Cathedral.

Ang Arkidiyosesis ng Maynila ay ang Metropolitan See ng Ecclesiastical Province of Manila na kinabibilangan ng mga Diyosesis na sakop ng National Capital Region — ito ay ang mga Diocese ng Novaliches, Parañaque, Cubao, Kalookan, at Pasig; at apat naman mula sa mga lalawigan ng Cavite – Diocese of Imus; Rizal – Diocese of Antipolo; Bulacan – Diocese of Malolos; at Laguna – Diocese of San Pablo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 77,103 total reads

 77,103 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 155,350 total reads

 155,350 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 188,797 total reads

 188,797 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 224,094 total reads

 224,094 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 447,538 total reads

 447,538 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 157,726 total reads

 157,726 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top