Gabay at pag-asa, kailangan ng mga bata

SHARE THE TRUTH

 228 total views

Mga Kapanalig, mula nang nanumpa bilang presidente ng bansa si Pangulong Duterte at sinimulan niya ang giyera kontra droga, nag-umpisa na ang kaliwa’t kanang patayan na kinasasangkutan ng mga pulis at mga di-kilalang salarin. Simula noon, tila nawalan na ng halaga ang buhay. Hindi na nakagugulat para sa iba ang mga katawang duguan at nakahandusay sa lansangan. Nabalot ng pagdududa ang paulit-ulit na pahayag ng mga pulis na “nanlabán” ang mga suspek kaya sila binaril. Nawalan ng kredibilidad ang mga pulis bilang tagapagtanggol ng taumbayan. Napapawalang-sala ang mga nasa likod ng madugong kampanya ng administrasyon.

Kamakailan lang, isa na namang menor de edad ang napatay sa gitna ng giyera kontra-droga.

Ayon sa mga saksi, nagmamakaawa habang nakaposas at nakasubsob na sa putikan nang walang kalaban-labang binaril diumano ng mga pulis ang labing-anim na taóng gulang na si Johndy Maglinte mula sa Biñan, Laguna. May pagkakahawig ang nangyari sa kanya sa pagkakapatay kay Kian Delos Santos, 17 taong gulang, isang estudyanteng biktima rin ng anti-drug operation ng mga pulis sa Caloocan noong Agosto 2017. Bagamat inamin ng mga kaanak ni Johndy na sangkot siya sa iligal na droga, nanindigan silang walang dalang baril o anumang armas ang binata nang mangyari ang insidente. Hindi naniniwala ang mga kaanak ni Johndy sa pahayag ng pulisyang nanlabán at nakipagbarilan ang binata sa mga pulis.

Ayon sa datos ng World Organization Against Torture, umabot na sa mahigit 120 ang mga batang napatay sa loob ng apat na taong giyera kontra droga ng administrasyong Duterte. Kung hindi man sila ang mismong pinapatay o napapatay dahil nadamay sa engkuwentro, marami sa kanilang nakasaksi ng karahasan o nauulila ng kanilang magulang o tagapag-alagang biktima ng anti-drug campaign.

Kung pagpuksa sa tumataas na bilang at matitinding drug-related crimes at pagprotekta sa buhay ng mga inosente mula sa kamay ng mga taong gumagamit ng droga ang pangunahing dahilan ng administrasyon sa paglulunsad ng war on drugs, bakit tila mas nagdulot pa ito ng mas laganap na karahasan at lantarang pagbalewala sa buhay at dignidad ng mga tao? Mababasa sa Genesis 1:26-31 na ang bawat tao ay nilikhang kawangis ng Diyos. Gaya rin ng sinasabi sa panlipunang turo ng Simbahan, dapat igalang ang buhay at dignidad ng bawat tao. At bahagi ng paggalang nito ay ang karapatang hindi maparusahan hangga’t hindi napatutunayan, sa pamamagitan ng tamang proseso ng batas, na ang isang tao ay nagkasala.  Kahit pa mapatunayang maysala, may buhay at dignidad pa ring dapat itinataguyod.

Matatapos na ang termino ni Pangulong Duterte sa susunod na taon, ngunit hindi niya natupad ang pangako niyang tapusin ang problema natin sa droga sa loob ng tatlo hanggang anim na buwan. Ang mas nakadidismaya, libu-libo ang nangamatay mula nang inilunsad ang kampanya kontra droga, kabilang ang mga bata. Kailan kaya maiintindihan ng mga kasalukuyan nating lider na hindi kailanman magiging solusyon ang pagpatay upang sugpuin ang mga sinasabing problemang dulot ng droga? Kailan kaya mapagtatantong kahirapan ang isa sa mga dahilan ng paglaganap ng droga at isa ring ugat na dapat tinututukan at tinutugunan? Kailan kaya kikilalanin ng lipunan na isang isyung pangkalusugan din ang adiksyon sa droga? Ginagamot ang mga taong maysakit, hindi pinapatay. Gayundin sa mga batang nasasangkot sa droga—gabay ang kailangan ng mga batang nalilihis ng landas, hindi ang patayin sila.

Mga Kapanalig, patuloy tayong manawagan at manindigan para sa buhay, katotohanan, at katarungan, lalong-lalo na para sa mga batang itinuturing lang ng administrasyon bilang “collateral damage” at sa mga batang pinagkaitan ng pag-asang mangarap at mabuhay nang ligtas at may dignidad.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Malayo sa kumakalam na sikmura

 50,017 total views

 50,017 total views Mga Kapanalig, tinatayang aabot sa humigit-kumulang 6% ang economic growth ng Pilipinas sa unang quarter o unang tatlong buwan ng 2024. Ayon iyan kay Department of Finance Secretary Ralph Recto. Sinusukat ang paglago ng ekonomiya gamit ang tinatawag na gross domestic product (o GDP) ng bansa. Ito ang halaga ng lahat ng produkto

Read More »

Cellphone ban?

 55,435 total views

 55,435 total views Mga Kapanalig, una nang pinlano ni Senador Sherwin Gatchalian na maghain ng isang panukalang batas na magbabawal sa mga estudyanteng gamitin ang kanilang cellphone habang nasa paaralan. Pero bago pa man ito maisabatas, hinimok niya ang Department of Education na magpalabas ng isang order para i-ban ang paggamit ng mga estudyante ng cellphone.

Read More »

Damay ang medical profession

 62,142 total views

 62,142 total views Mga Kapanalig, pamilyar sa atin ang kuwento ng Mabuting Samaritano o Good Samaritan sa Lucas 10:25-37. Isang Samaritano ang tumulong sa isang lalaking naglalakbay na “hinubaran, binugbog, at iniwang halos patay na” ng mga tulisan. Binigyan niya ang lalaki ng paunang lunas at saka inihatid sa isang bahay-panuluyan upang maalagaan siya roon. Hindi

Read More »

Manggagawang Pilipino

 76,935 total views

 76,935 total views Kapag buwan ng Mayo, ang unang bungad sa atin, kapanalig, ay ang labor day. Marapat lamang na ating tingnan ang maraming mga hamon na kinakaharap ng ating mga manggagawa. Sa kanilang mga balikat nakalagak ang ekonomiya ng ating bayan. Alam niyo kapanalig, ang isa sa mga perennial issues ng labor sector ay ang

Read More »

Malnutrisyon

 83,091 total views

 83,091 total views Kapanalig, kapag usapang malnutrisyon, ang ating unang naiisip ay kapayatan at gutom. Ang larawan na bumungad sa ating isip sa usaping ito ay ang sobrang kapayatan pero malaki ang tiyan, tuliro ang itsura, at kabagalan sa pagkilos. Pero kapanalig, ang malnutrition ay hindi lamang undernourishment, sakop din nito ang overnourishment. Ang malnutrition, ayon

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Malayo sa kumakalam na sikmura

 50,018 total views

 50,018 total views Mga Kapanalig, tinatayang aabot sa humigit-kumulang 6% ang economic growth ng Pilipinas sa unang quarter o unang tatlong buwan ng 2024. Ayon iyan kay Department of Finance Secretary Ralph Recto. Sinusukat ang paglago ng ekonomiya gamit ang tinatawag na gross domestic product (o GDP) ng bansa. Ito ang halaga ng lahat ng produkto

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Cellphone ban?

 55,436 total views

 55,436 total views Mga Kapanalig, una nang pinlano ni Senador Sherwin Gatchalian na maghain ng isang panukalang batas na magbabawal sa mga estudyanteng gamitin ang kanilang cellphone habang nasa paaralan. Pero bago pa man ito maisabatas, hinimok niya ang Department of Education na magpalabas ng isang order para i-ban ang paggamit ng mga estudyante ng cellphone.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Damay ang medical profession

 62,143 total views

 62,143 total views Mga Kapanalig, pamilyar sa atin ang kuwento ng Mabuting Samaritano o Good Samaritan sa Lucas 10:25-37. Isang Samaritano ang tumulong sa isang lalaking naglalakbay na “hinubaran, binugbog, at iniwang halos patay na” ng mga tulisan. Binigyan niya ang lalaki ng paunang lunas at saka inihatid sa isang bahay-panuluyan upang maalagaan siya roon. Hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Manggagawang Pilipino

 76,936 total views

 76,936 total views Kapag buwan ng Mayo, ang unang bungad sa atin, kapanalig, ay ang labor day. Marapat lamang na ating tingnan ang maraming mga hamon na kinakaharap ng ating mga manggagawa. Sa kanilang mga balikat nakalagak ang ekonomiya ng ating bayan. Alam niyo kapanalig, ang isa sa mga perennial issues ng labor sector ay ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Malnutrisyon

 83,092 total views

 83,092 total views Kapanalig, kapag usapang malnutrisyon, ang ating unang naiisip ay kapayatan at gutom. Ang larawan na bumungad sa ating isip sa usaping ito ay ang sobrang kapayatan pero malaki ang tiyan, tuliro ang itsura, at kabagalan sa pagkilos. Pero kapanalig, ang malnutrition ay hindi lamang undernourishment, sakop din nito ang overnourishment. Ang malnutrition, ayon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng Buhay sa Syudad

 41,802 total views

 41,802 total views Marahil isa sa mga dahilan kung bakit nauuso ngayon sa maraming pamilya ang pagbili ng mga farmlots o beach lots kahit ganito pa ito kaliit at kamahal ay dahil bumababa na ang kalidad ng buhay sa mga syudad habang tumataas naman ang lahat ng mga gastusin. Ngayong tag-init, mas ramdam din ng mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Trabaho sa kabila ng init

 52,386 total views

 52,386 total views Mga Kapanalig, kumusta kayo ngayong tag-init? Siguro, iba’t ibang paraan na ang nagawa ninyo upang ibsan ang napakataas na temperatura ngayon. Mayroon siguro sa inyong pumunta na sa beach para mag-swimming at sa mall para magpa-aircon. O kaya naman, panay ang kain ninyo ng halo-halo at ice cream para magpalamig. Samantala, may mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Patuloy ang pagyurak sa dignidad ng tao

 60,603 total views

 60,603 total views Mga Kapanalig, itigil ang patayan! Ito pa rin ang panawagan ng mga human rights groups at mga samahang naniniwala sa halaga ng buhay at diginidad ng tao. Dalawang taon kasi mula nang matapos ang administrasyong Duterte, na kilala sa madugong war on drugs, patuloy pa rin ang patayan sa mga komunidad sa ilalim

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Permanent interests

 44,836 total views

 44,836 total views Mga Kapanalig, may kasabihang sa pulitika raw, “There are no permanent enemies, and no permanent friends, only permanent interests.” Positibong pangungusap ito kung ang tinutukoy na interes ay ang interes ng taumbayan o ng mga taong pinaglilingkuran dapat ng mga namumuno sa pamahalaan. Ngunit dito sa Pilipinas, mas madalas na interes ng iilang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilient Education

 50,812 total views

 50,812 total views Kapanalig, kailangan maging resilient ng ating education sector. Ang resilient education kapanali, ay matibay at flexible. Sa ating bansa kung saan napakaraming mga sakuna ang dumadalaw taon-taon, napakahalaga na ang konseptong ito ay maging realidad. Kailangan ma-i-apply ito sa buong bansa sa lalong madaling panahon. Ang resilient education ay tumutukoy sa kakayahan ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Financial Inclusion

 53,905 total views

 53,905 total views Napakahalaga ng financial inclusion sa ating bayan. Kapag inclusive ang ating merkado at ekonomiya, mas maraming Pilipino ang maiaangat sa kahirapan. Kaya lamang, sa ating bayan, ang financial inclusion ay hindi nauunawaan ng marami nating kababayan. Ayon sa Bangko Sentral, ang financial inclusion ay isang estado o kalagayan kung saan ang tao ay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Benepisyo ng Digital Technology

 43,610 total views

 43,610 total views Kapanalig, kapag sinabing digital technology, top of the head ang naiisip natin ay kadalasang may kaugnayan sa komunikasyon gaya ng ng internet. Ang lawak ng sakop nito, at tama lamang na tayong mga Pilipino ay maging mas maalam dito dahil napakaraming oportunidad ang nagbukas at nagbubukas pa dahil sa digital technology. Maski si

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Alin ang mas matimbang?

 44,498 total views

 44,498 total views Mga Kapanalig, naghain noong isang linggo si Senadora Risa Hontiveros ng isang resolusyong inuudyukan ang Senado na imbestigahan ang pinsalang iniiwan ng mga mining at quarrying activities sa ating bansa.  Sa Senate Resolution No. 989, nais ng senadora na makita ang mga butas sa mga umiiral na batas na sanhi ng pagkamatay ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kultura ng pagpapanagot

 59,801 total views

 59,801 total views Mga Kapanalig, malaking balita ngayon sa kapitbahay nating bansa na Vietnam ang pagpapataw ng parusang kamatayan o death penalty sa isang real estate tycoon na napatunayang ginamit—o ninakaw pa nga—ang pera ng pinakamalaking bangko roon. Sa loob ng labing-isang taon, iligal na kinontrol ni Truong My Lan, chair ng isang real estate corporation,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Maging tapat sa taumbayan

 72,210 total views

 72,210 total views Mga Kapanalig, bakas kay Pangulong Bongbong Marcos ang kasiyahan matapos makipagpulong sa Amerika kina US President Joe Biden at Japan Prime Minister Fumio Kishida. Sa pakikipag-usap sa media, ibinida niya na ang pagtutulungan ng ating bansa sa Amerika at Japan ay magdudulot ng “brighter, more prosperous future” sa rehiyon. Aniya, matatag daw ang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top