Pakanin nagugutom, huwag pakialaman nagluluto

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 403 total views

Isang katatawanan na hindi malilimutan
sa taong 2021 nang pagdiskitahan ng ilan
pagkain ng bayan
patunay na marami sa pamunuan
hindi ramdam pintig ng mamayan
lalo na ang kalam ng tiyan.
Unang katatawanan 
bunsod ng kayabangan nang 
paratangan na ang lugaw 
ay non-essential
pagkaing hindi mahalaga
kaya buong bayan nag-alma.
Heto na naman
mga henyo sa kalakalan
ibig nama'y magtakda ng batayan
sa pagluluto ng mga paboritong ulam ng bayan;
ngunit anumang paliwanag
kanilang sabihin
walang kabuluhang pakinggan
mga pinag-iisip nila'y walang katuturan
patunay lamang na manhid at mga payaso
 mga tao ngayon sa gobyernong ito.
Maari bang itakda ninuman
mga sangkap na ibig malasap,
sarap at linamnam na ibig namnamin
ng bawat kumakain?
Alalahaning hindi lamang laman ng tiyan
ang pagkain kung ating susuriin
inihahain pa nga lang, lasap na natin
diwa at katauhan nagigising
ng maraming alaala at kuwento
ng pagkaing bumusog sa atin.
Suriin bawat kalinangan
nasasalamin sa lutuin at pagkain
dahil doon sa mesa nagsisimula
 lahat ng ating kapatiran at kaisahan:
walang kumakain kasama ang kaaway,
ano mang kasunduan ay may handaang kasabay,
higit sa lahat, sa pagdulog sa hapag
doon nagaganap tunay na pagdadaop-palad
dahil sa tuwing tayo ay mayroong piging,
sarili ang ibinabahagi natin sa anyo ng pagkain at inumin.
Maging ang Panginoong Hesus natin
pinili ay pagkain at piging
upang gamitin tanda ng kapanatilihan
niya sa atin:  kanyang itinatag 
hapag ng Eukaristiya
doon sa mesa ng Banal na Misa.
Tangi niyang tagubilin
tinapay na walang lebadura gagamitin
sa bawat pagdiriwang ng piging
kung saan pinapaging-ganap natin
pagmamahal niya sa atin
nang ihandog sarili bilang ating pagkain.
Kaya, huwag nang pag-isipan
ng mga nagmamagaling
paano lutuin mga paboritong pagkain
bagkus kanilang isipin
paano mapapakain
mga nagugutom na kapatid natin.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang fourth estate

 63,325 total views

 63,325 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 106,933 total views

 106,933 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 189,975 total views

 189,975 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

SHORT CHANGE

 202,319 total views

 202,319 total views Kapanalig, sinasabi ng Merriam dictionary…, ibig sabihin ng “short change” ay to deprive of or give less than something due: CHEAT Sa kabila

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Easter is friendship in Jesus

 12,637 total views

 12,637 total views Lord My Chef Daily Recipe by Fr. Nicanor F. Lalog II Friday in the Fifth Week of Easter, 08 May 2026 Acts 15:22-31

Read More »

Easter is the joy of Jesus

 12,940 total views

 12,940 total views Lord My Chef Daily Recipe by Fr. Nicanor F. Lalog II Thursday in the Fifth Week of Easter, 07 May 2026 Acts 15:7-21

Read More »

Of bed & altar

 12,962 total views

 12,962 total views Quiet Storm by Fr. Nicanor F. Lalog II, 06 May 2026 Photo by Erik Mclean on Pexels.com Sampung buwan na ‘kong hindi natutulog Kasi

Read More »
Scroll to Top